September 20, 2006

Democracy destroyed?

Ngayong nagkaroon mg isang military takeover sa Bangkok, Thailand, humirit na naman ang ating mga paboritong "tagapagtanggol ng demokrasya."

Ayon sa U.S.:

"We continue to hope that the Thai people will resolve their political differences in accord with democratic principles and the rule of law."

Ayon naman sa Australia:

"We deeply regret the fact that such a coup has taken place; obviously to see democracy destroyed in that way is a matter for grave concern to us,"

Sa pagkakaalam ko, ang demokrasya ay pagbibigay ng kapangyarihan sa mga tao na magpasya kung anong landas ang tutunguhin nila bilang isang bansa o isang estado. Ang demokrasya ay pagkakaroon ng government of the people, by the people, and for the people. Totoo, ang Thai military muna ang nag-takeover sa gobyerno nila sa coup na ito, pero ito ay bunga rin ng isang popular uprising na suportado ng karamihan ng mga Thai.

"Across the capital, Thais who trickled out onto barren streets welcomed the surprise turn of events as a necessary climax to months of demands for Thaksin to resign amid allegations of corruption, electoral skullduggery and a worsening Muslim insurgency. Many people were surprised, but few in Bangkok seemed disappointed.

Sabi ng ating mga "democratic superpowers" na ito ay isang step backward sa demokrasya ng Thailand. Malamang totoo nga ito kung gagamitin natin ang depinisyon nila ng demokrasya kung saan ang general populace ay nae-exercise ang kapangyarihan sa pagpili ng leader ngunit wala namang magawa pag tapos na ang eleksyon sa pagbuo ng kanilang public policy. Tingnan mo naman ang American government kung saan karamihan ng tao ay ayaw nang ituloy ang U.S. occupation sa Iraq pero wala pa ring paki si Bush at ang kanyang mga kachokaran. Iyan ang kanilang model ng "demokrasya".

Di ko alam kung ano ang kahihinatnan ng mga pangyayari ngayon sa Thailand, pero sa mga nakikita kong footages at pictures at sa mga nababasa kong balita, masaya ang mga tao sa nangyaring uprising. Tahimik, mapayapa, at may mga nagpapapicture pa nga sa tabi ng mga tanke. Nakadilaw pa sila (buwiset!) at mukhang suportado ng kanilang constitutional monarch / hari.

Ewan ko, but doesn't it feel so...democratic?

----------
Isang pasintabi nga pala. Di ba sabi ng mga proponents ng parliamentary form of government na mas madali raw mag-alis ng unpopular leader kung parliamentary at hindi na raw kakailanganin ang mga uprising na ganito? E bakit...?

Hmmmm...nagtatanong lang naman. Paging the Legion.

6 comments:

riadiosa said...

nasira ang entry dahil sa "si Bush at ang kanyang mga kachokaran"<==ang alam ko sa kachokaran ay katsismisan. well, baka mali ako. patunay na ikaw ang bakla sa relasyong ito.

melai said...

lol ria awayin daw ba si fafa uhmmn wag muna after the anniv muna ...tama ang gamit nya sa kachokaran..kachokaran means kabarkada,kaclose, kakampi.

uhmmnn
paanong mangyayari na mawawala ang unpopular leader pag parliament na? hindi ba biglang maglilitawan ang mga unpopular na pulitiko lalo na ang mga nakadikit sa namumuno sa parliament system?

Paeng said...

^ exactly, Melai. at yan ang dapat nating itanong sa Sigaw ng Bayan, sa Lakas-NUCD, kay Gloria et al dahil sila ang nagbebenta ng idea na iyan.

to lalabs: masyado ka namang madaling maghinala. :p

ann said...

Ito pala ang tambayan nang maswerteng tao na napansin ng diosa ng japan. Dumaan lang po. Have a nice day!

melai said...

hehehehe pitong taon na kayo, pinaghihinalaan ka pa rin?

uhmmnnn tanong muna natin kung saan nanggaling yung isang milyon ba nilang hits nung mga ilang araw pa lang ang site nila sa ere? saka ko itatanong yan ..pero nagdadalawang isip ako kasi, parang wala silang kredibilidad para sa kin...dahil ang sigaw ng bayan, naririnig ko lang sa kalye kasama ng iba't ibang sektor ng lipunan, hindi ang mga naka amerkana at may mga mabobonggang damit sa mga malalamig na opisina na di ko alam kung saan.

ghee said...

hopped from diosa.

you have your point,keep on blogging.
wala na yatang gamot sa politika.walang scientist na makakatuklas non,im just hoping for the better. :)