February 26, 2005

Malapit na...

Kanina ay naganap ang 4th Marketing Plan Competition. Tatlong sections ang hawak ko. Labing-anim na grupo. Ang total na naglaban ay 60 groups yata. Kabado ako, parang "stage mother", panik-manaog, maya't maya nangangamusta.

Sa walong pumasok sa finals, pito sa kanila ay mga grupong nasa klase ko. Ang sayang makita ang mukha ng mga bata!!! Masaya rin ako kasi maipagmamalaki ko na ang mga sinubmit nilang mga marketing plan ay talagang sarili nilang sagot. Nagmatigas ako na hindi magbigay ng sagot kasi alam kong mas masaya pag may "ownership" sa pinaghirapan. At ngayo'y inaasahan ko na mas naintindihan na ng mga estudyante ko ang ibig sabihin nito.

Heniweyz, ilang mga "dedication" muna:

- Sa nagchampion na Moriones Festival group, congratulations!!! Sana maging inspiration ito sa inyo na magpatuloy sa pagiging "mababait na mga bata." Hahaha!!! Yellow Cab naman diyan!!!

- Sa second place na Bangus Festival group, sabi ko naman sa inyo...basta alam niyo na yun. :) Wag na kayong mag-aaway sa susunod, ha? O baka kailangan nga kayong mag-away para lumabas ang galing niyo? :)

- Sa third place na Caleruega, salamat at natuto kayong umangat sa "criticisms". Talagang natuwa ako na imbis na mawalan ng loob nang ibalik ko ang inyong first draft , sa halip ay kumilos kayo para mapaganda ito. Nang matanggap ko ang second draft, sabi ko naman sa inyo hindi ako nagsisinungaling nung pinuri ko na ito.

- Sa lahat ng mga umabot ng finals, lahat kayo ay karapat-dapat. Wag kayong magsisisi kung di kayo nakapasok sa Top 3. Ganyan talaga ang contest. Sana gamitin niyo ang karanasang ito bilang inspirasyon na kaya niyong lumaban para sa "top spot". Meron uli tayo next sem na competition. Sana ma-excite kayo!!!

- Sa lahat ng ibang mga grupo, wag kayong malungkot kung di kayo nakaabot sa Top 8. Wala kayong dapat ikahiya, alam niyo naman kung ano talaga ang "value" ng pinaghirapan ninyo. Ang pakiusap ko ay buksan ninyo ang isipan ninyo at imbis na magtanim ng sama ng loob o manghinayang, gamitin niyo ang karanasan na ito para matuto. Ang lahat ng karanasan ay may kapupulutang "positive" at sana ay makita ninyo ito sa mga nangyari ngayong araw na ito.

- Ang huli kong dedikasyon ay para sa AC01403. Nais ko sanang humingi ng tawad. Nuong pinilit ko kayo nung umpisa ng semester na lumipat ng section, pinangako ko na di ko kayo pababayaan at sisiguruhin ko na di ninyo pagsisisihan ang paglipat ko sa inyo ng section. Hanggang ngayo'y nababagabag ako dahil alam kong di ko natupad ang pangakong ito at ako ay nagkamali. Sinubukan kong itama ito, pero medyo huli na nung kumilos ako. Sana mapatawad niyo ako kahit na sa totoo lang, di ko mapatawad ang aking sarili.

Bilang pangwakas, marami rin akong natutunan sa karanasan ko sa pagtuturo ng Marketing ngayong sem. Muli akong namulat na marami pa rin akong kailangang matutunan at ang larangan ng pagtuturo ay isa ring walang katapusang pag-aaral. Na-confirm din ang aking paniwala na dapat nga'y nagtutulungan ang iba't ibang grupo sa klase, kahit na alam nilang magkakaharap-harap sila laban sa isa't isa. Malayo ang marrating basta't sama-sama.

Higit sa lahat, natutunan ko rin kung paanong magtiwala. Noong mga nakaraang sem kasi, bilib na ako sa aking mga estudyante, pero patuloy ko pa rin silang inaakay sa paglakad sa daan. Ngayong sem, naglakas-loob akong hayaan silang hanapin ang sarili nilang daan. Nandito na lang ako upang magbigay lang ako ng ideya kung paano ito hahanapin. At sa aking kagalakan, sila'y pumasa sa pagsubok. May igaganda pa, pero siyempre, di naman ito nakukuha agad nang tama. :)

Malapit nang matapos ang aking trabaho...

8 comments:

michelle cruz said...

naiyak nman ako...
mraming slamat sir una yun s lhat...

kundi dhil syo it would't be all possible...ktang kta ko nga n wlang pagsidlan ng tuwa ang mukha mo nung pito s walong finalists e mga anak mo...u were such a proud mom then!

it only goes to show sir na ikw ang perfect mentor, hndi k nagkulang sa pagturo, pag guide, pagtitiwala, at s pagtatama...

gusto kong sbihn na mraming slamat for putting that much trust in us na we could do it...you really brought out the best in me, in us...you never closed your eyes on possibilities, hndi k ntakot mngarap, & with exuding that___you made us dream that we could do it...

hndi man kme ang nagwagi e msayang msaya nman ako...hndi nman iba sken ung mga nanalo, mga kaibigan ko nman cla...pnalo nla e pnalo ko rin...

at alm ko nmang ibngay ko lhat ng kaya ko, nramdaman ko nman un s palakpakan ng tao nung bumaba kme ng stage, complete elation!

at khit hndi kme nanalo mdme nmang naniwla n mgaling kme...team to beat nga daw e...bka npgod lng ung judge nung kme n, kse db huli kme? (hehe sore loser!)

pro pagktpos ng lhat, naaalala ko ung sinagot mo ng tnanong kta kung anong mangyayari after ng mktg at hndi kme mnalo..."sbe mo e d natuto kyo!" onga nman!

words could not express how much i've learned, hndi lng s mktg, it was group cooperation, leadership, dreaming, believing, at pumasok ng hndi pa nliligo!

mraming slamat sir! hndi k sna magsawa...& word to wise, it's time to take a breather!

Anonymous said...

eversince talaga, idol ko tong prof nato! nakkainspire ka tlaga sir.. sana mging tulad ko din kayo pagdating ng panahon!! u'r such an ideal person tlaga.

thank you tlaga sir.. ang laki ng part nyo sa pagiging 2nd place namin.. ang galing nyo tlaga.. with matching genius pa na si jayjay, nagawa nmin!!

nwei po, yung away2 issue.. ei wla po un, its part of our routine actually..hehe.. kung baga not big deal..

basta Godbless nalang po sa lahat ng gagawin nyo sir..

isang pagbati din pala sa mga groups na nakajoin sa competition! lahat tyo panalo!

thank you po uli!

Anonymous said...

sir, it was such a great feeling to have won the competition... honestly, we never expected that... we even settled to the idea of fair grade in the preliminary presentation...

day before the competition, we were scared because of your stated expectation to see us in finals. but with that, we aimede to be at our best for you to be proud of us. personally, aside from the persons who have helped us... i offer you the honor!!!

thank you sir for believing that we can do it...

just as i believed and will always believe, you're the best!!!

Anonymous said...

masarap manalo pero kapag pala ang pakiramdam mo eh ganito medyo nakakabagabag din kasi bago kami lumaban may nadinig akong napaka "competitive namin" pero ipinakita naman namin kila demster yung power point presentation namin kaya medyo nawala ang sama ng loob ko, sa totoo lang sa dalawang defense na yon halos 90% na ang probability na hindi kami para sakin, talagang mahal lang kami ng ni Boss, sir salamat nanaman mabuti nandyan kayo, naging maayos ang lahat... A3

umalohokan said...

sir we are thankfull for the experience of you teaching us. kahit magulo misan we manage to get through. ngayun ko lang napansin na isa rin pala kung idealist..

just we wish you'd stay a little longer on FEU a lot more students should experience your guidance.

or make clone of your self so you can serve more people.
your thoughts
your ideas
your care
your love for the students
and your fat belly
are trully inspiring

melren said...

Sir you're one of my favorite mentor...

You inspire us in doing that project... Sobrang madami akong natutunan sa marketing plan na yun...

Dahil din sa marketing plan na yun mas tumibay ang samahan naming magkakaibigan at natapos na ang mga gaps sa aming lahat... nagbunga ang mga di pag-uunawaan, ang mga pag-aaway away... medyo naging irresponsable nga lang ako nung bandantg huli ng sobrang maasar ako at iniwan sila at umuwi ng cavite...

Sir, dahil sa inyo nakumpleto ko na ang aking koleksyon ng medal he he he... unang award na natanggap ko ngayong college... kaya sobrang nitreasure ko yun...

Thanks a Lot sir!!!!

You're the best!!!!

Evan said...

tama kau sir ang srap isiping sariling amin nga ang mrketing plan at ng kaya pl namin un...

Wala nkong ssbhing iba p,kc nsbi ko nmn n s inyo ng personal...

Anonymous said...

sir, you truly are one of a kind! we are so blessed that we are given a professor like you. from mas1 to marketing plan you are there. kung baga, sinubaybayan nyo na po ang paglaki namin. you helped us to grow into a better person by believing in us. we learned so much from you. YOU ARE SO MUCH APPRECIATED by your students...by all of us. i hope you will inspire more students and those students inspired by you will pass on yourlegacy.