September 19, 2004

Dapat bang makonsensiya?

Di ako makatulog. Naiisip ko yung mga kakilala kong estudyante na nagpapatulong sa feasibility study na tinanggihan ko na munang tulungan dahil pakiramdam ko nagagahol ako sa oras. May halong inis kasi ngayon lang sila lumapit e dalawang araw na lang bago mag-deadline. May halong inis din sa adviser kasi iniisip ko na sila dapat ang tumutulong sa mga alaga nila...

Pero nakokonsensiya ako...

Hindi naman kasi ako tumatanggi sa mga ganito dati...

Sabi nila, "To whom much is given, much is expected..."

Parang kulang pa ang ginagawa ko. Pero pagod na rin kasi ako. Masama bang mapagod?

Pagod nga ba ako o sawa na ako?

Bakit ba ako nakokonsensya?

Siyet, sana makatulog ako nang maayos.

2 comments:

Anonymous said...

sir,wag mong pilitin ang sarili mo noh!di ka naman nila pedeng sisihin,at for sure maiintindihan ka pa ng mga estudyante mo.wag kang mag feeling guilty dahil sa di mo sila natulungan....kaya mo yan kid!

Anonymous said...

hmm.....hndi mo naman mapipilit ang sarili mo kung ayaw muna at qng pagod kana diba? pero sana inexplain mo na lang sa kanila ang 22ong dahilan para di makonsensiya i know they will understand u pag d ka pa naka2log punta ka sa bahay ipaghehele kta promise......