May 12, 2005

KSP: Bastusan na!

Tingnan niyo naman ang balita na nakuha ko sa INQ7:

----------

Petron profit up 10.7% in Q1

OIL refiner Petron Corp. said it booked a 10.7 percent increase in net profit to 870 million pesos for the first quarter to March from 786 million pesos a year earlier, mainly due to lower operating costs.

Sales volume fell 9.9 percent to 11.85 million barrels, but Petron said net sales revenue rose to 38.94 billion pesos from 32.54 billion pesos a year earlier.

Operating expenses were down 9.4 percent to 1.26 billion pesos from 1.39 billion pesos a year earlier, Petron said, without elaborating.

In a statement, the company said the weak sales volume was due to a decline in sales to the state-owned National Power Corp.

Petron added that its export volumes were also affected by a delay in the last shipment for March.

Petron's exports margin, however, improved by around 20 percent because of higher product prices in the Asia.

Petron declared a cash dividend of 0.10 peso per share for stockholders on record as of May 26. It did not disclose the payment date.

"We are pleased with the results of our performance so far, despite an apparent slowdown in the economy. Even with lower sales volumes, we were able to improve our bottom line," Petron public affairs manager Virginia Ruivivar said.

"This reflects the progress we are making in our efforts to improve our operating efficiency."


----------

Ayan pala ang kumpanyang nalulugi kaya hinihingi nilang intindihin natin sila kung bakit nagtataas sila ng presyo. Sana naman makonsensya ang mga taong makakatanggap ng dibidendo sa Petron, na nagmula sa mga kinita mula sa overpricing nila ng produktong petrolyo.

Ngayon, ginagago na naman nila tayo sa press release na ito. Ang dahilan daw ng pagtaas ng kanilang profit ay ang pagbaba sa operating costs. Kung titingnan natin, ang pagbaba ng kanilang operating costs ay nakapagdagdag ng P130 million sa kanilang operating income (P1.39B - P1.26B). Kung gagamitin natin ang mga ratio sa mga nakaraang financial statements ng Petron, ang net income ay madalas na 56% ng operating income. Ibig sabihin, malamang na nacontribute sa net income ng savings mula sa pagbaba ng operating costs ay P72.8 million (P130M x 56%).

Ang total na pagtaas sa net income ay P84 million (P870M -786M). Ibig sabihin, may pagtaas sa net income na P11.2 million na hindi nagmula sa pagbaba ng operating expenses (P84M - P72.8M). Saan kaya ito nanggaling? Malamang dala ito ng pagtaas ng gross profit.

Paanong tumaas ang gross profit? Tatlo lang naman ang pwedeng panggalingan niyan: a) pagtaas ng sales volume, b) pagbaba ng cost ng ibinebentang petrolyo, o c) pagtaas ng selling price. Petron na mismo ang nagsabi na bumaba ang kanilang sales volume. Hindi rin naman pwedeng bumaba ang cost ng ibinibentang petrolyo kung susundan natin ang sinasabi ng Petron na laging tumataas ang presyo ng kanilang binibiling krudo. At dahil sa process of elimination, isa na lang ang natitirang dahilan - ang pagtaas ng gross profit ay mula sa pagtaas ng presyo. At malamang nga'y ito ang totoong dahilan dahil ang pagtaas ng selling price ay nakapagdagdag ng P9.62 billion sa kanilang revenue [P38.94B - (P32.54B x 90.1%)].

Sabi nga ng Kjwan sa kantang Daliri, "Bastusan na!!!"

1 comment:

bebs said...

hai naku sir nakakairita n nga manood ng news ngaun puro pgtaas ng pasahe at bilihin ang bnbalita. hai.... hirap pala buhay pag ikaw n ngwwork, unlike buhay stduyante... kya dami ng aabroad eh.. patapon ang pamamalakad ng gobyerno d2