March 15, 2005

Final Season...

Patapos na ang semester. Patapos na rin ang school year. Panahon na naman para magbalik-tanaw at magnilay sa mga nangyari nitong nagdaang taon.

Kakaiba ang taon na ito sa lahat ng naging taon ko sa pagtuturo. Isa siyang "study of contrasts", kung tutuusin. Ngayong taon ko naranasan ang maraming tagumpay. Ang pagko-coach sa mga national competitions. Ang pagturo sa aking mga estudyante kung paano makapagsulat ng papel. Ang pagnetwork sa mga estudyante mula sa iba't ibang mga kurso.

Pero ito rin ang pinakamasama kong taon ng pagtuturo. Ngayon lang talaga natapos ang taon na hindi ako natuwa sa aking mga pinaggagawa sa klasrum - ang daming absent at ang daming "palusot" na style ng turo na may igaganda pa sana. Tapos nandyan pa yung disaster na pag-adviser ko sa Student Council. Ngayon lang din nangyari na nangyaring may sinukuan akong mga estudyante at tinanggap kong wala akong magagawa para sila ay magbago.

Dumarating ang panahon na mararamdaman mong...tapos na. Na wala na ang puso mo sa ginagawa mo. Ito ang naging problema ko ngayong taon. Sa totoo lang, ang mga estudyante ko na lang ang nakakapagtulak sa akin sa pagtuturo ko ngayon. Pero sabi nga ni Danny Javier sa isang kantang sinulat niya:

"At kahit na anong gawin
'Di mo na mapilit at madaya
Aminin sa sarili mo
Na wala ka nang mabubuga

'Di na madaig o mabalik ang dating matamis na kahapon
Pilit ma'y tuyo na'ng damdamin..."


Nagsimula akong magturo sa lugar ng mga Tamaraw na may misyong gustong matupad. Malungkot man na di ko pa nasasakatuparan ang aking misyon, ramdam kong kailangan ko na munang magpaalam kaysa magpatuloy pa sa isang gawaing wala na ang aking puso. May mga gusto pa akong sabihin ngunit iba na ang lumalabas sa aking bibig. At ang aking mga sinasabi ay wala na ring makikinig. Sapagkat ang lahat ng kailangan kong masabi sa loob ng klasrum, mukhang nasabi ko na. At ang lahat ng kailangan ko pang sabihin ay nasa labas na ng mundo ng klasrum.

Pero siyempre, gagawin ko na muna ang aking best effort para maging maganda't maayos ang tapos ko. Kaya simula sa linggo pagkatapos ng Holy Week, magsisimula na ang "Final Season" ni Sir Paeng sa Pamatasan ng Malayong Silangan. Paano kaya matatapos ito? Abangan na lang sa April 2006.

Kanta muna tayo...

Tama Ka
ni Buddy Zabala
kinanta ng Eraserheads

Tama ka nga.
Walang saysay kung itutuloy pa.
Hayaan na natin ang bukas...

Ngunit sa gabing ito,
hawakan ang aking kamay
muling sundan ang mga unang yapak
ng ating pagmamahalan

Tama ka nga.
Walang saysay kung ibabalik pa.
Hayaan na natin ang bukas...

Minsan nagtatanong kung saan,
kailan,
paano nagsimula
ang katapusang mahirap takasan?
Pero 'wag na,
ibato mo na lang sa ulan.

Tama ka nga.
Walang saysay kung ibabalik pa.
Hayaan na natin ang bukas...

3 comments:

Anonymous said...

Nanghihinayang...

Sanay hindi ko nalang nakilala si sir paeng... halos dalawang taon nang nakalipas ng una akong magtanong kay sir kung papano makukuha ang selling price per unit, nasa labas kami ng room habang hinihintay naming dumating ang iba ko pang classmates, napansin ko non na parang madali si sir makisama sa studyante kasi bihira ang professor na ngumingiti sa studyante nya at madalas pang may kasamang malakas na tawa...


Nagiging totoo lang ako sa nararamdaman ko ewan ko pero sa tingin ko halos pareho kami ni sir ng pagkatao, makikita mo rin sa aking mga kilos ang nararamdaman ko tulad ni sir ng nawalan siya ng wallet, dito sa isinulat mo sir kulang nalang maiyak ako kasi sa lahat ng professors na humawak sa 01 at 02 sigurado akong nahigitan mo dahil hindi lang MAS1&2, Marketing at CSYSANDS ka namin nakakasama, maaasahan karin kung may problema kami sa ibang professors o sa ibang subjects, sir iba ang may pinagsamahan, garapal man kaming magkopyahan at hindi man tumitigil sa pag iingay nasa mga professors parin ang respeto at pagpapahalaga namin...

Sa lahat ng mga na ikwento ni dean kung anong FEU-IABF dati na sa tingin ko ba eh wala talagang ginagawang maganda bukod kay sir ocampo na nag top sa board exam parang nakakawalang moral nang magtapos ng accountancy sa isang institusyon, sir dati tinanong kita kung bakit sa FEU mo piniling magturo sabi mo sakin marami kang pinagpilian sa UE at Holy Spirit pa yata yung iba, dagdag mo "INISIP MO KUNG SAAN YUNG SCHOOL NA MUKHANG MAY PROBLEMA" sir welcome, hindi ka naman nagkamali sa pagpili mo, sa totoo lang hindi naman madadaan sa dami ng competitions, major o minor, prestige or not ang success o sa tingin ko'y naresolbang problema ng IABF, siguro sir mas makakaalis tayo ng sabay-sabay at maayos kung mababasa na natin sa dyaryo na 75% ang passing percentage sa board exams ng mga nakakatapos na accountancy students...

Sa lahat ng mga sinabi ko kagustuhan mo parin ang masusunod, hindi ko masabing hindi ka na masaya kaya ka aalis dahil kung ganon man nakikita sana namin sayo, siguro nga'y may maliligaw pang sir paeng sa FEU pero ang hiling ko lang wala na sanang mga studyanteng manghinayang... isang studyante mula sa AC01402

michelle cruz said...

waaaaahhhh.......kinilabutan ako sir....

khit pa one yr to go e ba-bye feu na rin kme prang nkakalungkot isipin na iiwan mo na ang skul...prang hndi na feu un...prang hndi na iabf...prang tatamlay na nman ang BSA...gaya nung umalis si mam solis...

nkakatuwa k tlga at ang dami mong prinsipyo na hndi ka nasasawang ituro sa mga gaya nmeng hndi to msyadong nabibigyang pansin...cgro sir kng hndi ikw ang prof ng mktg plan e hndi ako magpupursige ng ganon, bka nga gaguhin ko lng un e...tgnan mo nman ending, bumalik ung sipag kong akla kong nabaon cmula nagUST ako...

andami kong natututunan snyo sir...hndi lang lecture kse mdli lng un mklimutan...un bang mga importanteng bagay...gaya ng paninindigan (naks!) hndi kse mapipigilan na matuto at matulad syo kse ini-emanate mo ung mga itinuturo mo, prang radiation ng super scien (dragon ball, tama b spellng?)....

sna sir sa napipintong pag alis mo e mhnap mo ung mga hnahnap mo...sa ibang lugar man...tsaka hndi mo man natapos ang msyon mo sa feu e nkapagpabago k nman ng mga katulad ko...ktulad ng 402...naiiyak n k!!!

kng aalis k n tlga sir...sabay2 nating gawing napaka ganda ng pag alis naten s feu na khit mdming imperfections e minahal nten dhil sa mga gintong taong nsa loob nito...mga prof na ktulad mo.

parang handa na kong magturo ng prinsipyo't dangal sa gubat talangka.....

chuva said...

Aalis kayo zir?ut why?