November 8, 2006

Hangsama

Nang lumabas ang hatol na "death by hanging" para kay Saddam, napailing ako.

Hindi naman sa kumakampi ako kay Sa-sa-saddami Ng Problema Natin. Matagal nang kontrabida ang tingin ko sa kanya. Sino ba naman sa henerasyon ko na nagtapos ng elementary nung 1991 ang di makakalimot sa mga palabas sa TV na sinabing si Saddam ang anti-christ. Kahit itanong niyo pa raw kay Nostradamus!

Ang problema sa death sentence kay Saddam ay hindi ito kaso ng good triumphing over evil. Sa mode pa lang ng pagpatay, na sa pamamagitan ng hanging, hangsadista na ng dating ng mga nagpataw ng kamatayan. Nabubuhay sa aking isipan ang isang eksena sa nobela ni George Orwell na 1984:

"Did you go and see the prisoners hanged yesterday?" said Syme.

"I was working," said Wilson indifferently. I shall see it on the flicks, I suppose."

"A very inadequate substitute," said Syme..."It was a good hanging. I think it spoils it when they tie their feet together. I like to see them kicking. And above all, at the end, the tounge sticking right out, and blue - a quite bright blue. That's the detail that appeals to me."


Napakalaking kabalintunaan na pinapangalandakan ng mga pamahalaan ng U.S.A. at Great Britain na isang malaking tagumpay para sa kanilang War on Terror ang pagbitay kay Saddam. Hindi naman siya hinatulan ng kamatayan dahil sa pagtatago ng Weapons of Mass Destruction kuno na ginawang pretext ng pagsakop sa Iraq. O kaya sa diumano'y link ni Saddam sa global terrorist network. O kaya sa pamumuno niya sa pagsakop sa Kuwait nung 1990s.

Si Saddam ay bibitayin dahil sa pagmasaker sa mga Shiite sa Dujail noong 1982.

E sino bang mga kakampi niya nung 1982 na siya pang nagsupply ng gas na ginamit sa masaker ?

Hanghipokrito naman, hindi nakakatawa.

4 comments:

melai said...

YUn nga ang sabi sa isang interview ng Channel News Asia sa mga Asian neybors ... sabi ng isang hapon na babae..... okey lang sana na ma death sentence si Saddam yan ay kung walang outside force na nakaimpluwensa sa kaso ... syempre pa ang US yun.

Anonymous said...

tama.. hangsama tlga! -loren

Jerome aka Bridget Jones said...

very FARENHEIT 9/11 ang iyong post, pare koi! hope you watched it. that film by Michael Moore was very interesting and provocative, at times.

Paeng said...

melai: Yes, may nagrereply na sa political na post ko. ikaw. wahahaha!!!

loren: tinext kita, di ka pa sumasagot. :p

Bridget: di ko pa napanood ang Farenheit 9/11, pero narinig ko na. :) ano ka ba? di mo ba napapansin na puro politika ang laman ng tambayan na ito? :)