October 26, 2006

Iritable

Naiirita ako sa buhay na umiikot sa trabaho. Pero sa SGV ako unang pumasok.

Naiirita ako sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis. Pero sa tax compliance group ang aking unang trabaho.

Naiirita ako sa mga buwakananginang private schools na kung magtaas ng tuition e akala mo nalulugi. Pero nagturo ako sa private school na may pinakamataas na return on investment sa Pilipinas.

Naiirita ako sa mga malalaking korporasyon na siyang dahilan ng sobrang laking social inequality. Naiirita ako sa kanilang mga outreach / corporate social responsibility programs na kadalasa'y pakitang tao lamang at ang goal ay para bumango ang pangalan nang matakpan ang social problems na kanilang nagagawa. Pero kasalukuyan akong nagtatrabaho sa Philippine Business for Social Progress.

Naiirita ako sa imperialist globalist tendencies ng American government. Naiirita ako sa kanilang mga aid program kasi halata namang kahit may kaunting kabutihan itong naidudulot, ito ay mayroon ring makasariling agenda na itinutulak. Pero kasalukuyan akong tumutulong mag-implement ng isang malaking programa ng USAID.

Siguro gusto ko lang naiirita. O baka rin inaakala ko lang na may magagawa ako para balang araw, di na ako maiirita sa kanila.

1 comment:

number cruncher said...

baka malakas talaga pagka-idealistic mo in spite of it all...

yung tipong nakakairitang magtrabaho sa pilipinas pero dito pa rin kumakayod kahit na karamihan ng mga kaklase ay nagsipa-abroad na? :P