July 19, 2004

Nakikisakay...nakikisabay

Natuto lang akong mag-blog, may sumasabay na rin sa akin. Gaya-gaya!!!
 
Heniweyz, first of all, my lalabs, aka Ria, has started her own blog (diosa4ever). Kawawa nga lang at dehins pa marunong magpaganda at maglagay ng kung anu-anong kaartehan.  Maturuan nga minsan.  :p  Here's a link.
 
At nandito na rin ang pinakabatang miyembro ng aking kinapipitagang pamilya.  Nagba-blog na rin si Ernanie, sa kanyang journal na tinatawag na Kamote Thoughts.  Maganda na sana, kaya nga lang natatakot ako at mukhang nabe-brainwash na siya ni Psychicpants.  O jusko, wag sana siyang matulad sa isang Paolo Manalo!  HUWAAAGGG!!!


 


4 comments:

nanoy said...

And why you don't want to number me among the jologs??

Actually, nagplaplan na nga me na mag-make ng isang poem na about sa pagbet sa lotto... at ang twist? ultimate SECRET!!

Hahaha...

Pero sa totoo lang, medyo nalilimitahan ako ni Jolography, kasi ayokong naitutulad yung mga ginagawa ko sa iba. Kaya pag nakakagawa ako ng mga tulang mala-jolography, binabasura ko. hahaha...

Paeng said...

Di ka naman kasi jologs...weirdo ka. weirdo!!! :p

Anonymous said...

Ngi. -Paolo

Paeng said...

Msama kang impluwensiya, Paolo!!! tingnan mo ang nangyayari sa kapatid ko. huhuhu...