July 26, 2004

(Aktib)ista

SONA na naman. Sa UP Diliman, wala na naman daw pasok.  Ine-encourage kasi ang mga mag-aaral na makilahok sa mga kilos-protesta na gagawin sa Batasan Complex.  Sasalubungin na naman si Gloria ng mga walang kapararakang angal, hinagpis at pangtutuligsa laban sa mga kilos ng kanyang administrasyon... 

Bida na naman ang mga aktibista...
 
Marami nagtatanong sa akin noon hanggang ngayon kung aktibista daw ba ako.  Bakit daw hindi ako sumali sa LFS o Sanlakas o kung ano pa mang "tibak" na organisasyon na nagkalat diyan sa UP?
 
Ewan ko ba.  Marami naman akong nakilala at naging kaibigan na galing sa mga organisasyong ganyan pero hindi ako ginanahang pumasok.  Marahil, hindi kasi ako naniniwala na totoo silang "tibak".  Oo, nandun ang kanilang matinding paniniwala sa kanilang mga sinasabi.  Pero yun nga ang problema.  Marami sila laging sinasabi...
 
Di ba ang root word ng aktibista ay ang salitang "active"?  Saan aktibo ang mga "tibak" ng ating panahon?  Sa pagpoprotesta?  Aktibo lamang ang dila?  Ano ang kanilang aktibong paggawa sa pagbuo ng solusyon sa mga problema na kanilang binabatikos?  Nagpapamulat daw sila, at sa tingin ko, totoo naman nilang nagagawa yun.  Pero sapat ba ang magmulat ka nang wala namang ibinigay na solusyon?  Aktibo na ba yun?
 
Kung ikaw ay isang "tibak", anong ginawa mo para mapabuti ang buhay ng kapwa mo Pilipino?  Ano ang ginawa mong mga hakbang para malutas ang problema ng ating bansa?  Sapat na ba yung magsisigaw ka sa kalye, mag-vandal ng pader at mang-away ng mga pulis para sabihing aktibo ka talaga sa pagpapabuti ng kalagayan ng ating lipunan?
 
Anong ibinuti ng lipunan sa ginagawa mo?
 
Hindi ako galit sa mga "tibak".  Hindi ako laban sa mga rally, protesta, noise barrage at boycott.  Pero kung hanggang rally lang ang kaya mo at wala ka namang ginagawang iba kundi mangtuligsa na wala namang inihahain na alternatibo...hindi ka talaga "tibak".  Isa kang "kabit".  Kumakabit lamang sa isang idelohiya na hindi naman alam kung paano isasabuhay at isasagawa...
 
Kumilos , wag lang magsalita...Solusyon, wag lang demonstrasyon.  Yan ang tunay na "tibak"

10 comments:

nanoy said...

Tama!

Pareho lang tayo ng pananaw. Isa pa, napakawalang kabuluhan ng pagmartsa kung mismong sila-sila di nagkakaisa.

Grabe yung Kampo ng Alyansa-Sanlakas tsaka STAND-UP, talagang siraan, pagalingan at pahanginan. Parepareho lang naman sila ng ipinaglalaban.

Oh well... basahin mo na lang ang artik ko. ^__^

Anonymous said...

wala akong account sa blogger kaya anonymous na lang. btw, sa psychicpants ko ito unang nabasa.

...

oo in a way tama ka. pero in a way lang. there are more things to be done than plain demonstrating. i should know; i was a former activist myself and i had my fair share of shouting sa halls ng AS at pagpipinta ng kung anu-anong slogans sa pader ng Monsay sa tapat ng Nepa-Q.

however, tama si mayo. you are gravely uninformed. activism seems like a WYSIWYG thing pero a lot of things are being done by activists that you do not normally see. it's an unfair congruence pero problema na ng mga tibak yun (may mga bagay sila na kailangang matutunan about PR management).

you ask anong alternatibo nila? that again shows your ignorance of them and what they do. yung mga kalaban ng tibak sa gubyerno at akademya, aware sila sa alternatibo ng mga tibak and they call it ludicrous. of course, posisyon nila yun at it is something that is being ragely debated upon hanggang ngayon.

if you sincerely wish to understand ang mga tibak, i would not ask of you to become one. what i will do ask of you is to let go of your prejudices a bit so that understanding may follow. prejudice is never based on reason and if this always gets ahead into your understanding of why activists seem like they don't know anything else to do but demonstrate and that they seemingly don't offer alternatives or that their alternatives are "ludicrous," then you'd always find yourself in a position that activists are unreasonable.

lastly, SOBRANG NAPAKAHIRAP maging aktibista, i tell you. the batikos, the hard life, the sacrifices, the conveniences you have to give up, etc., hay ang hirap talaga. ako di ko natagalan. kaya't heto ako ngayon bumubuhay ng pamilya't nagtatrabaho sa isang kumpanyang pinipiketan namin noon.

micketymoc said...

Anonymous: I have no doubt na mahirap maging tibak. I have no doubt that you do much more than rallies, protests, and vandalism (which, taken alone, seems counterproductive to the cause). But the issue here isn't whether we're "misinformed", or "deluded".

The issue here is the activist left's failure to elaborate on the alternative they offer. Ano nga ba? Where is the comprehensive plan? What does the left want to do with the economy, the working class, big business, the government? Problem is, no two groups have the same opinion. Makamasa man sila, wala silang single solution na maihahandog sa masa. Single na coherent. Feel free to prove me wrong.

On the other hand, I see the Left being bogged down by politics and unbridled ambition - and an utter failure to self-examine the Leftist movement to determine a new and more relevant direction. The left has lost much relevance, particularly because it seems that the tactics it employs when the cameras are on seem no different from those of 20 years ago; the left has lost much credibility because the perception has sunk in among ordinary Filipinos that they're there only to ride a cause till it drops, there to promote themselves first and their cause a far second.

The Left must consider these, before crying foul. The Left must take stock of its own shortcomings before decrying the shortcomings of others.

Paeng said...

Salamat sa mga comments. I really would love to have a fruitful discussion here at sana marami tayong matutunan sa ating usapan.

To Anonymous: Hi!!! I do not really have any prejudice against "tibaks". I have a lot of friends from the leftist groups, although nakakatawa nga lang kasi ano nga ba ang "tunay" na leftist group? heniweyz, that's a different matter entirely. My opinion on the activist movement has nothing to do about prejudice, but more to do about my personal observations.

You say that I am misinformed. I'll accept that as long as somebody can give me a conrete evidence of what the activists are doing other than mounting protests and engaging in their information campaign. that's what i was waiting for in your comment and it did not come. so maybe you can elaborate on that. What are the activists doing? What am I misinformed about? The solution that you are talking about, is it the formation of the communist government where the working class would rule? ang pinag-uusapan ba natin ay ang "Pagbaligtad ng Tatsulok"?

So please feel free to discuss it. Maybe I am misinformed, so please tell me why. Why am I misinformed? What should I know?

To micketymoc: I agree with you. Actually, I admire the "tibak's" convictions. But I hope they would offer a concrete solution that would work. Parang panonood yan ng pelikulang "Maynila sa Kuko ng Liwanag". It's a very good movie that opened the eyes of viewers to the illness of Philippine society. But, what's the cure? Wala. Walang sinabi...

Another thing. It's really foul play when the leftist groups started leaking news in U.P. Diliman that Angelo dela Cruz was already dead and then they started campaigning for the condemnation of our government. Using misinformation to agitate the public should be beneath a group that claims moral ascendancy. That's foul play. They should stick to the truth if they have to maintain credibility...

Anonymous said...

hi paeng! yung alternative ay mahabang paliwanagan yan. i would recommend that you discuss it with your activist friends which you say you have lots of. but as example, sa economy, key programmatic components are agrarian reform and building of state-owned industries. two seemingly safe terms pero malawak yan. the idea on agrarian reform, for example, is that land will be distributed equitably sa tillers, sa farmers. what we have under carp isnt such kundi strengthening ng control ng landlords over their lands. sa alternative program ng mga aktibista, ididistribute talaga ang lupa similar to what happened before capitalism ever took place. i could suggest to you books that expound or elaborate or enlighten on this if you're really interested. point lang here is that marami kasing umaatake sa mga aktibista nang hindi naman nila talaga alam kung ano ang sinasabi nila. as one here said, there is this "failure (daw) to elaborate on the alternative they offer." tibak na ko sa up noong 1991, these are the same prehistoric arguments na nire-raise against us noon. (at eto pa rin hanggang ngayon?! jeez and i thought we're already past the post-postmodern timespace.) but im in no way blindly defending activism. i have been there and i know that there are weaknesses, which i guess and i still hear, are adequately being addressed naman. i would admit, i bolted activism because of these weaknesses i speak of. lagi namang struggle yan. lagi namang may debate at pagtatalo. ako ang problem ko, di ako nakatagal sa mga pagtatalo aside from hindi ko malabanan ang mga burgis na trippings ko. pero sincerity? alternative? the activists have those. madali lang magsabi na wala silang alternative. parang yung nagsabi sa psychicpants na iniwanan na ng mga aktibista ang pamilya ni angelo dela cruz matapos na makauwi siya sa pilipinas. i mean, whoever that person is, nasa mexico pampanga ba siya araw araw at nasa bahay ni angelo dela cruz palagi para magsabi with that totalitarian fuckshit conviction na pinabayaan na nga siya/sila ng mga aktibista? nakikita ba niya araw araw bawat oras at sa lahat ng pagkakataon saanmang sulok ng pampanga o pilipinas naroon ang mga dela cruz na dehins na sila pinupuntahan at inaasikaso ng mga aktibista? maybe hindi na high profile (and they dare accuse activists of wanting nothing but media attention for themselves?!) ang mga ginagawa kasi wala ng need for it. pero yung pinabayaan? i dont think so. sus migrante international pa. (i tell you, i was in hongkong one time during the elections and i saw there a gathering of domestics done by migrante which is bigger than any of the rallies i have seen so far sa manila recently. proof only that people TRUST the migrante organization.) if there's one thing i learned sa pagiging tibak and which until now guides me is that MATUTO MUNANG MAGSURI BAGO DUMAKDAK!

pasensya ka na paeng, hindi ako normally ganito pero nagpanting lang ako duon sa huling poster sa psychicpants. ang yabang e.

pero this i now post, if, as what you and that other guy said, na tibaks (or the left) are of no good anymore and are irrelevant to the times, then why do they persist (after more than 30 years?!) and bakit sila tila dumadami pa rin?

nanoy said...

para kay anonymous:

siguro, di mo rin masisisi ang mga tao kung bakit di natatanggal ang tanong na "nasaan ang mga alternatibo ng mga nagrarally?". sana maunawaan mo na kaya nagkakaroon ng ganitong mga tanong ay dahil sa hindi epektibong pagkalat ng impormasyong sagot dito.

siguro kailangan makuha muna ng mga "tibak" ang atensyon ng mga tao. kailangan muna nilang mapapaniwala na higit sila sa pagrarally. hindi na kasalanan ng mga tao kung di sila maging interesado. hindi na rin tungkulin ng tao na sila ang magmulat sa sarili nila. tungkulin ito ng grupo na dati mong kinabilangan. di sapat ang mga Educational Discussions na mga tibak lang din naman ang dumadalo. ang mga nakikita naman sa mga rally ay... pagrarally.

isa pa, kailangan din sigurong alisin ng mga tibak ang prejudice. ilang tibak na rin ang nakilala ko na galit sa mga konyo, o galit sa kabilang grupo ng mga tibak. kung tunay ang pakikibaka para sa bansa, dapat pumasok sa isipan ng mga tibak na kasama sa bansa ang mga taong ayaw nila.

kasabay nito ay may mga tanong:

ano na po bang aksyon ang ginawa para maiparating sa gobyerno o maging konkreto ang mga alternatibo ng mga tibak?

bakit parang wala namang tumatakbong tibak sa gobyerno? (bukod sa partylist)

bakit hindi magkaisa ang mga tibak?

linawin ko lang po na sinisimulan ko ang pag-aaral tungkol sa aktibismo at ang kabuluhan nito sa lipunan. kaya siguro hindi ako maibibilang sa mga "prejudiced". tignan mo na lang sa http://www.isipkamote.tk

nagpromote daw... hahaha...

Anonymous said...

Hi! Mabuti naman at may usapang ganito na kahit paminsan-minsan ay nagkakainitan(dahil nga malapit sa puso ang pinag-uusapan) ay napag-uusapan pa rin ng may kahinahunan...

Naniniwala ako na mahirap nga ang buhay ng tibak at may kahinaan din ang ilang pamamaraan tulad din ng lahat ng pamamamaraan sa buhay(pagtuturo, pagtitinda, pamamalakad...). At tulad nga din ng nabanggit ninyo kailangang isabuhay ang paniniwala... Napansin ko rin ang nabanggit na(nakita ko sa aking mga kaibigan at mukhang marami ang ganito ang nagiging takbo bagamat hindi lahat) na ang minsang binabatikos na mga institusyon/establisyimento/"kapitalista" ay siya na ring tinutungo ng mga aktibista pagkatapos ng pag-aaral sa kolehiyo. Malinaw naman ang dahilan... kailangan nating lahat ng mabuhay-lalo na kung kasama na ang pamilya sa binubuhay. Sana'y hindi ito tingnan na isang pagbabatikos, mas pa siguro'y isang pagtatanong o pagmumuni...(ang asumpsyon dito ay naniniwala tayo na ang pagiging aktibista ay isang mabuting daaa, para lang po maliwanag) Hanggang kailan at hanggang saan ba maaring isabuhay ang pagiging aktibista? Ito ba ay habang nasa kolehiyo lamang? Hanggat wala pang pamilya? Ang pagpasok ba sa isang institusyong binabatikos("big bucks") ay pagtanggap na rin na hindi maaaring isabuhay ang aktibismo("panlansangan") at ang mga paniniwala kaugnay nito?

Matagal ko na rin itong pinag-iisipan at alam kong hindi madali ang kasagutan... mahirap man kung minsan ang sagot sa katanungan ng buhay ngunit sabi nga ni Heber "...katotohanan lamang ang siyang magpapalaya..."

Paeng said...

hello mga kapatid. salamat sa mga nagsipag-comment. Marahil ay ipagpatuloy na lang natin ang diskusyon dito sa link na ito:

http://www.forumforfree.com/forums/index.php?mforum=akosipaeng&s=a7f17f4a274a75d280848160096ae99d&showtopic=18

salamat!!!

Anonymous said...

sorry ha... sobra late n yung comment. ngayon ko lang kse ito nakita. pede b ma-invite n lang s isang discussion yung may-ari ng blog n ito? hindi kse convenient s serious n usapan at parang palengke lang ang komentuhan s blogs eh. sana ay pasinayahan mo ang paanyaya ko. :D

Paeng said...

ok lang, pero di ko naman alam kung sino ka at wala kang contact number.

e-mail ko ay ako_si_paeng@yahoo.com

pero di ako agree na hindi magandang magdiscuss sa blog. yun nga kasi ang gusto kong mangyari sana. maraming makasali sa discussion.