March 16, 2005

Darna!!!

Malapit nang lumipad ang bagong Darna ng ating panahon...si Alwina!!! Este, si Angel Locsin pala.

Sa tingin ko, mae-MTRCB sila nito kung itutuloy ang paggamit ng ganyang design ng costume. Maganda ang costume, pero alam mo naman ang ating Classifications Board, mga hipokritong santo kuno na pinanganak yata noon pang 1800s.

Heniweyz, sana maganda ang kwento. Hindi tulad nung Darna ng Mango Comics. Kaya nga lang kinakabahan ako kasi si CJ Muere ang Ding. Laging may overacting na aagaw ng eksena!!!

Ang masasabi ko lang sa picture...mukhang matutuwa si psychicpants nito. Hahaha!!!

2 comments:

Anonymous said...

Tama ka diyan! :)
-psychicpants

Paeng said...

^ mas maganda nga yung ibang picture sa Inquirer. yung front view :D