February 18, 2005

Sa pagsisimula ng ikadalawampu't pitong taon...

Ngayon ang aking ikadalawampu't anim na kaarawan. Ibig sabihin, simula na ng aking ikadalawampu't pitong taon sa balat ng lupa.

Siyempre, ang dalawampu't anim na taon ay parang immaterial kung ikukumpara mo sa bilyong taong tanda ng ating daigidig. Pero hindi naman sa ikli o haba ng panahon nasusukat kung nagkaroon ng impact ang isang tao. Ito ay nasa kanyang ginagawa. Dito natin makikita kung ang buhay niya ay nagkaroon ng saysay, ng relevance.

Minsan, pinangarap ko na magkaroon ng kabuluhan. Kahit na alam kong isa lang ako sa bilyon-bilyong nakatira sa ating mundo, pinangarap ko rin na maging isang tao na hindi lang nanatili't nakuntento sa pagiging mumunting tuldok.

Sana, kahit papaano, nagkaroon naman ako ng kabuluhan sa mundo sa nakaraang dalawampu't anim na taon na nabuhay ako dito. At kung hindi man, sana magkaroon ako ng marami pang pagkakataong maging makabuluhan sa mga taong darating pa.

Ito ang aking "birthday wish".

2 comments:

inah said...

sir s tngin k ay nging makabuluhan ang buhay niyo. alam niyo bng nging inspirasyon kayo ng maraming estudyante... pra smin malaking 2long ang mga nbibigay niyo at mga payo niyo smin. un lng po... happy birthday po!!!

Anonymous said...

madali lang magkaroon ng kabuluhan ang buhay sir, maging kaligayahan ka lang sa ibang tao kahit sa munting paraan, lagi nating tatandaan na lahat tayo ay mawawala pero mananatili ang pagmamahal na ipinakita natin dito sa mundo kahit bilyong taon na tayong patay, may you have more birthdays to come! arthur alejandro