February 15, 2006

Tsismis

Long time, no post. Pero kailangan ko lang talagang maglabas ng sama ng loob kaya napipilitan akong mag-blog kahit gahol ako sa oras.

Ang tsismis ay hindi raw maiiwasan sa workplace. Likas na raw lalo na sa mga Pilipino yung pagpiyestahan ang buhay ng may buhay. Wag na wag ka raw mawawala sa harap ng mga kaopisina mo dahil ikaw ang gagawing almusal, tanghalian, meryenda at hapunan.

Ayaw kong maniwala na totoo yang stereotyping na iyan lalo na't ako ay nasa academe kung saan inaasahan ko na kahit paano, mataas naman ang idealism ng mga tao. Inaasahan ko na mga role model kaming nandito sa faculty, na may moral ascendancy dapat sa mga estudyante.

Pero nagkamali ako. Ilang beses nang ako mismo ay nabiktima ng tsismis. At hindi lang basta tsismis. Tsismis na may malicious intent. Noon, pinapalampas ko lang ito. Pero ngayon, hindi ko na kinaya. Sobra na. Putang ina, nananahimik ako rito, gusto ko lang magturo, bakit kailangang idamay ako sa mga pastime nila?

Kanina, habang ineenjoy ko ang Valentine's Day celebration namin ng aking mga estudyante, ako ay nabulabog ng isang tawag mula sa aking kaibigang guro. Sinagot ko, babatiin ko pa naman ng Happy Valentine's. Tapos nagulat na lang ako na isang galit na galit na tinig ang narinig ko sa kabilang dulo ng linya. Bakit daw ako nagkakalat ng masamang tsismis laban sa kanya (at sa isa pang guro)? Bakit daw sinisira ko ang buhay nila?

Ako naman, napanganga.

Ang siste ay may kumakalat na tsismis na may masama raw akong tsinitsismis laban sa kanila. Ang komplikado ano? Ako eto, ilang beses nang nabiktima ng tsismis, tapos ang latest tsismis e tsismoso daw ako. Hayup talaga. Ang dalawang gurong ito pa naman ay itinuturing kong mga malalapit na kaibigan, at mukhang ang malisyosong tsismis na iyon ay may intensyon na sirain ang pagkakaibigan namin.

Buti sana kung may "credible" source. Pero ang tsismis daw na ito ay kuwento ng isang taong nakuwentuhan rin ng isa pang tao na lumalabas na isa namang taong di ko naman kinakausap pero nagkataon na nakuwentuhan ko daw ng isang maselang bagay. Walanghiya. At least yung tsismis na si GMA ay nandaya sa eleksyon, may ebidensya ng mga anomalous public fund transfers, wiretapped conversations, NAMFREL reports (kahit na local lang), attempt to cover up, at pinakaimportante sa lahat, motibo. Eto...ni motibo nga wala. Ni primary evidence nga, wala. Ni attempt to cover up, wala. Yun nga lang, hindi ko ma-trace yung source ng tsismis.

Hindi lang ito yung unang beses na nabiktima ako ng malicious na tsismis. Nandiyan yung i-attach ang plano kong pag-alis sa FEU sa mga "problema" ko raw sa Dean namin na sa totoo lang e isa sa aking pinakapinapasalamatang authority figures sa buhay ko. Nandiyan yung ipagkalat na mayroon akong girlfriend na estudyante. Nandiyan yung ipagkalat na kung saan-saan daw namin ginagatos yung pera ng Faculty Club nung panahon na hindi pa nga namin nakukuha yung pera at sariling pera pa namin ang aming ginagastos dahil hindi pa nakakaltas sa suweldo ng mga faculty yung kanilang mga contributions.

Sabi nila, palampasin ko na lang daw ang mga ito. Pero dapat na akong may gawin dito. Hindi na tama ito, kasi paulit-ulit na lang na may nabibiktima ng tsismis at walang pumapalag. Kailangan kong pumalag hindi dahil sa "guilty" ako pero dahil sa katarantaduhan na hinahayaan ko lang ang ganitong di makatarungang "practice" among professionals na nasa academe pa naman.

Bakit nga ba napaka-prone natin sa tsismis? Meron kayang magagawa para maminimize ito? For example, kung gawin kayang mas academic at work-related yung dating ng surroundings - with individual desks, cubicles, a mini-library, a supply of business-related literature, at yung pagtanggal na rin sa mga sofa - medyo mababawasan kaya ang tendency na mag-engage sa tsismis? Maging effective rin kaya kung gagawing maximum of three hours na lang ang vacant in between periods with a goal of minimizing vacant hours para konti lang ang idle time?

Then again, such "policies" could prove superficial and cosmetic, if the malicious intent still resides in the hearts of men and women. And to keep tsismis away from the workplace, maybe it's time for people to stand up and say "To hell with you, I'm fed up with all of this!"

At iyan naman ang bagong pagtsitsismisan. Tang ina...

----------
Pahabol: related naman e
----------

May isang isyu nitong mga nakaraang araw na medyo na-disturb ako. Ito ay ang pagkalat ng tsismis na si Joey De Leon ay may ginawang insensitive remarks at malicious hand gestures nung nangyari ang trahedya sa Wowowee anniversary. Oo, tsismis na naman.

Nanood ako ng Eat Bulaga nung araw na iyon. Wala akong narinig at nakita.

Nanood rin ang kuya ko ng Eat Bulaga nung araw na iyon. Wala rin siyang narinig at nakita.

Sa Peyups, nagkalat ang tsismis na ito. Pero pag binasa mo yung buong thread, iisa lang ang "nakakita" dun. Lahat ng "naniniwala," nakuha lang ang impormasyon galing sa tsismis.

Sabi ng MTRCB, wala silang nakita.

Sabi ng ABS-CBN mismo sa kanilang balita, wala silang nakita.

Sino nga bang nakakita?

E di yung mga may gustong makita.

6 comments:

den said...

bat nga ba ganon, parang naging part na ng culture natin ang tsismis....at tuwang tuwa pa sila pag ung kamalian nong isang tao ang pinag-uusapan. sa opis namin ganon din, mga college grad pa naman pati sa lugar na inuuwian ko ngayon kaibigan ka pag nakakautang sa yo pero pag hindi laman ka ng almusal, tangahalian at hapunan nila....

Anonymous said...

may theory ako jan,,

nung napanood kung ung film na Sakay...naicip ko na
may kinalaman ang historical background nten sa likas na pagiging tsimoso ng mga pinoy at pinay (hindi lng nmn kc mga babae)
-Ene

Anonymous said...

Sirzap here...

ang lupit nung chismis sayo, may chismis sila sa iyo at ikaw pa ang chismoso, hanep!... I can relate pre, I can relate talaga.

Ang sasama ng mga taong yan.

siguro likas nga sa pilipino ang chismis kasi nga anong past time nila? syempre magkwekwentuhan yan tungkol sa ibang tao. Isa pa yung gullability ng mga tao, basta na lang naniniwala.

pero alam mo mahirap din yung hindi maniwala kasi may ibang tao naman ang walang paki sa chismis at gawa ng gawa ng kalokohan at masama ka pa kapag sinabi mo ito sa iba. Syempre kung ikaw, may kapatid kang babae at nabalitaang mong babaero yun nanliligaw sa kanya, ano gagawin mo? kapag sinabi mo ba sa kaptid mo yun (for her protection) eh ikaw pa ang masama? malisyoso?

ang pinakamahirap ay yung mag-verify, matrabaho kasi. at kung verify mo kailangan mo rin isagap sa ibang tao, eh kung napagtanungan mo eh malisyoso rin. kumbaga hindi pala babaero pero "kasabwat" sa chismis pala, o biktima rin ng chismis na ikinalat para siraan yun mga manliligaw nung kapatid mo.

ang sakit sa ulo kung minsan kung paano mo iisaisahin para malaman ang totoo at maging malinis.

Rey said...

Actually tsismis emanates with the fact na kulang sa gawain o walang magawa ang mga taong nagti-tsismis. And I think it's kind of an addictive habit. parang the person who's prone to tsismis are in one way or another have to get their next fix within the day or hour... Kaya andaming yumayaman na tagahatid ng tsismis sa showbiz.

just my say.

Anonymous said...

accdg to hyman g. rickover " great minds discuss people, average minds discuss events, small minds discuss people" ei pips!beware stop tsismis bka masabihan kang bobo.............<>

Anonymous said...

nakaka shock nga talaga kapag napag nai tsismis ka at lalo na kung ikaw pa ay pinapagbibtangan na tsismoso o tsismosa..I experienced that but I ignore it. Inisip ko nlang na wla lng magawa ang taong gumawa nun besides hindi ka nmn ga2wan ng tsismis o di ka nila sisirain kung wala silang naki2tang potensyal o magandang bagay sa iyo ika nga sa kasabihan "Ang puno kpag hitik sa bunga binabato."
Remember if you are not guilty,no need to explain because you don't owe then an explanation.