May 22, 2005

Bakit Kaya Kailangan Pang Manggaya?

Coching Lapu Lapu 2Alam ng marami rito na ako ay isang avid fan ng comics. Kung titingnan ang kuwarto ko, punong puno ng comic books iyon. Mula bata pa lang kasi napamahal na sa akin ang pagbabasa nito. Karamihan ng kinokolekta ko ay mga American comics, pero nitong nakaraang dalawang taon, bumalik ang pansin ko sa mga komiks na sariling atin.

Nagtataka nga lang ako kung bakit kaya halos lahat na ng komiks na makita ko ngayon, parang manga na. Nandyan ang W.I.T.C.H.. Nandyan ang Culture Crash. Tapos yung C.H.I.P.S.. Kahit nga ang komiks na kinlakhan ko, yung Funny Komiks, mukhang manga na rin.

Wala na bang interes ang mga komiks illusrators natin sa paggawa ng sariling identity? Oo, nandyan pa ang mga tulad nina Arnold Arre, Leinil Yu, Lan Medina, Carlo Vergara at Gerry Alanguilan na nagme-maintain ng pagka-Pinoy sa kanilang mga ginagawa, pero ang dami na talaga ang "sumamba" sa manga style at nakalimutan na mayroon naman tayong style na sariling atin.

Coching Lapu LapuTingnan niyo na lang ang mga artwork na kasama ng post kong ito. Ang gaganda, di ba? Yan ay galing sa seryeng Lapu-lapu na dinrawing ni Francisco Coching. Pinoy na pinoy, di ba? Ang nakakatuwa pa, 1954 pa lumabas yang artwork niyang yan. Ibig sabihin, noon pa lang, ang galing na ng Pinoy komikero.

Pero nasaan na ang Pinoy komikero ngayon? Ayun, nagpapanggap na nagdo-drawing siya ng anime at manga.

Kung gusto niyong makakita ng Pinoy komiks artwork at malaman ang dahilan kung bakit kailangan natin itong i-recognize at ipagmalaki, bisitahin ang Philippine Comics Art Museum. Mapapamangha kayo sa galing ng Pilipino na nagpapaka-Pilipino.

1 comment:

Gerry Alanguilan said...

Pareng Paeng.... maraming salamat!

:)