September 30, 2004

Alien Abduction!!!

NEWSFLASH!!!

Isa-isang nagsisiwalaan ang mga estudyante ng FEU. Isang propesor na itatago na lang natin sa pangalang "Paeng" ang nag-tip sa amin na unti-unting naglalaho na parang bula ang kanyang mga estudyante...

"Nung unang klase ko, mahagit kalahati ng klasrum ko ang puno. Nung sumunod kong klase, sampung tao na lang!!! Ngayon, wala na akong nakikitang estudyante!!! Ang nakapagtataka dun, nakita ko na nung umaga ang mga estudyante ko na palakad-lakad sa may corridor...ibig sabihin pumasok sila. Saan kaya sila...(cue high-pitched frightening music)...napunta?!!!"


Ayon sa aming mga sources, hindi raw isolated ang mga ganitong insidente. Maraming mga teacher na rin ang nag-report na naglaho nang parang bula ang kanilang mga estudyante.

"Kanina nga lang nakasalubong ko, nakapagtanong pa sa akin. Paglingon ko, nawala na!!!"


Patuloy pa rin ang pag-iimbestiga sa misteryosong pagkawala ng mga estudyante ng FEU. Ngunit ayon sa mga awtoridad, matatagalan daw ang imbestigasyon dahil ang mga teachers, administrators, mga sekretarya at ultimo ang nagche-check ng attendance ay nagkandawala na rin at hindi na makita.

3 comments:

Anonymous said...

grabeh, marami b absent last thursday? hindi n kc me pasok that day kc pumayag nman ung ibang prof nmin...wag kayo ingay ha............

inah said...

oo nga sayang nga lng ung pag-absent kc natalo ung FEU pro dat was a clsoe fight dba. proud to be a tamaraw prin...hehehe

IA said...

Hi... Prof? Nagsearch kasi ako sa google ng UAAP related sites, napunta ko dito. Pero, naguguluhan ako. May blog ka na parang "I miss UP" pero puro FEU. Hehe. Peyups din ako. Parang FEU-UP eh.. hehe.