September 2, 2006

Balik tambayan

Noong nakaraang Abril, nang magsimula ang isang bagong "yugto" sa aking buhay, iniwan ko ang tambayan na ito. Ginawa ko ito as a symbolic act. Na dahil sa aking magiging mga bagong karanasan sa bagong mundong aking gagalawan, ako ay muling sasaksi ngunit gamit na ang bagong mga mata. Ako ay muling magkukuwento ngunit gamit na ang isang bagong boses.

At nagbago na nga ang aking buhay. Iba na ang nature ng aking trabaho. 8 am - 5 pm na ang pasok ko araw-araw. Di na umaabot ng Quiapo ang aking biyahe araw-araw, at sa halip ay hanggang Lawton na lang. Di ko na gaanong nakikita ang mga pirata ng Recto, ang mga batang high sa solvent na lang sa Intramuros. Mga bagong mukha na ang aking nakakasalimuha. May mga bagong pananaw akong nakikita. At may bagong mga aral na aking natututunan.

Pero sabi nga sa isang quote (na sabi nila kay Alphonse Karr daw galing), The more things change, the more they stay the same." Sa kabila ng lahat ng pagbabago na ito, Paeng pa rin akong mag-isip. Paeng pa rin kung magsalita. Paeng pa rin kung magsulat. Paeng pa rin kung magbigay at tumanggap ng opinyon. Paeng pa rin kung magdesisyon. Paeng pa rin kung kumilos.

E kasi naman, ako pa rin si Paeng.

At dito ako tumatambay.

3 comments:

Jerome_Daclison said...

Paeng! welcome back to blogging! super hanga ako sa yo, pare koi! mlq3 just announced to everyone that you are back to blogging! good for you! Gonna link you up, tyo paeng! hahahaha!

cherry tree said...

were happy that your blog is back!

Anonymous said...

ei sir!!! hehehe!!! so di naman gano huli yung comment ko. nakakatuwa nung nakita ko kayo sa school last week. di ko kasi ineexpect. buti tambay tambay lang tayo sa jpia office. di nga ko makabuwelo sa kuwentuhan nyo pero gustu ko sumali non. kaya lang nakakahiya...hehehe. di kasi close...hehehe... parang ang suplado nyo kasi...peace. anyway, balik na daw kayo feu? sayang di na namin kayo pwede maging prof. okay lang, tutal, dami na namin natutunan sa inyo eh. ingat po!

sobra...

di ko na sasabihin sino ako okay? nakakahiya naman mga sinabi ko dito.