December 4, 2006

Trahedya

Nitong nakaraang linggo ay sinalanta ng isang superbagyo ang Bicol. Matindi ang pinsalang dulot ng bagyo. Mahigit isang milyong tao ang apektado kung saan mahigit isang libo ang tinatayang namatay. Humigit kumulang P300 million ang pinsala sa mga ari-arian.

Sabi nila, tragedy brings out the best among us Filipinos. Masaklap mang isipin na kinakailangan pang may masamang mangyari para tayo ay kumilos, lumalabas talaga ang ating pagkakaisa at pagbabayanihan sa pagdamay sa mga biktima ng mga trahedya. Ilang beses ko na itong nasaksihan. Sa flash flood sa Infanta. Sa landslide sa Guinsaugon. Sa oil spill sa Guimaras. Ngayon pa nga lang ay marami nang kumikilos para tugunan ang trahedya sa Bicol, tulad ng Red Cross, mga NGOs, mga volunteer organizations, mga foundations at maging mga media outlets.

Sadly, tragedy also brings out the worst among us. Nandiyan na ang mga nagfoforward ng mga tasteless jokes tungkol sa nakaraang bagyo. Ang mga humihiling na sana magkabagyo uli para walang pasok. Ang mga nagsasabing "Salamat naman at sa Bicol lang tumama." At higit sa lahat, ang mga walang pakialam.

Tulad na lang ng ating mga kinatawan sa Mababang Kapulungan. Kasalukuyan silang nagma-marathon session sa Batasan. Kung tayo ay nasa isang perpektong mundo, nagma-marathon session sana sila para pag-usapan ang mga emergency legislative measures para kaagad na matugunan ang pangangailangan ng mga nasalanta ni Reming. Ngunit hindi perpekto ang ating mundo. Kaya sila nagma-marathon session ngayon ay upang maitulak ang constituent assembly, maipasa ang charter change, mapostpone ang eleksyon sa susunod na taon, mapalitan ng unicameral parliamentary form ang ating gobyerno at mapatagal ang kanilang kapit sa puwesto.

"We will not listen to them," sabi nga ni Representative Jaraula nang tanungin tungkol sa hiling na ipostpone muna ang usapang charter change sa gitna ng trahedya. "We will not be stymied."

Sa kabila ng kasaklapan ng trahedya sa Bicol, mas malaking trahedya pa yata para sa ating mga Pilipino na tayo ay kinakatawan ng mga taong walang pakialam sa atin, at sa halip ay paghawak sa kapangyarihan at pagtatanggol sa sariling interes lamang ang iniisip. Kungsabagay, hindi naman trahedya ang nangyayari ngayon sa Kongreso kundi isang krimen. Ang totoong trahedya ay lantarang nagpapakasasa ang mga kriminal sa harap natin, tapos wala naman tayong ginagawa.

2 comments:

Jerome aka Bridget Jones said...

naku, pare koi. alam mo bang magkaiba tayo ng political views? i rarely talk about it kasi alam kong wala syang patutunguhan dahil walang konsepto ng middle ground ang ibang tao. i always believe that there is a solution to everything. ang ine-entertain lang kasi ng iba ay ang PARA SA KANILA AY BEST SOLUTION. kaya i don't waste time. i just act and do things for the betterment of my country-- as every Filipino should, di ba?

o, inuman na!

Anonymous said...

idagdag mo diyan yung mga taga-policarpio st. sa mandaluyong.
-dave