May 8, 2005

Nag-iisip...

Kanina pa ako dapat natulog. Nagpaalam na nga ako kay Ria sa e-mail kanina pang 9 pm. Pero hindi ako makatulog. Ang daming mga bagay na umiikot-ikot sa isip ko.

Malaki ang nagiging epekto sa akin ng pagtambay ko sa bahay. Nito kasing nakaraang dalawang linggo, hindi ako halos nagpupunta sa school. Naglalagi lang ako dito sa bahay. At pag sa mga panahon namang pumapasok ako, ang daming mga tanong na pumapasok sa utak ko tungkol sa ginagawa ko. Bakit? Para saan? Para kanino? Hanggang kailan?

Dahil sa mga pagtatanong na ito, napagisip-isip ako kung panahon na ba para gawin ang "desisyon" na matagal ko nang gustong gawin. May pananabik sa aking puso kasi kahit papaano, nabuhay na muli ang "desisyong" ito sa aking isipan. Pero may halong takot kasi malaking "desisyon" ito na malaki ang ipagbabago sa aking buhay. Matagal kong pinipigilang gawin ito dahil sa takot sa kung ano ang maaaring mangyari. Pero "maaari" lang naman itong kinatatakutan ko. Paano ko malalaman kung ano ang totoong mangyayari kung hindi ko gagawin ang "desisyon"?

Ang daming kailangang gawin. Ang daming kailangang isipin. Kahit nga ayaw ko munang isipin, nandito pa rin at ayaw akong patulugin.

No comments: