January 8, 2007

Outsourced

Kababasa ko lang ng post na ito mula sa aking dating estudyante na nasa call center na ngayon. Nakakatuwa, pero medyo nakakaawa rin dahil parang baligtad ang buhay niya ngayon. Siguro dapat matuwa na rin ako kahit papaano dahil may trabaho siya at nagagamit niya ang kanyang talent sa productive na paraan.

----------
Business process outsourcing ang "in" ngayon sa ating job market. Pag magtitingin ka sa classified ads, puro BPO jobs halos ang naka-advertise. As developed countries dispose of their "rote" jobs, nagiging opportunity naman sa atin yun kasi tayo na ang sumasalo nito.

Ang pinakakilalang BPO job sa ngayon ay ang pagtatrabaho sa call centers - ang tinatawag na customer contact agents ng Accenture. Nandiyan din ang mga medical transcriptionists na binebenta namang opportunity para sa mga health professionals. Bago ako umalis sa FEU ay nagsisimula na ring pumasok sa bansa natin ang outsourced na bookkeeping functions, na bunga na rin ng adoption ng iisang set ng accounting standards sa karamihan ng mga bansa.

Malaki daw ang naging (at nagiging) tulong ng BPO sa ating bansa. Ito, kasama ng OFW phenomenon, ang sinasabing bubuhay sa ating ekonomiya. Maliban kasi sa job creation, nakapagpapasok rin ng kinakailangang foreign currency ang mga trabahong ito, which in turn strengthens the Philippine peso. Medyo "naitataas" rin kahit papaano ng mga trabahong ito ang pay level ng mga professionals kasi relatively mataas ang bayad ng mga kumpanyang nasa BPO at napipilitan namang sumabay ang ilan sa ating mga local companies para maka-compete sila sa pagkuha ng magagaling na empleyado. At natutulungan rin ng BPO ang ilang mga industry, tulad ng 24-hour convenience stores and fastfoods, mga manufacturer ng instant food, mga vendo operators at mga coffee shops.
----------

Despite all the benefits we're getting from the BPO industry, may social costs rin ito sa atin. Nandiyan yung bumaligtad ang buhay ng mga young professionals - gising sa gabi, tulog sa umaga. Naaapektuhan nito ang kanilang social life dahil tulog sila kapag gising ang kanilang mga mahal sa buhay and vice versa. Nadidisrupt ang normal social interactions. Paano kaya ang mag-asawang call center agents pag nagka-anak sila?

Dahil din sa kakaibang oras ng trabaho, kakaibang stress din ang nararamdaman ng katawan ng mga BPO professionals. Disrupted ang kanilang biorhythm, na nagiging nocturnal during workdays at non-nocturnal kapag day off. Mas matindi pa kung papalit-palit ang shifts. Sa kasalukuyan nga ay may dinedevelop kaming research (na hinahanapan namin ngayon ng funder) tungkol sa substance abuse ng mga BPO professionals dahil balitang balita na talamak ang paggamit ng drugs para pampagising.

Naapektuhan rin ng BPO ang ating educational system. Maliban sa obvious na prioritization ng english language, nagkaroon na din ng preference sa mga courses na BPO-friendly. Set aside na ang mga hard at social sciences, prioritize na ang mga business courses. Set aside na ang fine arts at music, prioritize na ang ICT. Set aside na ang pagdodoktor, prioritize na ang nursing at med tech. While prioritization of such courses may benefit us in the short run, will the deprioritization of other courses instrumental to national development, e.g. medicine, social sciences, etc., benefit us in the long run?
----------

Which brings me to my point. For sure, BPO does benefit the country with its positive impact on jobs and the strengthening of our local currency. But it should be developed as a support, not the pillar, industry of our country. Maliban sa social costs ng BPO na nabanggit ko na, kailangang tandaan rin na "hot investments" ang dala ng industry na ito. Madali itong pumasok ng bansa at madali rin itong tanggalin.

Para hindi umalis ang BPO investments sa bansa, kailangang mapanatili natin ang dahilan kung bakit sila naginvest dito - ang mababang pasahod kumpara sa ibang bansa. Mataas man ang suweldo ngayon sa BPO industry, tiyak na mababa ang magiging annual salary growth dito in the long run para mapanatili ang ating competitive advantage. Dapat bang gawing anchor ng ekonomiya natin ang isang industry na mapapanatili lamang natin sa pamamagitan ng pagdepress sa income na matatanggap ng mga nagtatrabaho dito? Sa tingin ko, hindi dapat.

4 comments:

manilenya said...

magkaka anak pa ba ang mag-asawang nagtatrabaho sa call center na may magka-ibang sked sa trabaho?
ahh pwede na rin siguro yan ...tulong para sa papalaking populasyon ng pinas ... di ba mayroon daw bagong project si GMA sa over population? two birds in one stone yan .. ang ekonomiya ng gobyerno nya at ang policy nya para sa populasyon. Ayaw mo nun? maginhwa si GMA? :) habang walang tulugan ang mga tao sa call center lol!

Paeng said...

^ ibang klase ka talagang mag-isip. hahaha!!!

yan ang population policy ng admin. mag-call center kayong lahat para lahat puyat. lahat pagod. walang panahong gumawa ng bata. hehehe.

Anonymous said...

ok sa comment ah :-)

actually sir the very first company called me for work was accenture as bpo associate for their new account in pioneer but nidecline ko sila kc shifting though i know related sa accounting ang work instead i prefer working in the number one retail store in the country :-)

I remember all your lectures for now i'm doing variance analysis na hate kong gawin during college (esp.during our MAS...) and more on MAS ang work ko :-)

thanks for the knowledge u've shared sir for now i have the edge on my job :-)

--em--

Paeng said...

^ hehehe, sarap namang pakinggan niyan. salamat rin at may natutunan ka. :)