October 19, 2006

Pataas nang pataas

Nung magsimula akong mangolekta ng komiks, P30 lang isang piraso. Ngayon P180 na.

Ang unang tape na binili ko ay P90. Ngayon, P150 na. (pero dahil phaseout na, marami rito P30 na lang)

Piso lang dati ang pandesal. Ngayon, piso pa rin. Pero isang subo na lang.

Nung unang lakwatsa ko, P1.50 lang ang pamasahe. Ngayon, P7.50 na.

Dati, ang regular na price ng isang pocketbook na bago ay P30. Ngayon, ang discounted price ng isang pocketbook na di na mabenta ay P50.

Nung high school ako, ang tuition ko ay P3,000 lang. Ngayon, ang tuition sa dati kong school ay lagpas P10,000 na.

Mula pa nang una akong mag-aral ng economics noong high school, napapakamot talaga ang ulo ko pag pinag-uusapan kung bakit ang general price level sa ating ekonomiya ay tumataas. Bakit ba may inflation?

Ang dami kong libro ng economics sa bahay na siyang hinanapan ko ng sagot. Pero kahit na ilang paliwanag pa ang mabasa ko, kahit anong scientific model pa ang maipresent sa akin, di ko talaga makita ang rationale ng inflation. It's a stupid and unsustainable phenomenon na iisa lang ang nakikita kong dahilan.

Because in our commerce-driven, profit-consumed, survival-of-the-fittest world, enough is just never enough.

2 comments:

melai said...

kaya sino ang magsasabing iskolar ng bayan ang mga taga UP e ang taaas ng matrikula .... sa PUP noon pinakamalaki na ang binayaran kong P350. huwag mo ng itanong kung kailan yun pero di malayo sa taon noong nasa UP ka sigurado lol!!!

darwin said...

magtaka ka yung fishball P0.50 pa rin.