February 27, 2006

May paki ka ba?

Ikaw. Oo, ikaw nga ang gusto kong kausapin.

Noong Biyernes, pinroklama ni Pang(g)ulong Arroyo ang PP 1017, na nagdedeklara ng State of National Emergency sa Pilipinas.

Ayon sa kanilang paliwanag, kailangan lang daw masugpo ang bantang pabagsakin ang gobyerno. "Clear and present danger" ang term na gamit nila. Ito ay isa lamang description ng obserbasyon ng pang(g)ulo at wala naman daw itong naidagdag na kapangyarihan sa kanya maliban sa nasasaad na sa konstitusyon at sa ating mga batas.

Ngunit kahit sabihin nilang walang nagbago, ang intensyon ng proklamasyon na ito ay mag-impose ng pseudo-martial rule sa ating bansa. Isang respetadong propesor, inaresto habang nakikipagnegotiate upang huwag maidisperse ang isang peaceful assembly. Isang kongresista, hinuli para sa isang kasong natabunan na sa kasaysayan at nangyari dalawampu't isang taon na ang nakakaraan. Ang mga nagsasalita, pinapatahimik.

Ang mga media outlet, pinapasok at ini-intimidate. Ang mga lumalaban, tinatakot ng pagpapasara. Ang mga kritikal, binabantayan. Ang general media, dinidiktahan kung ano ang dapat i-cover at ano ang hindi dapat i-cover.

Bawal nang mag-kilos protesta, di bale na kung mapayapa at may permit. Bawal nang gunitain ang mga mahahalagang yugto sa ating kasaysayan, tulad ng ika-dalawampung anibersaryo ng EDSA People Power. Ang UP na isang bastion of free protests, binabantayan.

Tama ba ito? Tatahimik na lang ba tayo?

Ilang beses kong narinig na nagrereklamo ka sa hirap at gulo sa ating bayan. Ilang beses na sinabi mo sa akin na nabubwisit ka kay GMA. Pero wala ka namang ginagawa. Kapag may nangyayaring kilos-protesta, ang unang text mo sa akin ay "Suspended po ba yung klase?" Kapag may nangyayaring kilos-protesta, sasabihin mo "Ingat!" habang ikaw ay nasa loob ng iyong santuwaryo. Minsan, nasa loob ka pa ng mall, nagla-lamiyerda. Minsan, nasa loob ka pa ng sinehan, nage-enjoy.

Gusto mo kaming magsalita, pero hindi ka nagsasalita.

Gusto mo kaming lumaban, pero hindi ka lumalaban.

Gusto mong matahimik na ang sitwasyon, at sa proseso'y ika'y tuluyan namang nananahimik.

Minsan, magko-comment ka, bakit inuuna ang pag-aaral sa kalye sa pag-aaral sa classroom? Puwede naman kamong pagsabayin. Siyempre, ikaw kaya mong pagsabayin. Kasi nakakulong ka lang naman sa loob ng classroom at wala ka naman talaga sa kalye.

Minsan, pupunahin mo pa kami, nakakagulo lang kamo sa buhay ang aming protesta. E sa dinami-dami ng reklamo mo sa buhay, sa gobyerno at sa nangyayari sa paligid, anong ginagawa mo? Nandiyan ka, nagpapakasarap sa aircon na kuwarto. Nandiyan ka nakikipagchat tungkol sa mga walang kwentang bagay. Nandiyan ka, nagi-email at nagfo-forward ng mga walang kuwentang messages, jokes at chain letters sa iyong mga e-groups at sa Friendster.

Sabi mo may pakialam ka. Hindi ka kamo apathetic.

Pero may pakialam ka nga ba?

Sa tingin ko, WALA.

7 comments:

Anonymous said...

This is true and very sad. I was talking to my friend (from USA who is a quarter Filipino) last Saturday about what is happening in the Philippines when he told me that he chatted with this pinay that he met in one chatroom. and this girl didn't even give a damn on what's happening in the country. She doesn't even know that GMA declared "state of emergency". All she cares about is her Japanese Cartoons and what's the latest with her favorite Korean Artist. really sad. :(

Anonymous said...

funny.. ther's a 12 yr old girl who saw the rally in ayala, and her interpreation was "mga taong nagpapakamatay, parang sa stampede sa ultra". And a young man said.. "making another People pOwer?" what on earth!
Dont worry, i tried everything to make them realize the significance of what had transpired during that day. Im glad they appreciated it!

Patuloy ang pagdating ng new msgs sa inbox ko...Chain letters, at mga pacute survey stuff sa Bullitn board sa frendster.. at pagbibigay ng hindi malinaw na stand sa sitwasyon- madalas, dinadaan sa biro at pangungutya.

naniniwala akong malaki ang role ng kabataan mgaun.
Tingin ko, hindi lahat sila ay apathetic o kulang sa kaalaman. Kundi, takot silang manindigan kse baka masira ung "cool" image na nalikha nla kung saan sila nakilala at nagtanggap ng mga "kaberks" nila.
Tingin ko, kailangan pa ng malawakang pagpapalaganap ng ganitong uring usapin para magising sila, at siryosohin, at matututong manindigan - based on their own values, conscience and conviction.
-Ene

phoebe said...

nahihiya akong magsalita. sa totoo lang po eh natutuwa ako sa iyong mga sinabi. tama ka. hindi lang tayo basta uupo at magsaalita. kikilos din tayo kaso kayo lang pala. wala pa akong sapat na kakayahang makibaka sa mga protesta at akoy mag lalabig anim palang. ang aking kapatid ay nagaral sa UP diliman, pero di sya graduate. hehe. (nagkwento ba daw).

phoebe said...

wah. ang topak na talaga ng keyboard ko. daming kulang na letters. hehe. pasensya na po ah. dis week eh may play kami sa skul. ang topic kung papano namin mapapababa ang ating pang(g)ulo. hehe. idol na kita paeng.

nanoy said...

phoebe, wala sa edad ang pagkilos. maaari mong simulan sa pagpopost sa frendster ng mga hinaing mo at kuro-kuro sa nangyari. malaking bagay na iyon sa kasalukuyang pagkalat ng apathy. :)

ria said...

Iniisip ng ibang tao na sa pamamagitan lamang ng pag-protesta at demonstrasyon sa mga daanan ang paraan ng pag hayag ng saloobin. Hi-tech na ngayon at marami nang pamaraan upang ipahayag ang ating opinyon at paninindigan. Tama si Nanoy, maaaring gmaitin ang blogs o di kaya friendster upang magpahayag at maghikayat.

Hindi ngayon ang panahon upang magdahilan at magsa walang kibo.

Pinipili ko ang DEMOKRASYA!!!

-Maria A. Jose
Pilipino

dax said...

wala akong ibang ikarereact kundi ang pag sang ayon at syempre ang pagkilos..

iskolar ng bayan ngayon ay lumalaban!