February 25, 2006

Saksi sa kasaysayan

Baka nagkakalimutan tayo. Mamaya ang ika-dalawampung anibersaryo ng huling araw ng EDSA 1986 kung saan sa wakas ay napabagsak nating mga Pilipino ang rehimeng Marcos.

At bilang paggunita, ako ay pupunta ng EDSA.

Hindi ko alam kung ano ang aabutan ko dun. Hindi ko alam kung may rallyista dun o kung may pulis dun. Basta ang alam ko, isang napakaimportanteng araw sa ating kasaysayan ang gugunitain natin at walang sinuman, kahit na yung pang(g)ulo na naglabas pa ng Declaration of State of National Emergency, ang dapat pumigil sa akin / atin sa paggunita nito.

Kaya 12 pm mamaya, pupunta ako sa People Power Monument. Gusto niyong sumama? Hindi naman ako / tayo magra-rally e.

Ako / Tayo ay sasaksi lamang sa kasaysayan.

Candle

6 comments:

den said...

sama ako....

Sidney said...

Be careful!
It is getting very dangerous now...
Take care !!!!

Paeng said...

den, di ka naman pumunta e

den said...

andon ako sa Edsa shrine, simula 2pm hanggang 5:30...

Paeng said...

^ sabi ko People Power Monument. :)

den said...

next time ulit....mali pala pinuntahan ko...mamaya sana sa UP quezon hall kaso 5pm labas ko, di ako makakaabot...