January 14, 2007

Certified PUBLIC Accountant

"Bakit di ka nagtatrabaho sa multinational?" tanong ng isang kaopisina ko.

Eto na naman tayo, naisip ko.

"E masaya ako dito," sabi ko sa kaopisina ko.

"Sayang naman pagiging CPA mo."

"Sayang?! Bakit, di niyo ba ako kailangan dito?"

"Hay naku. Sana ako na lang naging CPA. Ako gustong gusto ko ikaw sinasayang mo."

"Sige na, galit kasi ako sa pera," sarkastikong banat ko para matapos na ang usapan.
----------

Halos buong career ko bilang CPA, lagi na lang akong pinuputakte ng ganyang mga tanong. Maliban sa unang walong buwan ko sa pagtatrabaho kung saan ako ay pumasok sa SGV, lagi na lang may nagtatanong sa aking career choices. Tulad na lang nung pumasok ako sa pagtuturo.

"Bakit ka nagtuturo?"

"E dito ako kailangan."

"Sayang talino mo!"

"Anong gusto mo, yung mga bobo magtuturo sa college?"

Ganun din ang mga reaksyon nung napagdesisyunan ko namang pumasok sa isang nonprofit organization kung saan ako nagtatrabaho ngayon. Sayang na naman daw ako. Bakit pa raw ako nag-CPA kung hindi rin naman ako papasok sa malaki ang kita. Walang pera daw sa papasukan ko.

At yun nga siguro ang dahilan. Kasi dito sa atin, ang salitang CPA <-> mayaman.

Hinanap ko naman sa depinisyon ng CPA kung saan dun sinasabi na dapat marami kaming pera. Certified. Public. Accountant.

Wala naman.
----------

Pagkatapos kong pumasa ng board exam, bumisita ako sa aking high school. Nagkita kami ng aking mga dating teacher. Masaya sila naging CPA ako.

"Isang pirma lang yayaman ka na diyan."

For a profession that supposedly prides itself for being a bastion of integrity, ang mga CPA dito sa Pilipinas are looked up to for the wrong reasons. CPAs are likened to doctors...dahil magaling daw mandoktor ng mga financial statements. CPAs are likened to magicians...tell us a number and we'll make it appear. CPAs are likened to librarians...we keep a lot of books. CPAs are likened to mathematicians...magaling kaming mag-add (ng income para tumaas ang presyo ng stocks) at mag-subtract (ng income rin para mababa ang bayarang income tax).

Minsan tuloy naiisip ko, ang mga dahilan lang kung bakit ginagalang ang mga CPAs dito sa Pilipinas ay 1) dahil pumasa kami sa pagkahirap-hirap na board exam at 2) dahil relatively mataas ang average income level ng CPAs. Pero kung integrity ang usapan, ano ba ang tingin ng karamihan sa atin sa mga taga-COA, BIR at mga auditing firms?

Which is really unfair, considering na marami naman talaga sa propesyon namin ang "malinis." Yun nga lang, kasalanan rin yan ng maraming CPA dahil "in denial mode" sila na ganito ang aming reputasyon. Naalala ko tuloy nung interview portion sa finals ng isang national accounting competition, yan ang isinagot ng aking estudyante sa tanong na ano ang pinakamalaking challenge na hinaharap ng aming propesyon. Ayun, ibinagsak lang naman siya sa 3rd place ng mga judge dahil sa sagot na yun, from being the 1st place in the written exam portion.
----------

Kagabi, nagdownload ako ng renewal form para sa aking lisensya bilang CPA. Tatlong taon na palang expired ang aking lisensya. Hindi naman ako nagkulang sa requirements, nagtagal lang ako sa pag-iisip kung ano nga ba ang ibig sabihin ng lisensya na ito.

Certified Public Accountant.

Certified PUBLIC Accountant.

Public servants. That's what we are.

5 comments:

alphafemme said...

tumpak. ano iniisip nila, na bobo na lang ang magturo sa college? hay nako. i've had similar situations. i feel you. mabuhay ka!
:) the world needs more people like you.

rem said...

ganun talaga tsong. masanay ka na. dito sa pilipinas bibihira ang taong naniniwala na may taong nasa isang propesyun di lamang para kumita ng pera kundi dahil alam nila na may maitutulong sila sa kanilang propesyon.

manilenya said...

uy CPA ka pala
ako NPA lol!!

Dylan Gozum said...

Now there\'s a good thought. Shove that down their sad throats.

Keep it up!

Paeng said...

alphafemme: hirap talagang maging teacher ano? mas mahirap intindihin yung pinasok ko ngayon, nonprofit. hehehe

rem: mahirap mag comment sa blog mo. wala ka bang pic na ipopost dun from your Cebu adventure? hehehe

melai: oo, CPA ako. hindi halata ano? :p

dylan: ano ang definition ng sad throat? hehehe