March 17, 2005

Ang mga Pambato!!!

Ngayon ang ikatlong taon na seseryosohin ng FEU ang pagparticipate sa isa sa pinakaprestigious na interschool competition sa bansa - ang InterCollegiate Finance Competition. For the past two years, consistent na number 7 ang FEU among all the schools in the Philippines na lumalaban sa competition na ito. Pero ngayong taon, di na talaga kami makukuntento sa number 7. Ang aim namin ngayon, CHAMPION!!!

Sa anim na taon na dinaos ang ICFC, tatlong schools pa lang ang nananalo. UP Diliman, De La Salle University - Taft, at Ateneo de Manila University. Nagpapalitan lang sila. Pero ako, malaki ang paniwala ko na panahon na para sirain ang misconception na ang tatlong universities lang na ito sa Pilipinas ang magagaling. Panahon na para maka-contribute tayo sa pagsugpo sa discrimination na ginagawa sa mga estudyanteng wala sa "Big 3".

Paano namin gagawin ito? Wala nang ibang paraan kundi sa sipag at tiyaga. May dalawang approach kasi sa competition, at ididiscuss ko ito sa pamamagitan ng isang analogy sa sports. Ang unang approach ay ang American approach. Ito yung approach ng "Dream Team" - pagsasama-samahin mo ang pinakamagagaling at hahayaan mong ang natural talent nila ang magpanalo sa laro. Ang ikalawang approach naman ay ang China / Russia approach. Dito, dadaanin mo sa puspusang training para gumaling ang iyong mga contestants. At sa case ng ICFC training na pamumunuan ko uli para sa FEU, gagamitin ko ang China / Russia approach.

Kanina, nagkaroon na ng Qualifying Exam para malaman kung sino ang papasok sa five-man FEU team na dadaan sa training na magsisimula ngayong summer. At pagkatapos ng tatlong oras kung saan tunay na piniga ang kanilang mga utak, eto na po ang resulta. Eto na ang ating mga bagong PAMBATO!!!

Top Three (sigurado nang pasok sa final team!)

Irene Saludo (clap clap clap!)
Teresa Immaculata (clap clap clap!)
Ryan Bertos (clap clap clap!)

Strategic Picks (mga role players)

Ramon Dejucos (palakpakan!)
Ma. Charissa Uanang (palakpakan!)

Reserves (ang importanteng mga back-up)

Mar Lagundimao (wwwaaaavvveeee!)
Nathaniel Ansay (wwwaaaavvveeee!)

Sila ang magdadala ng bandila ng FEU sa ICFC sa September. Sana suportahan natin silang lahat!!!

Ngayon, nagkaroon ako talaga ng ilang oras na pag-iisip pagdating sa aking ipapasok sa strategic pick. Kasi, ang nag-number four sa qualifying exam ay si Mar, na isa sa mga paborito kong estudyante dahil isa siya sa mga "undiscovered talents" sa mga 4th Year B.S. Accountancy students. Gusto ko talaga siyang ipasok pero may problema ako. Lahat ng nasa Top 3 kasi, walang experience sa interschool competition. Lahat sila ay "undiscovered talent". At kamalas-malasan, si Mar ay wala ring experience sa interschool competition. Lima ang aking ilalaban sa ICFC, at kung nagkataon, apat sa limang ilalaban namin sa isang napakalaki at high-pressure na competition ay wala pang experience. Kaya't masama man sa loob ko, kinailangan kong ilagay na lang muna si Mar sa reserve at piniling i-priority ang dalawang "beterano" na sa competition na sina Ramon at Issa para magkaroon kami ng experience.

At kung tatanungin ang mga sinali ko last year sa ICFC, napakalaking bagay ang experience sa ICFC dahil ibang klase ang pressure sa harap ng stage na kasama mo lahat ng bigating school sa Pilipinas. At may balak pa raw na ngayong taon, may mga Australian schools nang kasali.

Magbibigay pa naman ako ng final qualifying exam sa June para malaman kung malaking bagay nga ang experience para sa ganitong competition. At gagawin ko siya sa isang paraang malalaman ko kung sino ang makakayanan talagang lumaban under pressure. Kung paano ko ito gagawin...ako lang ang nakakaalam. Kaya't sa dalawang reserves na Mar at Tany, may pag-asa pang papasok kayo sa final roster. Di kayo habambuhay na reserve at nasa sa inyo yan. At kay Issa at Ramon, kailangan namang patunayan niyo na may dahilan ako para gawing strategic picks kayo. Magkakasubukan tayo sa June. :)

Ngayon, ang natapos na qualifying exam ay nagpasok sa aking utak ng isang katanungan. Bakit may magagaling na estudyante na hindi lumalaban sa interschool competition? Ang pagkakaroon ng training team na lalaban para sa interschool competitions ay isang magandang idea na sinimulan sa FEU ng aking kaibigan na si Aljon mga limang taon nang nakakaraan. Maganda talaga ang may training pool para nahahasa sila, pero sa tingin ko may mali sa sistema. Kasi, ang training pool ay pinipili sa third year at kung sino man ang makapasok ay sila na ang pirming lalaban sa mga interschool competitions hanggang sa magka-graduate ang batch nila pagkatapos ang dalawang taon. Sa tingin ko, dapat ay nagkakaroon pa rin ng opening sa membership ng training pool, dahil unfair ito sa mga matatalinong estudyanteng lumabas ang talent noong 4th year / 5th year na.

Sana...mali pala...DAPAT pag-isipan ito ng susunod na batch ng officers ng JPIA. Para wala na akong pinoproblema sa "experience requirements" ng mga magagaling na estudyante.

12 comments:

Anonymous said...

i agree with you sir bout d training Pool! There are some students na kung kelan nalang graduating sk nlng lumalabas ang tunay n talents. So mas ok cguro kung di lang minsanan mamimili ng member ng training pool. Not just to give second chance, pero pr nrin s skul to discover the talents of other students, Malay ntin un plang mkkpgbigay ng inaasam asam nting top1 s board eh nanjan lang sa tabi at di nppgtutuunan ng pansin.

Galing tlg ni IRENE,MAR,AND TERE, Evan saluteS the three of you! Itaas nyo ang bandera ng mga tahimik! hehehe!

Anonymous said...

hehe..henyo talaga ako! ganyan talaga pag henyo..reserve kasi secret weapon..hehe..galing natin Mar! tayo ang mga henyo kasi secret weapon..hehe..thank you sa wakas nbanggit na ako sa blog ni sir!hehe..sir GTO ulit..sna mapanood ko ung 13 episodes..para kumpleto..kelan kya pwde? -tanny

Anonymous said...

feeling mo nmn tanny ikaw si saguragi n secret weapon? Si coach ansai ka lang s slum dunk! but anyways cge n nga. moment mo nmn ngayun eh! galing tlg ni mar! hehehe! Evan

aLLeN said...

the nerve talaga tanny!! feeling mo dahil reserve ka, secret weapon ka na! Naku Paeng-sensei, nagkamali ata kayo kay tanny! Magpapacute lang yan don! May score ba ung magaling magpa-cute kahit hinde???????... :p
**peace,tanny** hehehe...

michelle cruz said...

sir...nagseselos ako! sabi mo ako favorite mo! tsk,tsk!
di bale mr.jpia nman c mar e...

nkakaexcite nman post mo sir...parang hbang bnabasa ko may nririnig ako n horror scoring sa ulo ko...sana nga manalo tyo ngyon lalo pa at ikw na nman ang coach e ang lufets mo p nman! tsaka ksali c ryan e frndshps ko un, tska kyangkya panisin ni rye ung mga un (it's not feasible)...e pag ntutulog yan e nagrerecite ng mga SFAS un in his sleep...ganun kabangis! tska sir may experience yan c ryan tanong nyo nlng s knya...=)

pro tama din kyo n dpat hndi lng i-limit s finest ang mga inter-school competition...hndi tuloy nbibigyan ng chance ung mga ktulad ko na magagaling at mahiyain lng...(d ba?)

excited na ko na mapanood ICFC ds yr...prang may mgandang mangyayari...sir pahirapin mo cla a...pro ibilin mo na maligo bago pumasok! =)

Evan said...

malay mo mkk2long allen pgppcute ni tanny! un eh kung girls ang kalaban nila. Madidistruct(un eh, kung kdistruct distruct nga ba si face ni tanny,hehehe)... peaca tau tanny!

Evan said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Anonymous said...

magkakaroon daw ng bagong ruling s icfc..hehe..may points n dw ang cute..ako nagpauso nun..hehe..naku wla ng thrill ung laban kpg gnun..masyado na kc taung lamang kpg gnun..hehe..-tany

Anonymous said...

Hindi kasalanan ng mga estudyante ng "Big 3" kung magagaling sila. Walang discrimination kasi mananalo lang kung sinong karapat-dapat. Pero libre naman ang mangarap...

Paeng said...

^ sakit mo namang magsalita. heniweyz, we'll do our best and i hope that we can show na hindi lang naman talaga ang "Big 3" lang ang may magagaling na estudyante.

nanoy said...

hoy anonymous, wala namang yabangan. hindi porke "may pangalan" mas magaling na ang mga estudyante nun sa "walang pangalan" na skul.

kahit mga taga-UP may kabulukan din ang mga estudyante at pagtuturo.

taga-UP ako.

Anonymous said...

aksholi sir, pwede naman pong magpasok ng new members sa batch ng finest. hehe... tulad na lamang po ni isiah sison, ni rian at ni ganda, hehe...

si jon po ito :)