September 29, 2004

Isang Linggong Pag-ibig

Isang linggo na lang, pupunta na si Ria sa Japan...

Isa't kalahating taon siya dun...

Maaaring umabot ng dalawang taon...

Maaaring umabot ng tatlo...

Alam mo yung pakiramdam na sana bumagal ang oras? Na kung mababalikan ko lang ang nakaraan, sana natuto akong tumanggi sa mga trabahong binigay sa akin? Na sana lumalabas kami gabi-gabi at nage-enjoy habang nandito pa siya sa Pinas?

Kagabi nag-videoke kami. Ang saya-saya!!!

Mamimiss ko ang videoke. Mamimiss ko ang pagpunta sa Conspiracy. Sa Malate. Sa Baywalk.

Mamimiss ko ang UP.

Mamimiss ko ang SM North. At SM Megamall.

Mamimiss ko ang MRT.

Mamimiss ko si Ria.

Huling linggo bago umalis. Kailangan masaya.

I love you, Ria.

5 comments:

Anonymous said...

Naku, mukhang merong may kailangan ng alalay.

--psychicpants

Anonymous said...

tsk... tsk... tsk... ok lang yan sir... kaya mo yan... d2 lang kming mga estudyante mo... handang dumamay sau..
>>>>>vErTiCaL<<<<<

Anonymous said...

WAG NYO PO MASYADO DIBDIBIN....
MAY LIKOD PA KAYO....
---XAR---

inah said...

ok lng po un sir, i'm sure nman n khit ano mngyari eh kayo prin 'til the end....

Anonymous said...

well.. ganun po talaga ang buhay... minsan kelangan mag GOODBYE kahit masakit... basta mahalaga i enjoy nalang ang panahon na kasama u sya!!! EVAN!