May 23, 2005

Nawawalang Batibot

batibotPagmulat ng mata
langit nakatawa
sa Batibot...sa Batibot!!!


Naalala mo pa ba ang Batibot? Ang ating Pinoy version ng Sesame Sreet? Isa ako sa mga batang lumaking nanonood ng palabas na ito. Kasama ko sa pagtanda sina Kuya Bodjie, Kuya Ching, Kuya Mario, Ate Joji, Ate Sienna, Pong Pagong, Kiko Matsing, Irma Daldal, Ningning at Gingging, Sitsiritsit at Alibangbang, Manang Bola, Koko Kwik Kwak at ang aking paboritong si Kapitan Basa. Sa tingin ko ito na siguro ang isa sa pinakamaipagmamalaking palabas na na-conceptualize sa Philippine TV. Sayang talaga at wala na ito sa airwaves.

Bakit naman bigla akong nag-nostalgia sa Batibot? Nalungkot lang kasi ako sa aking nasagap na balita na si Ate Sienna ay nagsa-suffer sa Pott's disease o Tubercolosis of the Spine. Mga tatlong taon nang nakakaraan, na-shock na ako sa balitang si Alexis ng Shaider ay namatay sa sakit sa atay. Ngayon, isa na namang popular figure ng aking childhood ang na-afflict ng matinding sakit.

Eto yung mga panahong nagtatanong ako kung bakit siya pa? Ewan ko ba, hindi ko naman siya kilala, pero parang ang laki ng naging parte ni Ate Sienna hindi lang sa buhay ko kundi sa buhay na rin ng napakaraming batang napasaya niya. Parang hindi dapat matapos sa ganito. Kasi sa Batibot, dun natutuklasan "ang tuwa, ang saya."

Kung malubha na ang sakit ni Ate Sienna, sino na ang kakanta nito?

Kung hindi pwede minsan
Subukan
Kung ang kasunod ay di pa rin
Ulitin.

Ganyan lang, ganyan lang
di dapat magmukmok
Harapin ang pagsubok, ngayon.
(REPEAT I)

Lahat ay kayang gawin
Kung sisikapin
Kung wala pa ring mangyari
subukan lang kung pwede.
(REPEAT I)

Ganyan lang, ganyan lang
di dapat iyakan
Harapin ang pagsubok
Kayang-kaya mo 'yan.

5 comments:

riadiosa said...

nakakaiyak naman post mo na ito labs.

Randy Valiente said...

helo..just dropping by...cool posts...

neece said...

hala, patay na pala c alexis?!? wala na ang pulis pangkalawakan??? paano na ang nakalitaw na panty ni annie?!? lungkot nman!

Ene said...

Pre, 22o b yng bnalita mo 2ngkol kay ate sienna? Tma ka!nakakalungkot isipin at ang bigat dalhin! sa murang gulang ko nun, natuto akong gumawa ng wind wheel, nainggit kc ak sa sa batang kasama ni ate sienna sa tutok ng bundok habang kinakanta ung...ehermm..
..Umihip tulad na--hang hangiiin
..Malakas na ihip ng ha---ngiiinn
..whoo-hooho-whoo--hoo-whoo-u-ho
... Umihip tulad nanggg ha-ngiiin.
Sa alaala ko nlang tlaga magugunita ang nakalipas kong kamusmusan!-> Ako c Ene.. wl kong blogger account, anon muna! Salamat sa info, kita tau sa ibng mundo! lyf_inmono@yahoo.com

Anonymous said...

pare nakakaiyak naman, ate sienna kaya mo yan. . .