September 25, 2004

Sana Maging GTR Ako...

Napanood niyo na ba ang Great Teacher Onizuka (GTO)? Isa ito sa mga paborito kong anime noon sa Channel 26 (Animax). Tungkol ito sa isang dating gang member na si Eikichi Onizuka na naging isang teacher. Naka-assign sa kaniya yung tinataguriang walang kwentang klase sa Musashino Public High School. Hindi siya conventional na teacher, at maraming di naniniwala sa mga methods niya. Pero sa paggamit niya ng "street-smart" at experiential na pagtuturo, maraming natutunan ang mga estudyante niya tungkol sa buhay.

Ang ganda talaga ng series na ito. Nakaka-inspire siya at higit sa lahat...nakakatawa!!! Dapat mapanood niyo ito. (Gawin ko kayang class activity ito pagkatapos ng departmental exam? Hmmmm....)

Nung nakaraang linggo, pinapanood sa akin ni Ria lalabs ang last two epsiodes nung live action drama version ng GTO. Ayon sa records sa Japan, ito daw ang highest rated drama episode sa Japan. At dapat lang siguro. Kahit last two episodes lang napanood ko, naantig pa rin ako. (naks...naantig!!!) It reminded me of the right reasons for wanting to become a teacher.

Ito na yata ang favorite kong drama. Saan ba ako makakakuha ng kopya nito para paulit-ulit kong mapapanood? Kung meron kang kopya, pahiram naman!!!

5 comments:

Anonymous said...

sir ako po napanood ko yung GTO. i didn't miss a single episode... fave ko rin kc siya. wish ko nga po lahat ng teacher katulad ni Eikichi Onizuka...kc sa palagay ko po enjoyable, educational at inspiring ang pagpasok sa skul. madami kc dyang teacher nakakawalang ganang pumasok...pano ba na naman naninigaw,nanglalabel, and they don't see the best in their students... lagi na lang yung hindi maganda ang nakikita. d ba nila alam na if only they believe in their students they can bring out the best in them. sayang talaga konti pa lang namimeet kong teachers na pwede ding tawaging "great teacher". syempre sir kasama kau dun. hmm...pwede na rin... GTP... Great Teacher Paeng... hehe... ^_^.

Paeng said...

anong napanood mo nang buo? yung anime o yung live action drama? mas gusto ko kasi yung live action. mas nakakaiyak. huhuhu...

salamat nga pala. :)

Anonymous said...

Love ko rin ang GTO. :) Pinapalabas ulit siya sa Animax ngayon. :)

Anonymous said...

yun anime po ang napanood ko. sa inyo ko nga lang po nalaman na may live action drama pala yun. sir ano po ba title nung live action drama? gus2 ko rin po sanang mapanood. hmm... mghahanap po ako ng kopya.

Paeng said...

ako meron. gusto mo magpaburn? basta bigyan mo ko ng gagamiting CD. :p