February 28, 2006

Itigil na ang pamumulitika! Magkaisa muna!

Para sa mga "pulitiko" sa mga estudyante ng UP:

Eto tayo, sinisikil na ang ating mga karapatan ng ating mahal na pang(g)ulo. Pumunta kami sa UP dahil alam namin na ito ang sanktuwaryo ng mga taong may paninindigan at hindi takot na ipahayag ito.

Pero ano itong dinatnan namin?

Mga estudyanteng nahahati dahil sa false divisions (Alyansa – STAND UP). Kanya-kanyang assembly. Kanya-kanyang pabida. Kahit speaker at mic pag-aagawan, para lang maipakita kung sino ang tunay kuno na lider ng mga estudyante.

PUTANG INA. Hindi niyo na ba titigilan ang kagaguhan na ito? Nagpoprotesta ba kayo para maging bida, martir o bayani? Nagpoprotesta ba kayo para sumikat? Promotion ba ito? Kailangan niyo bang iwagayway ang bandila ng organisasyon mo? Kailangan niyo bang isuot ang inyong mga pin at mamigay ng leaflets?

Hindi. Ang alam ko, nagpoprotesta tayo para ipaglaban ang bayan at ang kinabukasan. Ang kailangan ay iwagayway natin ang bandila ng Pilipinas, ang bayang daratnan ng mga magiging anak natin

PAKIUSAP, IWANAN MUNA NATIN ANG MGA HIDWAAN. PAGTUUNAN NG PANSIN ANG TUNAY NA LABAN! MAGKAISA PARA SA BAYAN, PARA SA KINABUKASAN!

8 comments:

Victor said...

I agree!! isa ako sa mga kandidato ng STAND-UP sa mass comm at gusto ko rin sana na magkaisa kahit sandali ang tatlong partido ngayon dahil lahat naman kami ay anti-PN 1017. pero.. ewan. isa nga sa mga nakakadisappoint ito.

D. Nermal said...

True dat! True dat!

Anonymous said...

kakaturn-off nga. One reason kya umalis din ako sa isang militant org n pinanggalingan ko. Mas malaki pa ung banner kesa sa taong nagdadala pag may rally. Laging nakainsert ang pangalan ng org sa mga liftlets na pinapamigay, panay ang recruit, di muna bugbugin ng ED ung mga "non-active" bago ayain sa kalye.
And siste, nag-aalisan ung mga new members eventually. Disillusionment, i called it.
Ang lumlabas kase paraNg pagalingan na ng pangalan ng org. nawawala na ung totoo at dapat na pinaglalabn.

kaya nabubutasan ang mga tibak ngaun. dahil sila-sila hindi, magkasundo- kung tutuusin, iisa lng nmn ang pinaglalaban nila. Iisa nga lng ba?, siguro. kasi isa lng sigaw nila e - Makibaka! kung ikukumpara m ung picture ng EDSA 1 (na puro tao at tangke lng) sa EDSA 2 at sa AYALA nung friday, e nko,ang layo po. ung rally ngaun parang naglalakad na pulutong ng mga banner ng malalaking pangalan ng org! kaya eto po, nikkitambay muna,nkikibalita, at mangamusta ng ilng taong kaya kong maabot.

AT SANA nmn, pagkatapos ng rally nila, tangayin nmn nila ung basurang kinalat nila. eto ung bagay na di ko matanggap...sila kamo na naghahanap ng pagbabago.
ene

Arbet said...

What is happening at UP is just a parallel, a mirror, of what is happening to the country. And they can't see it, as many Filipinos can't see.

Or maybe I am kidding myself: they did see, but they chose not to.

Anonymous said...

PUTANG INA. Hindi niyo na ba titigilan ang kagaguhan na ito? Nagpoprotesta ba kayo para maging bida, martir o bayani? Nagpoprotesta ba kayo para sumikat? Promotion ba ito? Kailangan niyo bang iwagayway ang bandila ng organisasyon mo? Kailangan niyo bang isuot ang inyong mga pin at mamigay ng leaflets?

Huwag naman siguro ganyan. Galing ako sa Anakbayan, member org ng STAND UP at hindi kami nagpoprotesta para maging bida. Hindi lang naman kami ngayon basta sumulpot dahil eleksyon at bigla na lang sumakay sa issue para mapromote ang org or alliance. Lahat ng issues dinala naman noon pa man, mapa-Manininda, Late Reg etc hanggang sa national issues. Binaba ang CPR, go pa rin. Buong taon kaming nagsusuot ng pins, nagwawagayway ng flag at banners, gumagawa ng mga plakard at namimigay ng leaflets at statements (na dapat naman talaga ay may signatory) sa lahat ng mobilization. Patunay lang naman siguro yun na ngayong may PN1017 nagpoprotesta kami hindi para mangampanya lamang dahil may eleksyon man o wala, buong taon naman ang paglaban.

Hindi lang talaga maiiwasan na mukhang nag"poproject" yung mga kandidato kasi eleksyon eh, kampanya. Ang ginagawa ngayon eh nakaangkla sa laban ng PN1017 yung kampanya. Wala namang masama siguro dun. Hindi naman nababawasan yung pagkatotoo ng pagkundena sa PN1017.

At dati pa man, may mga nagaganap ng hiwalay na protesta. Hindi lang naman STAND UP at ALYANSA. Kahit sa national level diba? Hindi maiiwasan yun kasi nagkakaiba naman talaga sa linya ang mga partido/grupong ito. (Hal. yung iba gusto ng TRG after ma-oust, karamihan transition council, etc. Or may sang-ayon sa commercialization at may mariing tumututol dito.)Pero pag kelangan naman magkaisa nagkakaisa naman eh. Narerecognize naman yung pangangailangan sa isang united front. Kaya ngayon sa UP, nagsasama-sama rin naman yung iba't ibang parties sa protesta ah dahil tutol naman lahat sa PN1017:)

nixie said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Paeng said...

^ well, that obviously is not the impression na nagawa ninyo sa mga alumni na tulad ko na pumunta na sa UP nung Lunes at nadismaya sa mga pangyayari.

Pumunta rin ako nung Martes, nadismaya rin ako dahil sa hindi pinagsalita ang isang taga "kabila" nung may hawak ng mic.

Magtanong tanong ka sa mga hindi niyo kapartido kung ano ang impression nila. Magpunta ka lang sa mga websites tlad ng peyups at ng LJ ni Paolo Manalo. dun mo makikita kung ano ang impression ng tao.

sige, sabihin mo sa akin na may unified effort kayo sa laban kay Gloria.

CONCERN PINOY said...

mahirap na ang buhay ngayon, wag na ninyong dagdagan, i mean sana magkaisa na lang kung ano ba talaga ang makakabuti sa ating bansa, di yong makikipagsabayan, nag mamarunong ala namang mga alam kundi mag-corrupt sa government ng pilipinas, hindi lahat ng pagkakataon ay mahirap tayo kaya magkaisa sana, yong mga taong walang magawa kundi magpahirap sa pilipinas/mamamayan ng pilipinas ay mag-suicide na lang para may mapala ang mga uod na gutom di yong nagpapakabusog sa pera na galing sa mga mahihirap na mamamayan.