November 14, 2006

Magic!

Tuwang-tuwa ako sa episode ni Jay Taruc ng I-Witness kagabi na pinamagatang P36. Ayon kasi sa National Statistical Coordination Board, ang ating poverty threshold ay P36 per person per day. Ibig sabihin, kung ikaw ay nabubuhay sa P36 lang kada araw, hindi ka pa mahirap. Ang ginawa ni Jay ay nag-P36 challenge siya sa iba't ibang mga tao at tiningnan kung may makakatagal sa isang araw na P36 lang ang ginagastos. As expected, walang pumasa, maliban sa congressman na banana cue lang ang kinain buong araw.

Nakakatuwa ano? Di na ganun kataas ang bilang ng mahihirap sa Pilipinas kasi marami naman sa atin ang puwedeng mabuhay na ang gastos lang kada araw ay pamasahe papunta't pauwi sa trabaho at pambili ng isang stick ng banana cue. Di na matindi ang problema natin sa classroom kasi isang daang estudyante na ang ideal class size sa kada kuwarto. Di na mataas ang unemployment kasi hindi na binibilang yung mga taong tambay na lang at di naghahanap ng trabaho. Lumalakas ang Philippine peso dahil sa remittances ng mga Pilipinong napilitang maghanap ng trabaho sa labas kasi wala na silang pag-asa dito.

Ok ang pag-unlad ng Pilipinas. Parang minamagic lang.

1 comment:

bryanne said...

I am honestly having a hard time figuring how I feel after reading this entry... Di ko alam if maaaliw ako sa pagkasulat mo o masasaktan sa mga sinabi mo...