December 12, 2006

Awit ng Mortal

Nitong mga nakaraang araw, napapadalas ang aking paglalakad. Di lang basta lakad kundi malayong lakad. Medyo may malaking pagbabago kasi sa aking buhay, kaya nagtitipid. Nag-iisip. At sa pag-iisip, pumasok sa aking utak ang question na "Why am I here?"

Hehehe. Parang ang lalim naman. Pero normal na sigurong maisip yun lalo na sa 30 minutes na mag-isang paglalakad. Dahil walang kausap, kinakausap ko na lang ang sarili ko. Sa bilyon bilyong nabubuhay at nabuhay at mabubuhay pa sa mundo, sa pagiging isang insignificant speck ko sa kasaysayan...what's the point?

cue soundtrack

Awit ng Mortal
sinulat ni Joey Ayala

Ano ang sukat ng halaga ng isang buhay?
Kayamanan ba, o di kaya ang pangalan
Ano ang titimbang sa husto o kulang
ng katuparan ng adhikain at paninindigan

May gantimpala bang dapat pang asahan
upang kumilos ng tama't makatwiran?

Saglit lamang ang ating buhay
Tilamsik sa dakilang apoy
Ang bukas na nais mong makita
ngayunpama'y simulan mo na

Ang bawat tibok ng iyong puso
minsan lamang madarama
Ito ang kumpas ng ating awit
na sadyang may hangganan

Kat'wan at isipa'y kukupas
Sa lupa'y yayakap din
Subalit ang bunga ng iyong pamana'y
higit pa sa pinagmulan

Saglit lamang ang ating buhay
Tilamsik sa dakilang apoy
Ang bukas na nais mong makita
ngayunpama'y simulan mo na

2 comments:

manilenya said...

ouch! kinagat ako ng langgam!

Sabokahan said...

hinanap ko sa net yung paborito kong kanta.. awit ng mortal... and i found it here.. maraming salamat sa pag post nito ha.. masasagot mo rin di kalaunan ang iyong mga katanungan tungkol sa buhay.. ikaw at ikaw lang ang tanging makakasagot nyan...