March 18, 2005

Juice Ko!!!

pinyaGustong gusto ko ng pineapple juice.

Nung high school, kapag nagja-jogging pa ako mula sa bahay hanggang sa CCP, pineapple juice ang madalas kong binibiling samalamig sa isang maglalako. Di nga lang ganun kasarap kasi parang kulang sa juice at puro naman tubig, pero ok pa rin.

Dati, nung may Pineapple Juice pa sa Jollibee, lagi kong pinapa-juice up ang aking value meal. Dalandan juice na lang ngayon e, wala nang pineapple juice. Sayang...

Nung college, sobrang tipid ako. Pag umuuwi ako, nilalakad ko lang ang mula Kalaw hanggang dito sa bahay namin. Mga apat na kilometro rin yun. Sa pagitan ng ruta ng aking nilalakad, merong nagtitinda ng pineapple juice. Malapit iyon sa kanto ng Paz St. at Pedro Gil. Para ngang kagaguhan yun kasi piso lang talaga ang natitipid ko sa paglalakad kasi pinambibili ko rin naman ng pineapple juice.

Kapag may rally, madalas rin na pineapple juice ang pampawi sa uhaw. Di ko kasi trip ang buko juice (masarap lang siya pag may gatas at ok lang yung tatak ay "Laguna"). Parang lugi naman ang mineral water (sampung piso para sa tubig na inigib lang sa gripo). Kapag sago at gulaman naman, mas lalo lang akong nauuhaw (sobrang tamis naman kasi). Siyempre, pineapple juice na lang ang aking pipiliin.

Pero matagal-tagal rin akong di nakainom ng pineapple juice. Mga isang taong mahigit. Di ko alam kung bakit ganun, di naman naglaho ang pinya sa balat ng lupa.

Nitong nakaraang dalawang linggo, bigla na lang napagtripang magtimpla ng pineapple juice dito sa bahay. Madalas kasi, orange at calamansi juice lang ang binibili ni Inay para inumin namin dito. Pero sa isang himala'y biglang na lang naisipan na mag-pineapple juice naman.

Kanina pag-uwi ko, binuksan ko ang ref. At laking ngiti ko nang aking makita ang isang pitsel ng pineapple juice na naghihintay.

aaahhhhhhh....

Juice ko...this is the good life.

3 comments:

nanoy said...

wahaha. pareho pala tayo ng ruta pauwi? naglalakad din ako mula kalaw eh... :p

chuva said...

sir try nyo rin pineapple juice sa greenwich,in fairview masarap sya,un nga lang d ko lng lam kung kasundo ko kayo sa lasa..hehe

riadiosa said...

naalala mo pa ung juice na iniinom natin pag kumakain tayo ng quek-quek sa labas ng sm? kulay pineapple lang pero kulang sa lasa =)