January 3, 2007

Magbasa

Kung meron mang balita na nakakapagpasaya sa akin, iyon ay ang makabasa ng balita tungkol sa mga libro. Kaninang umaga, napangiti ako nang mabasa ang balitang ito:

12M textbooks out of storage, set for distribution

Sana hindi magkabulilyaso ang project na ito dahil malaki talaga ang problema natin sa kakulangan ng textbooks. Malaking tulong ito sa improvement ng ating educational system. Sayang nga lang at isa itong loan sa World Bank at hindi grant, pero ok na rin. Eto yata ang foreign debt na wala akong objection, hehehe.

Maliban dito, nabalitaan ko pa na dadaong ang floating bookstore sa Pilipinas after a six-year absence. Di ako nakapunta dati at sana makapunta ako ngayon, tutal malapit naman ako sa port area.

Nalulungkot ako kapag nakikita kong isang lost art na ang pagbabasa ngayon. Puro text na lang at nood ng TV ang mga bata ngayon, and although it seems a sweeping generalization, naalala ko lang nung napupuno ng mga bata noon ang bookstore. Ngayon, maraming mga bata na pumupunta sa bookstores para bumili ng school supplies pero ni hindi man lang maisipang titigan ang mga libro. May mga bookstore nga na wala nang books, school supplies na lang (Hello, Expressions?).

At dahil sa gusto kong i-advocate ang pagbabasa, ang madalas ko nang ipangregalo ngayon ay libro. Sana ganun na rin ang gawin ng marami sa atin, para matulungan ang "moribund" na book industry, ma-promote ang pagbabasa lalo na sa mga bata, at ma-practice rin ang pamimigay ng mga regalong may relevance at hindi lang puro sentimental value. Hehehe. Salamat nga pala sa aking lalabs sa pagbibigay ng isang magandang libro nitong nakaraang Pasko. :)

5 comments:

jonell said...

nakakatuwa talaga...

i-lilink kita sa blog ko. :D


http://paurong.wordpress.com

Anonymous said...

kuya sa peyups ka pala. ^____^

Anonymous said...

tol, nakaligtaan mo yatang banggitin na kasama sa pinag-aatupag ng kabataan ngayon ang playstation, xbox, chat at friendster.

sayang talaga na kakaunti na lang ang nagbabasa ngayon. may nakausap nga akong Australian na nagbabasa lagn daw sya pag nakasakay sya sa tren o sa bus kasi yun lang ang panahon na pwede nyang aksayahin sa pagbabasa. nakapanghihinayang na iniisip nyang nag-aaksaya sya ng panahon pag sya ay nagbabasa.

Still Alive and Swiping

Paeng said...

Jonell, sige, lnk mo ako. hehehe

japboy, nasa peyups ka rin ba?

swipe, nakakalungkot nga ang ganyang reality. kaya tandaan, tuwing magreregalo, laghing libro ha. hehehe

Anonymous said...

ei, paeng,, lupet!! adik talaga magbasa.. tama po yan!! dapat lang na magbasa ng magbasa ang mga pilipino... i'ts a greatest achievement!! hehe,,

daan ka naman po sa blog ko...

www.tono07.blogspot.com

salamat!! Jesus loves you!!!