October 2, 2004

Huwad na Pagbubukas-Palad...

May bagong project ang Far Eastern University. Kasama sa kanilang pagtataguyod ng isang bagong school sa Silang,Cavite, ngayon nama'y maga-adopt na ng mga communities sa Silang ang FEU. Magbibigay tulong (pinansyal siguro?) sa mga residente. Ang galing, di ba?

What a noble intent...

At least that's what they would like us to think...

Nakakatawa kasi ang FEU ang isa sa pinaka-profitable na unibersidad sa Pilipinas. Maraming pera na hawak ang mga may-ari nito. Nung una kong narinig ang "adopt a community" project, natuwa ako. Sa wakas magkakaroon ng kahit konting "redistribution of wealth". Pero akalain mo ba naman...

...na ang perang gagamitin para sa project ay sisingilin nila sa mga estudyante sa pamamagitan ng pagdagdag ng P25 sa tuition ng bawat estudyante?

Ang galing. Jinustify pa na kaya daw sisingilin sa mga estudyante para daw matuto ang mga estudyante na gumawa ng charity work. Nyek!!! Charity work na pilitan? Charity work na malamang hindi mo alam na nagbigay ka na pala ng pera? Charity work na hindi mo naman alam kung sino ang tinutulungan mo?

Ang dami-daming pera ng FEU. Kung charity ang talagang gusto nilang gawin, bakit hindi nila kunin sa kinikita nila ang ipopondo sa project? Hindi ba yun ang totoong pagbubukas palad?

At sino bang makikinabang dito?

Ewan ko lang. Pero kasama ang outreach at community services sa accreditation ng mga schools. At pag tumaas ang accreditation rating ng isang school, mas naa-attract nito ang mga estudyante na galing sa mga exclusive schools.

At pwede ka nang magtaas ng tuition kasi hindi na middle-class ang population.

Pag nandito na sa school yung bagong "target market" ng FEU, aalis na ako.

2 comments:

yosibreak said...

a school as an institution is first and foremost a business enterprise...saklap ne? napadaan lang po. :)

inah said...

dat's true n isa ang FEU sa pinaka-profitable na unibersidad sa Pilipinas. sobra nman cla mahal n nga tuition nmin eh. tama kung gusto nila ng charity dpat manggaling s knila un hindi sa amin mga students....ay sobra talaga cla!