September 25, 2006

Revelation

Matagal ko na itong gustong tanungin...bakit natapos ang Christian Bible sa Revelations? Bakit wala nang update? Bigla na lang bang nawala ang mga propeta? Nawala na lang ba ang inspirasyon na binibigay ng Diyos para maisulat ang kanyang salita?

Hindi lang sa Christianity ito applicable, pero sa lahat halos ng organized religion. Halimbawa, nang mainstitutionalize na yung Judaism, tumigil na ang update sa kanilang bibliya kaya hanggang Old Testament na lang sila. Nang mainstitutionalize ang Christian church, tumigil ang update sa kanilang bibliya at natapos sa Revelations. Ganun din ang Koran, na tumigil ang update nang mainstitutionalize ang Islam.

Ang nakaraang ilang daang taon ba ay period of irrelevance sa mga organized religion? Bakit hindi na sila, hindi na tayo, nakasama sa salita ng Diyos?

2 comments:

darwin buena said...

astig! bumalik ka na pala... na-miss ko rin yung tambayan mo. tungkol sa post mo, marami pa rin namang tao ang may inspiration para magsulat ng Salita Niya eh. andaming libro na nagkukwento tungkol sa experiences ng tao kay Christ --kung paano sila binago at kung paano nila patuloy na naeexperience ang Diyos. (hmm... nagiging religious na ko.)

Paeng said...

hehehe, welcome back to me. pero ang tanong nga darwin, bakit di na nadagdag ang mga ito sa bible? alam naman natin na iba ang weight ng writings na officially nasa Bible kaysa yung wala, di ba?