March 12, 2005

Ang Wallet...

Halos isang linggo akong di nagpopost. Napuno kasi ako ng kalungkutan. Ang dami ko kasing ginagawa, tapos parang ang dami pang kamalasan. Nandyan ang di kami makasingil nang maayos sa Yearbook. Tapos, medyo ok na sana ang newsletter, tapos...na-corrupt ang file!!! Ang dami pang pinagagawa ngayon at nakabalik na si Dean.

Pero kahapon, sobrang depressed ako. Nawala kasi ang aking wallet. Nandun pa naman ang resibo ng mga binayaran naming malalaking halaga sa Yearbook. Nandun pa ang ATM card ko, picture ni lalabs, picture ng aking pamilya, picture ng mga estudyante...

Kanina, meron akong inapprove na Friendster testimonial, mula sa isa sa aking paboritong estudyante na si Myra. Sabi niya "si sir pansin ko lang makikita mo talaga sa kanya kung ano ung nararamdaman nya" Totoo yun, napaka-transparent ko yatang tao. Kaya maraming nakapansin sa akin kahapon na malungkot ako.

May mga nagsabi ng mga words of comfort. May plano daw ang Diyos sa lahat ng bagay.

May nang-asar, nilabas yung wallet nila at patuloy na pinapakita sa akin.

May tumawag sa cellphone.

May nagbigay ng instructions kung paano ipasara ang ATM account.

May mabait na pinasahan ako ng load. :p (Hi, Marla!!!)

Hindi naman ako ngayon lang nawalan ng wallet. Ilang beses na akong nahold-up,, at madalas, nawawala agad ang bad trip ko. Ngayon nga lang, marami kasing importanteng memorabilia na nasa loob ng wallet. Tapos nasabay pa sa aking mga problema.

Kung meron mang magandang binunga ang pagkawala ng wallet ko, natuto uli akong sumakay ng jeep. Di naman ako mayaman, pero napapadalas talaga ang pagta-taxi ko kasi madali na akong mainip sa biyahe. Pero ngayon, balik na uli sa dati. At nagkaroon na uli ako ng sense ng time management kasi di ko namang pwedeng ipakipagsapalaran yung hinahabol kong oras kung nagji-jeep lang ako tapos palipat-lipat ako ng lugar.

Kanina, medyo naiayos ko na ang ilang bagay. Nagising naman ako nang maaga at nakapunta sa mga meeting ko on time. Tapos, nai-report ko na rin sa banko ang pagkawala ng aking ATM card. Papalitan raw nila sa Tuesday. At ang pinakamasaya sa lahat, natapos na ang newsletter at ready na for printing. Hindi naman pala ako minamalas. Talagang nagkakataon lang na nagkakasabay-sabay ang mga mabibigat na bagay sa buhay ko.

Pag-uwi ko kanina, isinaksak ko ang tape ng Eraserheads na Natin 99. Parang naging ritwal ko na yata ito tuwing uuwi ako na natapos na ang isang mabigat na gawain. Ang saya, pero di ako mapakali. Habang nakahiga ako sa aking kama, parang binabagabag ako. Sa isang di inaasahang pagkilos, tumingin ako sa ilalim ng aking kama...

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!

Ang tanga ko!!!

Sabi ko na, hindi talaga ako minamalas...

12 comments:

Evan said...

hmmmppp... hula ko, nakita mo ang wallet mo s ilalim ng kama mo? tama ba?

gemma said...

nawala po pala ang iyong wallet... pero tama c evan, sa tingin ko nga nakita mo na.. swerte pa rin..

Paeng said...

ang serious naman ng mga reply niyo. :p

Anonymous said...

walang ibahan ng topic... di nyo nmn cnasagot tanung nmin gemma eh(tama b c gemma nga b yan n tropa ko?! aba marunong kn pl net gemma!) heehe!

Anonymous said...

Mukhang panahon nga ngayon ng walaan. Marami akong kaibigan at mga estudyante na nakakawala o nakakaiwan ng pitaka o gamit.

Noong isang linggo, akala ko nadukutan ako ng pitaka sa jeep. Yun pala, sa takot kong mawala, ang galing kong magtago, kahit ako hindi ko mahanap.

Sabi ng isang kaibigan, minsan daw pag may nawawala sa atin o nananakaw, ibig lang sabihin nito na hindi na natin kailangan ang mga natangay mula sa atin. Mahirap naman paniwalaan, kasi sa hirap ng panahon ngayon, lagi tayong nangangailangan ng pera. At ang sabi nga ni Lualhati Bautista: "Ang manunulat ay laging walang pera."

Anonymous said...

Mukhang panahon nga ngayon ng walaan. Marami akong kaibigan at mga estudyante na nakakawala o nakakaiwan ng pitaka o gamit.

Noong isang linggo, akala ko nadukutan ako ng pitaka sa jeep. Yun pala, sa takot kong mawala, ang galing kong magtago, kahit ako hindi ko mahanap.

Sabi ng isang kaibigan, minsan daw pag may nawawala sa atin o nananakaw, ibig lang sabihin nito na hindi na natin kailangan ang mga natangay mula sa atin. Mahirap naman paniwalaan, kasi sa hirap ng panahon ngayon, lagi tayong nangangailangan ng pera. At ang sabi nga ni Lualhati Bautista: "Ang manunulat ay laging walang pera."

-psychicpants

gemma said...

yup! ako nga ito.. ang nagiisang gemmaganda.. hehehe... cge na nga, kalimutan na natin ang wallet..

Anonymous said...

Talaga yatang wala na akong maaaachieve na goal ngayon sem, wheeew speeking of minamalas matagal ko nang isinet ang goal na kailangang makalaban ako sa isang kilalang kompetisyon, pero ano nga bang nasa isip ko nung sinabi ko yon? Tama nga ang aking konsensiya katanyagan at pagiging iba mula sa normal na katalinuhan ang iisipin ng iba kung magkaka totoo ang pangarap kong tila suntok na sa buwan, ang hinahabol ko ay ang ICFC competition, wow sa totoo lang medyo masama ang loob ko ng makita ko ang memo dahil wala doon ang pangalan ko, pero nag isip-isip ako, kung naging finest man hindi talaga yon pagiging iba sa nakararami at walang linyang nagbubuklod sa amin (mga finest at simpleng accountancy students) lumaki yata ang ulo ko dahil sa mga nadidinig ko nung na i-post na ang result ng examination para sa selection ng Finest Batch 4. Yon nga nung nakapag isip-isip na ako kung saan kaya ibinase ang pagpili ng mga mag eelimination exam naisip kong mababa nga palang talaga ang GWA ko. Sa totoo lang kapag nababanggit sa usapan naming magbabarkada yung memo, silently sumasama loob ko kasi gusto ko sanang makipag compete sa sarili ko at hindi sa ibang halimaw na sasali sa elimination pero papano ko malalaman kung sino ang nanalo sa pagitan ng aking kagustuhang talunin ang mga matatalino kaysa paglabanan ang sarili kong kagustuhan na gawin ang ibang bagay kaysa mag focus sa pag aaral ngayong wala na ang pagkakataon? Sa mga ganitong sitwasyon madalas ipinagdadasal ko nalang na huwag Niya akong pababayaan sa pinakamalaking laban ng pagiging istudyante at sa lahat ng ibang pinapangarap ko, bahala na sa Wednesday kong darating ang makapal kong mukha pero parang gusto kong pilitin, sabi ko nga nong magdedefend na kami sa marketing plan, "Here goes nothing" bahal na... Kapag nagboard exam ibibigay ko ang lahat... isang istudyante mula sa AC01402

michelle cruz said...

hndi ako ung nagpost nung"isang estudyante mula s 402"....la lng, pnagbibintangan kse ako nila mabini e! hndi nman po ako mahiyain na ipirma ang pangalan ko sa mga katarantaduhang isinusulat ko d2....pro cno kya c "nanghihinayang?" prang maprinsipyo? pogi kaya? hi i'm majestic!

Paeng said...

^ tinatanong pa ba yan? ang anonymous na yan, si Alejandro.

Anonymous said...

oops teka hindi ako yon sir! swerte ko naman yung binuksan kong topic blind item ako! arthur alejandro

Paeng said...

ah...ok. hahaha!!! sino naman kaya? hmmmm...