January 1, 2007

2007

Nung isang taon, suplado ako sa pagsalubong ng bagong taon. Ngayong taon, medyo suplado pa rin, pero naramdaman ko ang reflective aspect ng new year. Siguro dahil 8 to 5 (9 to 6) na ang aking trabaho kaya mas na-appreciate ko ang downtime. Sa aking pag-iisip ngayong bakasyon, may mga naisip akong "panata":

a. Nitong December ay naging breadwinner na ako ng aking pamilya. Sa totoo lang, mabigat. At mukhang lumabas na nabibigatan ako sa aking mga ikinikilos nitong nakaraang buwan. Pero ngayon, I will take it in stride. I will treat it as just another challenge I need to face and I don't need to be glum about it.

b. Hahanap ako ng raket. Siguro balik uli sa part-time na turo.

c. Magbabasa, magbabasa at magbabasa. Puro opinion pieces lang kasi binabasa ko, kaya ngayon mga academic, conceptual at theoretical readings naman ang aking babanatan. Medyo mahina pa kasi ang aking framework sa pagtingin sa mga social issues kaya magandang magpalalim nang konti. Ang saya, ano?

d. Sa aking academic career, I will learn to "move on." Napagtanto ko na nagkaroon nga ako ng "favorite" batch of students na grumaduate na, and I wasn't able to get over it. It affected the way I viewed at succeeding batches. Kaya this year, I will get over it.

e. Mapapadalas ang aking pagde-date dahil uuwi na ang aking lalabs. Recover quality time. :)

f. Tuloy ang pagpunta naming Ilocos Norte sa holy week. Hehehe.

g. I will try my best to look beyond the hierarchies in society and try to put non-hierarchism into practice.

h. I will learn to be more diplomatic. Mahilig kasi akong mang-antagonize at mamikon pag nakikipagdebate.

i. I will join a political party. Seriously.

j. I will listen to more jazz. More classical. And more Pinoy folk. Tumatanda na yata ako.

k. Manonood na talaga ako ng Cinemalaya.

l. I will engage in physical activities. Nakakasawa na na puro lakad lang physical activity ko. :p

m. Kakain akong paksiw na isda. (Lord, ito yata pinakamahirap na panata)

n. Kakain akong menudo. (Basta may patis)

o. Magko-comment na ako sa ibang blog.

p. Di na ako tatambay sa mga message boards. Pointless speaking with people behind user names.

q. Mag-aaral uli akong maggitara. Pero wala pala akong gitara sa bahay, putik.

r. Mag-aaral ako ng isang bagong language.

s. Mag-aaral uli ako ng algebra, trigonometry, calculus at statistics.

t. Magpapraktis na talaga akong magdrums. Tuwing Sabado.

u. Tatapusin ko na yung yearbook na napakatagal ko nang utang. Dapat tapos na bago mag-Pebrero.

v. Magreregalo na ako sa inaanak ko. Wala pa akong binibigay mula't mula pa, Grade 5 na siya ngayon.

w. Makakaipon akong P100,000. Hahaha!!!

x. Maniningil na ako ng utang. (Lagot kayo!)

y. Di na ako magiging suplado. :p

z. Mas dadalasan ko na ang pagtambay dito. Para masaya.

3 comments:

Anonymous said...

happy new year paeng!!! agree ako sa physical activities mo. isama mo ako ha =)

Anonymous said...

hmmmm... baka ibang physical activity yan ria ha! :)

manilenya said...

wahehehehehe bagong buhay to the max ka pala at yung pagcomment sa blog ...dapat lang para di ka na magreklamo kung bakit walang nagcocomment sa blog mo ..... sabi nga diba kamutin mo likod ko at kakamutin ko likod mo ... pero baka naman kahit na anong blog patulan mo ng pagkomentuhan lol!!!marami kasing blogger masaktan na masasaktan hindi magcocomment at hindi ka ililink kung di ka magcocomment at di mo sila ililink .... yung iba pa naransan ko na to na ipamata sa mukha ko na buong puso silang nagcocomment sa blog ko as in pati atay at balunbalunan nila binigay na daw sa pagkokomento pagkatapos e ni a e i o u di daw ako nagcocomment sa blog nya .... sensya na nag-init ako bigla lol!!! pano naman kasi ingles blag nya wala akaong maintindihan kunde puro uber at saka panlalait yata sa ibang blogger ang ginawa.
teka happy new year pala lol
saka yung mga book na di mo na binabasa pwede mo na ibato dito lol!