September 21, 2004

Coming Out!

Nakakatatlong episodes na ang bagong show ng Channel 7 na Out!, ang unang unang gay lifestyle show sa Pilipinas. Yung unang episode lang ang napanood ko kasi yung mga sunod na episode, nag-conflict sa mga lakad ko o kaya ay may ibang pinapanood dito sa bahay.

Nakakatawa at marami nang detractors ang show na ito. Parang gusto na agad nilang pirmahan ang death warrant, e ni hindi pa nga nakaka-isang buwan ang show. Kesyo mauubusan daw agad ng mga topics ang show. Limited lang daw ang audience. At kung anu-ano pang dahilan.

Dito sa bahay, hirap rin akong manood. Tanungin ba naman kasi ako ng "Bakit ka nanonood niyan?" Napaisip tuloy ako, napaka-homophobe naman ng taong ito. Kailangan bang maging bakla ako para ma-enjoy ang ganitong palabas? E kung mahilig kang manood sa Animal Planet, ibig sabihin isa ka ring hayop? Kailangan bang may AIDS ka rin para ma-appreciate ang isang palabas na tungkol sa mga taong may AIDS?

Hirap pa rin talagang matanggap ang mga bakla dito sa atin. Isang paglangoy laban sa rumaragasang alon ang ginagawa ng mga taong involved sa Out! Marami ang nago-object sa ginagawa ng palabas na hinihikayat na magladlad ang mga baklang tinatago ang kanilang pagkatao.

Ako, homophobe rin dati. Naiilang ako sa mga kakilala kong bakla. Pero marami akong nakilalang bakla at tomboy, at wala akong nakitang masama sa ginagawa nila. Ngayon ay tanggap ko na sila at ang kanilang piniling lifestyle. Marami pa nga silang nagagawang kapakipakinabang, kaysa naman sa mga taong ang lalakas ng loob na magsalita diyan, pabigat lang naman sa lipunan dahil sa katamaran.

Sana marami sa inyo ang sumubok na panoorin ang show na ito at suportahan ang laban ng mga bakla't tomboy. Pero siyempre, hindi ko naman kayo mapipilit...

Naalala ko tuloy ang kanta ng Eraserheads na Hey, Jay!

---------
Hey Jay, nabugbog ka na naman kahapon
Hey Jay, ba't kasi pumunta ka pa sa lugar na 'yon?
Alam mo namang galit sila sa tulad mo
Alam mo namang di ka nila maiintindihan

Hey just look to the left and just look to the right
Makikita mo naman na hindi pantay-pantay
Now he-he-he-hey Jay
Everything's gonna be okay
Everything's gonna be okay

Hey Jay, nag-away na naman kayo ng tatay mo
Hey Jay wala raw siyang anak na katulad mo
Alam niya namang wala kang kasalanan
Alam niya namang ipinanganak ka ng ganyan

Jay you can get it all up
Jay you can get it all down
Ipagdasal na lang natin na balang araw ay
he-he-he-hey Jay(2x)
he-he-he-hey Jay
Everything's gonna be okay
Everything gonna be okay

Bakit ba sila ganyan
Puno ng galit ang isipan
Ba't ba tayo ganito
Walang galang sa kapwa
Ta-o ta-o ta-o
----------

Free your mind!!!

May mga kakilala ako (mga tatlo) na mukhang kailangang mahikayat na mag-Out. Ayaw pa kasi nilang umamin. Pakikialaman ko ba sila? Hmmmmm...

Oo nga pala. Basahin niyo Ang Kagila-gilalas na Pakikipagsapalaran ni Zsa-Zsa Zaturnnah ni Carlo Vergara. Gay empowerment, Darna-style. Talagang panalo!!!

3 comments:

jhoana said...

i was able to watch their first show at ang masasabi ko lang ay i found it more entertaining compared dun sa palabas sa kabilang chanel.isang diversion sa mundo ng media and i agree sau sir that u dont have to be one of them (bakla o watever) para maapreciate mo tong palabas na to.

Anonymous said...

ako di ako bakla,(although ako ay babaeng bakla pag gabi..hehe) but i appreciate d show..once ko palang sya napanood..and im plnning to watch it regularly..

astig nga un show eh!!!! EVAN

bi_blake said...

Hi.. I'm one of them.............. from Accountancy Student... I don't know if i should come out... pero malalaman din nila.. bka... cguro...