November 7, 2006

Titulado

Pinagsisisihan ko ang pagsulat ng post na ito.

Tingnan mo naman kasi ang lumalabas na result kapag nag-search ka ng Erwin Rafael sa Google.

Erwin Rafael. Rapist.

----------
Bakit kaya ang ibang tao adik na adik sa mga titulo pagkatapos ng kanilang mga pangalan?

Kanina ay nagpapirma kami sa isang opisyal ng DOH para sa mga invitation namin para sa isang workshop sa susunod na linggo. Nagulat ako sa haba ng kanyang pangalan.

Usec. _____________, M.D., MPH, MHA, CESO III

Alam ko na marapat na bigyang halaga ang mga bagay na pinaghirapan natin sa mundo. Pero kailangan ba natin itong ipangalandakan palagi na parang mababawasan ang pagkatao natin pag hindi natin ito naisulat sa tabi ng ating pangalan?

----------
May isa akong kasamahan sa unibersidad dati. Magaling siyang magturo. Kaya lang, may ginawa siyang napailing na lang ako dahil ang...pathetic. Really, there's no other word to describe it:

Prof. __________, MBA, Ed. D (candidate)

Susme.

----------
Favorite headline for the day:

Notorious drug suspect caught for the fourth time.

Ewan ko ba't tawang tawa ako.

6 comments:

ergoe said...

Reypis!

Hahahaah! Komedi naman yun!

melai said...

heheh wawa reypist ... buti na lang hindi ko pinost yung balak ko dati na manilenya....reypist daw with matching documents from NBI pa lol!!!

riadiosa said...

reypist... matutuwa ba ako o matatakot?


Ria P., GF, B.A., M.A. (kandidato), PhD in ____ (pyutyur), PhD in ____ (pyutyur ulit) Ambassador of Goodwill, Responsible anak at ate, Diosa, Artist, Volunteer, Secretary, Translator, Interpreter, Entertainer
(tama na napagod na akong magtype)

Jerome aka Bridget Jones said...

bridget jones, diva extraordinaire... ang ganda...

Paeng said...

ergoe, melai, ano naman mga title niyo? wahahaha!!!

ako may six letters na :p

melai said...

titulo ko?

melai....Bagong Bayani....tagapunas ng wetpaks ng batang katatapos lang umire at tagaflush ng poo-poo ng mga nakakaiwan ng dumi sa toilet....taga-patak ng konting dolyar para manatili sa 2nd World Country ang pinas....taga-gamit ng pc at internet ng mga amo pag wala sila.

okey na ba yan? :)