November 26, 2006

Habang umiinom ng hot milk tea...

Katatapos ko lang magovertime kanina nang ako ay dumaan muna sa isang Chinese restaurant para maghapunan. Umorder ako ng hot milk tea pagkatapos kong ubusin ang isang mangkok ng kanin na may beef at chinese cabbage. At sa aking pag-inom ako ay napaisip.

Ako ay kasalukuyang kumikita ng humigit kumulang na P1,090 per working day. Gross yan. Wala akong overtime pay. Ok na para sa akin na single, siguro mahihirapan kung may pamilya na.

Pag nagtatrabaho ako, iniisip ko, sinusulit ko ba yung binabayad sa akin? Worth P1,090 ba yung trabaho na ginagawa ko?

Pero hindi talaga dun umikot ang aking pag-iisip kanina. Ang naisip ko ay yung sinusuweldo ng namumuno sa grant program kung saan ako involved ngayon. Ang kinikita niya ay humigit kumulang P21,590 per working day. Naisip ko, 21 times bang mas mataas ang value ng trabahong nagagawa niya kumpara sa akin? 21 times bang mas mataas ang kanyang level of effort?

Naisip ko rin ang mga CEO sa Pilipinas. Ang average na suweldo ng isang CEO ay P45,000 per working day. Ang value kaya ng trabahong nagagawa niya ay talagang 45 times kaysa value ng nagagawa ko? Meron pa ngang mga CEO na P150,000 per working day. Anong klaseng trabaho kaya ang worth P150,000 kada araw?

Naalala ko tuloy yung kuwento ng isa kong kasama. Si Regine Velasquez ay binabayaran daw nang P50,000 kada kanta. Yung mga mahuhusay na mang-aawit na kumakanta sa mga bars na pinupuntahan ko ay nagkakasya sa P1,000 kada set. P100 kada kanta.

Hindi ko naman maramdaman na underpaid ako. Sa tingin ko lang ay overpaid sila. Ilang beses nang sinabi na ang problema sa ating lipunan ay ang kahirapan. Pero hindi kaya ang problema talaga ay ang kayamanan (ng mga nakakaangat)?

Naubos na ang hot milk tea. Nagbayad na ako. At di ko maiwasang itanong sa aking sarili kung ano kaya ang iniisip ng waiter, na tinanggap ang bayad ko sa aking hapunan na katumbas na ng kalahati ng kanyang take-home pay sa gabing iyon.

6 comments:

Jerome aka Bridget Jones said...

hoy paeng. in everything give thanks. mas malaki pa ang sweldo mo sa kin, panget. wag ka mag-reklamo. basta masaya ka sa ginagawa mo. naranasan ko na ang kumita ng malaki pero hindi ako nage-enjoy. its not worth it.

namiss kita, pare koi! i'll see you tomorrow. lagare na naman ako this week.

Paeng said...

bridget, hindi ako nagrereklamo sa suweldo ko. napapaisip lang ako sa laki ng income disparity sa ating lipunan.

isipin mo na lang. ang bottom 20% sa Pilipinas naghahati sa 4.7% ng income. ang top 20% ay nageenjoy ng 53.4%. development will not happen by just uplifting the poor. dapat kwestiyonin rin yung sakdal na yaman nung mga nasa taas.

sa totoo lang, di ko maimagine ang gastos ng mga kumikita ng P45,000 a day. saan naman niya gagamitin yun?

riadiosa said...

ok sa akin kung kikita ng 45000 per day. magbabayad ka ba ng tamang buwis? at least, kung 45kiyaw every day, hindi aabutin ng 10 taon bago ka magkaroon ng skul =p

Jerome aka Bridget Jones said...

ayan. nagparinig na ang iyong future esposa. kaya mag-chief of party ka na. hahahaha! speaking how does a person earning 45kiyaw a day spend his/her money? well, obviously not on clothes kasi ang chaka ng mga clothes nung isang kilala nating kumikita ng 45kyaw a day. nyahahahahaha!

manilenya said...

nalulula ako sa mga numero..hindi ko alam kung maiinggit ako o wala lang. isa lang masasabi ko buti pa kayo... sa aming mga domestic helper mahirap kitain ang P1,090 kada araw, pwera na lang kung magsisideline ka pero dito sa Singapore bawal ang magsideline.

Paeng said...

^ hi, melai. nakakalula talaga. yung sa knikita ko, 22 working days lang ako per months, so techncially it's around P24,000 gross, P18,000 net.