September 26, 2006

With special Pinoy dressing!

Sa labas ng isang kilalang kolehiyo sa U-Belt, may isang tarpaulin na umagaw sa aking atensyon. Ok lang naman na ipromote ang entrance exam at ang schedule nito, pero tama ba naman itong nabasa kong naka-highlight:

"Each examinee gets a free Burger McDo meal!"

Naalala ko tuloy yung isang school na namimigay ng libreng SIM card sa first 100 enrollees. At yung isang computer institute na nago-offer ng mga "combo" kung saan mas magmumura ang tuition per unit kapag nag"add on" ka ng mga subjects na offered sa isang menu.

Haaayyy, talagang mapapailing ka na lang...

1 comment:

Anonymous said...

yeah.. baste yun ah! natawa din ako nung nbsa ko un..prang promo na din ang edukasyon.. haaii mga tao tlga!!