May 22, 2005

Nakabalik na...

Sangandaan...uli ako sa aking pagsusulat dito sa tambayan. Nung umpisa nang linggong ito, nasa Baguio ako, sinamahan ang present Student COuncil ng FEU-IABF. Tapos nang makabalik na kami, tambak na naman ako sa admin work kasi malapit na akong mag-turnover sa papalit sa aking coordinator na si Mam Badet Ramos.

Kanina, nag-jamming uli kami ng Sangandaan, ang aming "banda". Sumakit nga ang kamay ko kapapalo ng tambol, ang tagal ko na ring di pumapalo kasi. Pero kahit masakit at nakakapagod, ang laki pa rin ng ngiti ko kasi ginagawa ko na ang isang bagay na talagang gusto kong gawin.

Ang sarap tumugtog.

Mukhang hindi ako nagkamali sa aking desisyon. :)

No comments: