May 15, 2005

Class Requirement: Manood!!!

Mga kids, kailan ang huling beses na nanood kayo ng Pinoy film? Sa sinehan ha, hindi diyan sa hinayupak na pirated na yan. Malamang ang tagal-tagal na nun. Marami kasi sa atin, idinadahilan na wala na naman kasing magagandang pelikulang Pilipino. Pero sa totoo lang, kapag may magagadang pelikulang Pinoy naman na ginagawa't ipinapalabas, hindi pa rin natin pinapaanood. Kaya nuong nakaraang taon, nilangaw sa takilya ang mga quality films tulad ng Santa Santita at Minsan Pa. Ang best picture ng nakaraang MMFF, ang Panaghoy sa Suba, nalugi rin.

Panahon na para baguhin ang ganitong attitude. Kung gusto nating gumanda ang quality ng mga pelikulang Pilipino, tangkilikin natin ang mga quality films na ipapalabas. Ngayong buwan ng Mayo, mayroong dalawang example ng ganitong de-kalidad na pelikula na ipapalabas sa sinehan - ang La Visa Loca na pinroduce ng Unitel Pictures at dinirek ni Mark Meily, at ang Bikini Open na pinroduce ng Seiko Films at dinirek ni Jeffrey Jeturian. Ang assignment nating lahat ay panoorin ang mga pelikulang ito. Pagkatapos, babalik tayo dito sa web site na ito at isusulat ang kanya-kanyang reaction paper.

Naintindihan? OK!!!

P.S. - Mamatay na ang manood ng mga pelikulang ito sa pirated copy.

8 comments:

jhay said...

eh sir... panoo yun... Star Wars Episode III: Revenge of the Sith... mukhang mas maraming manonood nun kaysa dun sa mga pelikulang binanggit nyo..

Paeng said...

^ ok namang manood ng Star Wars III basta manonood rin kayo ng Pinoy films. :) hindi naman ito either-or.

Anonymous said...

sir ang mahal n kaya ng sine ngaun.. ndi n pde either or.. neither nor n lng..

dyezebel said...

oo nga. admittedly ang sasama ng mga lumalabas na pelikulang pinoy pero pag may maganda naman, tangkilikin natin.

sige, kahit di na ko nanunood ng sine, nuodin ko ang la visa loca. :)

psychicpants said...

Belat, Paeng! Inimbitahan ako ni Jeffrey Jeturian personally para manood ng Bikini Open nung Lunes. Nakita ko nang personal si Diana Zubiri, Francine Prieto at Alfred Vargas. :p

inah said...

hi sir, ngyon n lng po me nkpg email after 1 1/2 months. cge b nonood me kya lng kc ung bikini open niyaya k ung friends k sbi nla bka dw pg psok nmin ng sinehan eh bka dw puro lalaki ung nanonood, dba hndi nman... cge po ingat po.. :-)

Anonymous said...

buti nalang tumanggi ako ng my ng aya skin manood ng star wars.. :) Evan

Anonymous said...

Ako Pinanuod ko La VISA Loca...Maganda Sya!!!..ok na rin mag Comedy si Robin!