February 28, 2006

Mas marami pang tao sa isawan

Kagabi ay ginanap ang isang impromptu concert para sa pagtutol sa Proclamation 1017 at para ipaglaban ang kalayaan sa pagpapahayag. Maganda naman ang kinalabasan ng konsiyerto, at ang mas mahalaga'y naging isa na rin siyang teach-in kung saan ilang mga beterano sa pakikibaka mula pa nung panahon ni Marcos ay nakapagbahagi ng kanilang mga pananaw, karanasan at sentimiyento. Kahit ako ay nakapagsalita sa harap ng mga kabataan ng UP, at natutuwa naman ako dahil sa tingin ko'y nagkaroon naman ng kabuluhan ang aking mga pinagsasabi sa kanilang harapan.

Nalungkot lang ako dahil medyo konti lang ang tao, siguro mga isang daan lang ang pumunta. Constant pa rin ang dating ng mga text messages na "May pasok na ba?" At ang nakakadismaya, nang ako ay dumaan sa isawan sa may Kalayaan dormitory, mas marami pang tao sa isawan.

Sa susunod na concert / teach-in, sa isawan na lang kaya namin gawin para maraming tao? Para matuto naman silang makISAWsaw sa kasalukuyang national concerns habang kumakain ng isaw.

Kungsabagay, sabi nga sa akin ni paolo, kasama iyan sa dapat na bunuin.

Buksan ang iyong isipan. Walang masama sa malayang pagpapalitan ng mga ideya, opinyon at saloobin. Makilahok at payamanin ang inyong insights sa ating national situation.

Mamaya, babalik uli ako sa U.P. upang maipahayag ang aking pagtutol sa P.P. 1017, at ngayon naman ay sa porma ng pagtugtog ng mga tambol. 5:30 pm, sa U.P. Quezon Hall, Tambulan sa Diliman Para sa Kalayaan. Tara na!

2 comments:

kapayapaan said...

uu nga... pwedeng pwede talaga akong paiyakin nung unang kinanta yung pag-ibig sa tinubuang lupa at bayan ko. sayang nga lang at konti ang nakasaksi.

ang dami pa ring mga walang pakialam at ayaw makisali sa "gulo". pinagtatawanan ako kanina ng mga kaklase ko nung tinanong ko sila kung bakit hindi sila nakikiisa sa pagkilos tungo sa kalayaan. sabi ko, "bilang mga iskolar ng bayan, hindi ba't tungkulin nating ipaglaban ang ating karapatan?" funny ba yun? -_-'

ayus lang pagtawanan... daanin na lang sa tawa kesa naman hindi mapakinggan...

(KG'05)

Lord Dracula said...

Madadala lang ang mga yan pag nasampolan dahil sa kanilang katangahan.