February 24, 2006

Rocking Society Through EDSA-ucation

Ngayong ika-dalawampung anibersaryo ng EDSA, nasaan kaya si Paeng?

Dapat nasa eskuwelahan ako, kaya lang nag-suspend ng klase si Pang(g)ulong Gloria. Napa-paranoid yata at sa sobrang paranoia, dineclare na walang bisa na lahat ng permit na mag-rally na ginrant ngayong araw.

Kungsabagay, hindi naman ako kasama sa mga rally ngayong araw. Bilang paggunita sa EDSA, sasama ako sa RockED sa EDUKASYON!Ang Bagong Rebolusyon - isang konsiyertong paggunita sa ika-dalawampung anibersaryo ng EDSA. Mamaya ito sa Folk Arts Theater, alas-siyete ng gabi. Ito ay alay sa mga teachers at sa mga student council ng mga NCR public schools. Sana'y maipasa namin ang diwa ng EDSA sa mga tagapaghubog ng ating mga kabataan na hindi pa namulat sa panahon ng ating "one shining moment in recent history."

Pero malay natin, umandar ang aking topak. Makita niyo na lang ako sa isa sa mga rally sa EDSA, sa Ayala, o kaya ay sa Liwasan. Mangangamusta lang naman...

Kamusta na?
Ayos pa ba?
Ang buhay natin
kaya pa ba?

E kung hindi,
paano na?
Bahala na
Bahala na

1 comment:

Anonymous said...

sir paeng, paano yan... LAHAT daw ng activities in celebration of EDSA 1 eh pina-cancel na?

ano ba naman yan...

pwede lang daw kung halimbawang magmimisa sa edsa shrine. eh paano kung halimbawang yung sermon eh tungkol sa gobyerno, idi-disperse din ba nila?

di ba state of emergency ang status? why does it feel like martial law na ang nagaganap??? pati media/network, pwede na nilang i-take-over kung saka-sakali? kala ko ba "under control" na nila at accounted for na ang lahat ng militar na involved sa destabilization plan? (as of this morning pa) eh bat ganito na ngayon?