July 28, 2004

Mga Awit ng Pag-ibig...

Hanggang ngayon pinag-iisipan ko pa rin kung anong love song ang pinakamaganda para sa akin. Matindi kasi ang one-on-one "competition" ng aking dalawang idol na sina Mang Gary at Mang Noel. Magaling silang gumawa ng lyrics at ang mga kantang "Dahil Nariyan Ka" at "Kapag Sinabi Ko Sa Iyo" ay tunay namang nakakapukaw ng damdamin. Kahit lyrics pa lang ang basahin niyo ay maiin-love na rin kayo. Sayang at wala akong paraan dito para marinig niyo na rin ang mga "lab song" na ito:.


Dahil Nariyan Ka
by Noel Cabangon

Ang aking puso'y puno ng tuwa dahil nariyan ka
At ang bawat tibok nito'y may kakaibang nadarama
Kay tagal kong naghintay, ngayo'y di na muling mawawalay
Ang lubos na ligaya na nadarama ay dahil nariyan ka

Ang aking mundo'y biglang sumigla dahil nariyan ka
At ang simoy ng hangin ay may pag-asang dala-dala
Ang mga bituin sa langit ay liwanag na nagsasanib
Ang lubos na pag-ibig na nadarama ay dahil nariyan ka

Ang bawat likha sa paligid
Ay tila umaayon sa 'ting pag-ibig
Parang langit
Parang walang hanggang panaginip

May [likas] sa aking mga mata dahil nariyan ka
Ang bawat sandaling kapiling ka'y anong saya
Kay tagal kong naghintay, ngayo'y di na muling mawawalay
Ang lubos na pag-ibig na nadarama ay dahil nariyan ka

Ang bawat likha sa paligid
Ay tila umaayon sa 'ting pag-ibig
Parang langit
Parang walang hanggang panaginip

Dahil nariyan ka...

Kapag Sinabi Ko Sa Iyo
by Gary Granada

Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y minamahal
Sana'y maunawaan mo na ako'y isang mortal
At di ko kayang abutin ang mga bituin at buwan
O di kaya ay sisirin perlas ng karagatan

Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y iniibig
Sana'y maunawaan mo na ako'y taga-daigdig
Kagaya ng karamihan, karaniwang karanasan
Daladala kahit saan, pang-araw-araw na pasan

Ako'y hindi romantiko, sa iyo'y di ko matitiyak
Na pag ako'y kapiling mo kailanma'y di ka iiyak
Ang magandang hinaharap sikapin nating maabot
Ngunit kung di pa maganap, sana'y huwag mong ikalungkot

Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y sinisinta
Sana'y yakapin mo akong bukas ang iyong mga mata
Ang kayamanan kong dala ay pandama't kamalayan
Na natutunan sa iba na nabighani sa bayan

Halina't ating pandayin isang malayang daigdig
Upang doon payabungin isang malayang pag-ibig
Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y sinusuyo
Sana'y ibigin mo ako, kasama ang aking mundo

7 comments:

Drama Queen Extraordinaire said...

kyut yung kay noel cabangon :) can relate har har har reak ko lang yung kay gary granada it's like your making them realize that your love has limitations kasi tao ka nga lang... (well sa pagkakabasa ko sa lyrics)

out of topic : okeis lang naman yung forum... may member ka nang bago ^_^ at oo alam ko corny yung choclit :P

Anonymous said...

sir mas maganda ung ky noel cabangon na "dahil nariyan ka"........tc

Paeng said...

sabi ko na mas may mainstream appeal ang "Dahil Nariyan Ka".

Pero grabe ang tama sa akin ng "Kapag Sinabi Ko Sa Iyo". ang saya kasing makarinig ng kantang napaka-down to earth at totoo. :)

Anonymous said...

i really like the song of gary granada..iba ung dating ng kanta......what i like about it....ung cinabi nya na. "Sana'y ibigin mo ako...pati na ang aking mundo"

Anonymous said...

d s0ng of gary granada rili gets in2 me..

Anonymous said...

super relate ako sa mga songs na ito! Gary Granada and Noel Cabangon are two of the most talented musicians this country has ever produced.

Thank God for their likes, I don't have to suffer the remakes that local popsters are churning out like crazy. I definitely do not need another remake of "Love Moves in Mysterious Ways" or "Don't Cry Out Loud" or any songs that have been originally popularized by Martin, Gino and Sharon.

What's more, super relate pa ang karaniwang tao sa kanta ni Gary at Noel.

Anonymous said...

Gusto ko sanang idagdag mo sa listahan mo ang mga kantang ito. Huling Hiling ng Pan
Dyad by Dong Abay
Kahimanawari by Pan
at ang walang kamatayang Walang Hanggang Paalam ni JOey Ayala.

mapa2kinggan mo sila dito.

http://www.imeem.com/skullbock/playlist/nZfPl4nK/from_pilosopo_basyo_with_love_music_playlist/