October 19, 2006

Lucky Number 7

Sabi nila, masuwerte raw ang number 7.

Eto raw ang perfect number ayon sa Bible. Nung ikapitong araw nagpahinga raw ang Diyos. Merong seven sacraments. Merong seven virtues. Yun nga lang meron ding seven deadly sins.

Mayroong seven days in a week. Seven ang notes sa western musical scale (Do Re Mi Fa So La Ti). Seven ang kulay sa isang rainbow (ROY G BIV). Seven yung nagiging sum ng kahit anong opposite side ng isang dice (6+1, 5+2, 4+3). Si Snow White, may seven dwarves. Si Akira Kurosawa, may Seven Samurai. Ang bandang Queen, may Seven Seas of Rhye.

Sa Pilipinas, may pitong Maria. Ang mga albularyo, may pito-pito. Ang Sexbomb, may Daisy Siyete. Si Fred Panopio, may Pitong Gatang.

May significance nga ba at special qualities ang number seven? Di ko alam. Basta ang nakakatiyak ako, nitong nakaraang pitong taon, ako ang isa sa pinakamasuwerteng tao sa buong mundo.

2 comments:

melai said...

kakainggetttttttttttttt!!!!!!! sarap nyo pag-umpugin ng ulo ni dyosa lol!!!!
Happy Anniv po Paeng at dyosa :)

Anonymous said...

dati isa ito sa mga paborito kung numero dahil ito ang aking "class number" pati sino naman ang hindi makakalimot na ito ang numero ni JAWO sa basketball.