May 12, 2005

KSP: Uncivil civilization

Alam mo ba na ang salitang uncivil ay iba ang ibig sabihin sa salitang uncivilized? Ayon sa Dictionary.com, ang definition ng uncivil ay discourteous, rude o kaya ay "lacking civility or good manners." Halimbawa, kapag gabi na't tulog na ang mga tao sa barangay niyo, tapos magpapatugtog ka nang sobrang lakas sa stereo ng iyong owner-type jeep, uncivil ang tawag sa gawaing yun. Ang salitang uncivilized naman ay nangangahulugan na "without civilizing influences." Ibig sabihi'y hindi educated, refined, cultured o polished. Sa ating mga Pinoy, si Barok ang icon ng mga uncivilized.

Bakit kaya may distinction pa sa dalawang salitang ito? Kung pag-aaralan natin, ang archaic o lumang term naman na ginagamit para sa salitang uncivil ay uncivilized. Yun nga lang siguro, yung mga edukado o mayayamang bastos at walang galang sa ibang tao ay nao-offend kapag tinatawag silang uncivilized dahil ang salitang ito ay madalas na naa-associate sa mga taong itinuturing nilang mga primitibo at mga barbaro. Kaya siguro pinauso nila ang salitang uncivil, para kahit mala-barbaro ang kanilang pagkilos, hindi pa rin sila makukutya na hindi sibilisado.

Gawin na lang nating halimbawa itong nangyayari sa Pilipinas. Maraming mga edukadong tao dito sa ating bayan, ngunit nakakalungkot na napaka-uncivil ng kanilang ikinikilos. Ihalimbawa na lang natin ang kaso ni Mr. Rolando Golez, ang namuno sa Coconut Industry Investment Fund na siyang nangangasiwa sa coco levy fund. Matindi ang credentials nitong si Mr. Golez, talagang edukadong edukado. Yun nga lang, walanghiya. Sa panahon na naghihirap ang marami kasama ang mga coconut farmers na siyang may-ari ng pondong pinamamahalaan niya, nakuha pa niyang gamitin ang pondo para bumili ng isang mamahaling SUV, mamasyal sa labas ng bansa kasama ang asawa, at magbayad ng mga membership fee sa mga golf club. Sabi niya, legal naman ang ginawa niya kasi nakalagay naman sa kanyang kontrata na meron siyang ganitong mga perks. Oo nga, pero kung ikaw naman siguro ay may natitira pang hiya sa iyong katawan, hindi ka naman siguro magpapakasasa sa kayamanan ng iba habang sobrang dami sa paligid mo ang naghihirap.

Ano ang paboritong laro ng mga refined at cultured na tao? Siyempre, ang laro ng mga gentlemen - ang golf. At para makapaglaro ka ng golf, siyempre kailangan ng golf course. Ang golf course na umookupa ng kung ilang ektarya ng lupa, dinedevelop ng mga refined at cultured, kahit na ang daming mga tao walang matirhan o kaya'y nagsisiksikan sa kakapirasong lupa. Anong klaseng kakapalan ng mukha kaya ang kailangan para makapag-enjoy ka sa pagpalo ng maliit na bola sa malalayong distansya habang may mga squatter na nakatira sa may kabila ng bakod?

Ang pinakamalungkot sigurong halimbawa ng uncivil behavior ng mga civilized na tao ay ang ikinikilos ng mga taong nasa larangan na mismo ng edukasyon - ang mga administradors ng mga private schools. Sa panahong naghihirap na ang mga pamilya para sagutin ang kanilang mga personal na pangangailangan, nakukuha pa rin nilang magtaas taon-taon ng tuition fee sa maximum rate na 10%. Sa kasalukuyang level ng tuition, malaki na ang naibubulsang kita ng mga private schools na ito, pero patuloy pa rin ang pag-maximize nila ng kanilang kinikita. Hinihingi ang pagsasakripisyo sa mga magulang at mga bata, samantalang sila mismo ay hindi marunong magsakripisyo at bagkus ay nagpapakayaman pa.

Napakarami pang halimbawa. Nandyan ang mga petroleum companies na dinadahilang nalulugi sila pag di nagtataas ng presyo gayung nakakapasok sila sa Top 20 ng Business World. Nandyan ang mga makapangyarihang politicians na nakapagtapos ng law school ngunit nangunguna sa paglabag ng mga batas. Nandyan ang mga CPA na ginagamit ang talento upang makapandaya sa babayarang buwis. Nandyan ang mga malalakas na bansang ipinapangalandakan ang mga values ng freedom at democracy habang nambobomba at nananakop ng mga bansang hindi umaayon sa kanilang polisiya.

Sinabi minsan ng sociologist na si Randy David, "civility is the art of living with others, of assuming personal responsibility for the community in which we live, of taking pride in employing our individual talents in order to advance the lives of others." (PDI, 03/24/1996) Pagkatapos ng kung ilang daantaon ng tinatawag nating modern civilization, hindi pa rin natutunan ng ating lipunan ang virtue ng civility. Civilized, but uncivil - that's what we are.

No comments: