October 19, 2004

High Grade (Chicken!)

Noong high school ako, nalulula ako sa grades na nakukuha ko. Naka-96 ako nuon sa Chemistry. 97 naman sa Physics. 97 sa 3rd year Math at 96 sa 4th year Math. Kapag nakakakuha ako ng 92, ang sama na ng loob ko. Para bang ang bobo ko na kapag nakakakuha ako ng ganung grade.

Ang yabang, 'no? Pero ganun talaga nuon. Maniwala kayo sa hindi, may schoolmate pa ako na mas mataas ang grade sa akin. Yung schoolmate kong yun, average grade niya ang 97. Hinayupak, mutant yata yun!!!

Disaster naman ang nangyari pagpasok ko ng kolehiyo. Punong puno pa ako ng angas nuon dahil ang "galing" ko noong high school. Pero ano ang resulta ng aking unang sem? Wala lang. 2.0 lang naman ang highest ko at 2.50 ang lowest. Ni isang ruler grade na may numerong 1, wala akong nakita. Grabe, napakalaking disaster!!!

Pero disaster nga ba ang nangyari sa akin?

Ano nga ba ang kabuluhan ng grade? Isa lang naman itong numero, di ba?

Pagkatapos nung "disaster" kong unang semester sa kolehiyo, nag-iba na ang pananaw ko sa grades. Parang bumaba na ang value nito para sa akin. Defense mechanism ko lang ba ito na pilit na nag-justify sa aking "disaster"? Sa tingin ko, hindi. Kasi, sa panahon na ito na ang baba ng grades ko, mas marami akong natutunan kaysa nung mga panahon na nagliliparan ang grades ko sa sobrang taas. Duon ko lubos na naunawaan na ang objective ng pag-aaral ay ang MATUTO, hindi ang makakuha ng mataas na grades. Aanhin mo ang mataas na grade kung wala ka namang natutunan? At masakit ba talaga ang makakuha ng mababang grade kung sobrang dami naman ng natutunan mo?

Ang realization na iyun ang nag-drive sa aking "thirst for knowledge". Nabuksan ang aking mata, at parang "nagliwanag" ang aking mundo. Ang dami palang hindi ko alam, at ang sarap palang matuto. Masarap palang pumasok sa eskuwelahan at pumulot ng sangkatutak na mga konsepto at mga aral, sa loob man o sa labas na klase. Pinalad rin ako na tumaas ang aking mga grades magmula sa puntong iyon, pero "bonus" na lang iyun dahil isa lang naman itong "by-product". Ang mahalaga ay ang kaalamang pumasok sa utak ko, hindi ang numerong binilugan sa aking classcard.

Kalagitnaan na ng Oktubre at panahon na naman ng pagbibigay ko ng grade sa aking mga estudyante. Sa totoo lang, na-"culture shock" ako nung dumating ako sa FEU dahil sa sobrang grade conscious ng mga estudyante. Nandun yung may magpapa-alala sa akin na scholar daw sila kaya dapat mataas ang ibigay kong grade. Nandun yung may mabigyan na ako ng 1.5 (isang inaasam-asam na grade namin nuong college) tapos nasisimangutan pa ako. Nandun yung umpisa pa lang ng semestre, wala pa ngang nasisimulang lesson, sinasabi na agad kung ano ang gustong grade. Nandun yung may magmakaawa sa akin na gawing one grade higher kumpara dun sa na-compute ko.

Kahit papaano ay naintindihan ko naman sila kasi ang scholarship sa FEU, nakatali sa grades. Ang laki rin kasing katipiran ang maging scholar, lalo na't mataas na ang tuition ngayon.

Nakakalungkot lang kasi parang wala nang "pride" pagdating sa grades. Para bang ang grade na 1.0 ngayon, pinamimigay na lang. Ang High Grade na 1.0, "Chicken!" na lang. Pinapagalitan nga ako dito sa bahay pag nakikita na nagbibigay ako ng 1.0. "Bakit? Kasingtalino na ba nila yung mga nagpapraktis ng trabaho at magbibigay ka ng 1.0?" Kungsabagay, nung panahon ko sa kolehiyo, sa sobrang hirap na makakuha ng 1.0, nagiging tunay na memorable at special yung moment na may 1.0 akong nakikita sa classcard. Parang yung feasibility study namin. SOBRANG SOBRANG SOBRANG EFFORT ang binigay ng grupo namin duon kaya napakatamis ng 1.0. Hanggang ngayon, nakabaon sa utak ko ang mga natutunan ko sa karanasan na yun. Yun ang tunay na 1.0!!!

Ano kaya yung pakiramdam ng ipagkakalat mo na "1.0 ang grade ko!!!" gayung alam mo naman na 1.25 lang talaga yun nung original na computation? Magiging proud ka pa rin kaya sa grade mo?

Ano kaya yung pakiramdam ng humihiling ka na taasan ang grade gayung alam mo namang yung taong nakakuha talaga nung mataas na grade na hinihingi mo ay talaga namang mas magaling ang naibigay na effort sa iyo?

Ano kaya yung pakiramdam nung nakakuha ka ng mataas na grade pero ang ginawa mo ay sumakay ka sa katripan ng sira-ulong professor at pumayag ka na gaguhin ka sa harap ng klase?


Ano kaya yung pakiramdam na meron kang grade na 1.0 pero wala ka naman halos natutunan? (Kaya bumabagsak sa board exam kahit na cum laude kasi magaling lang magpataas ng grade, hindi naman natututo... )

Ano kaya yung pakiramdam nung nakakuha ka ng mas mataas na grade sa kaklase mo na alam mong matapat, samantalang ikaw, harap-harapan kang nangongopya sa klase?

Bakit kaya may naga-absent sa isang klaseng ganadong magturo ang teacher dahil lamang sa magkukulay ka ng notebook para tumaas ang grade sa isang walang kakwenta-kwentang teacher?

Bakit kaya may nabubwisit sa mga teacher na hinahamon ang mga iskolar na patunayang karapat-dapat silang maging iskolar? Di ba challenge yun?

Bakit kaya ang mga estudyante, nagpapasalamat sa teacher dahil sa grades, hindi dahil sa natutunan? (Kasi yung thank you, dumarating lang kapag pinakita na yung grades. At kapag medyo "mababa" yung grade, wala na ring thank you.)

Bakit kaya laging kasalanan ng teacher o ng groupmate o ng kungsinopamanmalibansasarili ang mababang grade?

Aanhin mo kaya yung aral ka ng aral para tumaas yung grade, tapos nakakalimutan mo na na napakarami pang matutunan sa mundo sa labas ng klasrum at ng mga libro na tinututukan mo?

Bakit kaya naiirita na ako sa lahat ng tanong at pakiusap pagdating sa grades? Malapit na talaga akong mapuno!!!

Siguro may maaasar sa akin dahil sa mga sinulat ko dito, pero ang masasabi ko lang ay ito. Darating ang araw, ang grade na iyan, makakalimutan. Pero ang prinsipyo at karunungan na nakuha natin sa ating pag-aaral, habambuhay na natin iyang dadalhin. At iyan ang magtatadhana sa alaalang iiwan natin sa mundong minsan ay ating dinaanan...

18 comments:

bulakenya said...

sir, c me2 rin 2.may blog n me.kaso wla p lman.

musta po?

sir di nmn po lahat ng scholar ganun.sarap po yun grade n pinaghirapan m at may natutunan k.actually yun wla ako nkuha grade n 1.ang pinakamataas grade n nkuha ko ay 1.25 sa internal audit p (kay sir valdez yun).o di b?

Anonymous said...

sir tama po kau dyan sa mga cnabi nyo. d mo naman talaga maipagmamalaki ang mataas na grade kung hindi mo talaga pinaghirapan. walang SELF-FULFULLMENT kung alam mo naman sa sarili mo na mataas ang grade mo dahil nakiusap ka lang sa prof or dahil may incentive for perfect attendance. ewan ko ba bakit ang ibang mga estudyante dyan hindi matuto. they prefer a prof that gives a high grade pero wala ka naman matututunan. they resent professors that are really good just because of difficulty in getting a high grade from those professors. sana po kapag nabasa nila itong article nyo mamulat sila imbes na magalit dahil totoo naman ang mga sinabi nyo dito.

Anonymous said...

aray, medyo tinamaan yata ako doon... pero tama naman talaga si sir paeng. May mga panahon kasi na isa rin ako sa nakikikanchaw ng "sir 1 grade higher naman diyan!", pero in fairness, kahit na nakikisawsaw ako sa mga kahayukang ito, kuntento na naman ako sa kung anong grado ang nakuha ko at alam ko sa sarili ko na may natutunan ako. Naalala ko tuloy yung prof namin sa soc anthro, mala sir paeng din ang pananaw nun sa buhay, yun ngalang sobrang higpit nun. Hindi ka talaga makakalingon sa katabi mo at dapat prepared ang munti mong utak sa pang araw araw na recitation... puro reaction paper, essay... lahat lahat na naranasan naming gawin dun. Dedicated din kasi siya na maintindihan ng estudyante kung ano ang tunay na silbi ng pagpasok sa eskwela, hindi para makakuha ng mataas na marka kundi para matutunan mo ang maraming bagay na pwedeng makatulong sa iyong pagkatao... at masaya ako dahil naka 1.00 ako sa kanya (effort to the max ito)... ngayon ko lang napagtanto na mas mas masarap nga ang feeling nung mga 1.00 ko sa mga pinaghirapang subjects kesa dun sa mga 1.00 ko na chicken lang ang pagkakakuha. Pero minsan sir, hindi talga maiwasang kulitin ng estudyante ang kanilang prof... tawag lang talaga ng pangangailangan... pang hatak ng average para pumasok sa scholarship plan ng feu o kaya para pumasa at huwag ng ulitin ang subject na iyon.. dahil ang mahal na talaga ng tuition. haaaay... ang galing mo talaga sir paeng... bow ako sa mga insights niyo sa buhaybuhay... Ü smyla (malamang di niyo nako naaalala pero friendsters tayo, ahehehe)

Anonymous said...

array!! tagus-tagusan yun ah.. tama kyo sir!

salamat! ang dami ko ngaung n-realize! ewan ko b.. pero evrytym n bbsitahin ko i2ng blog nio. ang dami dami kong nrerealize n bagay-bagay.. mdalas tntamaan ako..wehehe..

khit ako diskumpyansa (tma b?) s sarili ko kung mkkpasa me s board exm.. matataas nga grades ko (png-cum laude p ata)pero feeling ko ala p rin me alam lalo n s FA. pero s ibng subjects ok nman. FA lng tlga...haay...

buti n lng anonymous..wehehehe...tnx a lot

Kristoffer J. Rivera said...

Hello Sir! Hay... Sakit naman non. Actually, tinamaan din ako dun kahit pano.
Tnry ko lang basahin, tapos akala ko 10 years pa bago ko matapos basahin, pero eventually, tinatamaan na ko.
Galing mo Sir! Bayaan mo magbabago na ko.

Yung ibang bagay na sinabi ni Sir, actually halos lahat, ay side effect ng -hindi alam ang gusto bago mag- college-! Kaya nahihirapan. Diba Sir? Hehehe lam mo yan Sir kasi nung ininterview mo ko... gulo ng utak ko diba?

leah_ragandap said...

hi!sir,yeh!u'r right!,actually naguilty ako dun...pero di nman cya naka2bwiset/naka2asar...kc reality really bites...and 22o nga un...well,sir thanks for dat critique...kc as i've read dat long and akala ko d mata2pos na statement i've learned smething...for d last semester, may magba2go ren sken...more important is wat i've learned...

sir!sori tlaga...nung intervw ko, tlaga ninerbiyos me..kya un d composed..kahiya nga eh!pero thanks sa grade i did nman tlga my best...promise i'll do good on actual intervw...marameh pong salamat!

noy101 said...

Magrerecommend lang po... pareho tayo ng topic... http://noy101.blogspot.com/2004/10/grades-tiisin-o-alisin.html ... chaka sana mabasa niyo yung iba kong sinulat... thanks... galing nung gawa niyo...

Anonymous said...

sa lahat ng mga tinamaan, naguilty, nagalit sa post na ito. isa lang ang hiling ko... sana pagkatapos ng second sem at mabisita ulet kayo at mabasa ang artikel na ito, hindi na kayo maguilty, tamaan or magalit :)

-ria-

glaiza said...

hi sir!! wakekeke... aus to sir ah!! ito rin ang tumatakbo s brain q.. hehehe.. astig sir, actually inde me tinamaan dhil inde aq ganun!! belat nga s iba jan.. at least narealize nio n rn.. hehehe.. mga gahaman s grade!! hehehe.. fish tau!! bka huntingin aq.. neweiz, mejo kelangan dn kc ng mataas n grade.. lyk now n ojt n nmn, grabeee.. d pde me failed subjct.. wawa nmn aq..pro oks lng.. pde q nmn i-prove n ms mdaling me s iba jan.. wakekeke..

sir astig tlga kau!!

Anonymous said...

;(

em's home said...

Hi Sir!!!!
Your right!!!
Agree ako sa lahat na sinulat nyo!!! Nung high school ako grabe akong makipagkumpetensya sa mga classmates ko kasi grade consious ako that time pero ngayong college naisip ko bakit kelangan ko ng mataas na grades eh hindi lang naman yun ang guage para makakuha ka ng work nasasa tao rin talaga yun... kahit na mababa ang grades as long as proud akong pinaghirapan ko yun ok lang sa'kin basta hindi bagsak... hindi rin ako yung tipo ng tao na makikipagusap sa prof at ipipilit na itaas ang grade basta maging scholar lang... kung anu yung grade na nakuha koyun na yun, di na ako nagrereklamo kasi alam ko sa sarili kong yun lang ang kaya ko...
Saludo ako sa'nyo sir, maraming natamaan nyan i'm sure... visit my home...

Anonymous said...

... ... ... ... ... ...

hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha

teka teka! nabilaukan ako! pero unti unti nang naninigas katawan ko... unti unti na akong nababalutan ng plastic...

at sir, alam niyong di yan tungkol sa post niyo mismo...

Anonymous said...

sir alam nyo sa klase namin my nagrereklamong mababa ang grade nila sa literature... tama ba namang magreklamo sila kay ma'am eh di naman sila pumapasok at kung pumasok man ay wala ng ginawa kundi labas ng labas... wala na nga silang galang sa prof... as in sobra!!! wala silang right magreklamo... siguro kung responsable silang estudyante pwede pa ay ang kapal... natamaan sila for sure sa nipost nyo...

--concerned student---

Anonymous said...

di naman natin masisisi un ibang students kung grade conscious cla... lalo n kung naprepresurre ng parents... un tipong scholar ka na at lahat di prin kontento.. umuulan na ng uno ang grade slip mo parang la lang s knila.. partial scholar kana gusto pa full.. full scholar kana gusto pa nila topnotcher k ng institute nyo!!!

kaya ang anak nagkakasakit na at lahat aral pa rin ng aral, hanggang makuha ang inaasam na uno...

i must admit grade conscious akopero nun high school un... so naiintindihan ko y my student na grade conscious...

EVAN

Ðemster said...

ping... argh (headshot)

it goes tru to you ... amen to that sir we just hope you dont get to fed up sir. we dont want you having nervous breakdown or anything.. ..

seldom we see people like you..
hip hip huraaa!!! ;o

Anonymous said...

6 n araw n cmula bukas ng iwnan ako ng isang taong s tingin ko pnkita ko n lhat ng pgmmhal yung pr skin ay ibingy ko nrin, ewan ko kung anong nging kulang sb ng isang prof mbbw dw ang dhilan ko pero ang ngyari ay pgpili ng buhay o kmtayn tlgng iba mgbiro ang tadhana, cmula nung mag new year sb ko s srili ko ndi n ako mnniningarilyo at mgppklasing plg at kahit kpg my okasyon ndi n mgllcng pero last seniors nyt nag iba muli ang pgktao ko, ewan ko b kung psychological lng pro s tingin ko kpg ngccgrilyo ako nkkpg icp ako ng tama at nppkismhan ko p ang mga kaibgn ko, s taong minahal ko ng sobra ndi nmn s naghhnp mula s u sn inicp mo kung bkit ko gnw un, sb ko s u kpg wl ng 2mutulong luha s mga mata ko ndi n kita mahal pero gbi2 khit my 1 ng taong nkkplit s mga alaala mo, p2loy prin ang skit ng dmdmin at phirap s aking icpn, wl akong pkialm s mga nkraan mo at estado mo s buhay ang alm ko minahal kt ng sobra at ipinkita lahat ng kbuthan n dati nmn ay dko gngw, sn mging msy k at plgi kng mgiingat at mgddsal, sn mging cpa k pr m iingat mo ang klgyn nyo 2lad ng pngarp mo, kaya kong tiisin ang skit...

Anonymous said...

..agree po aq sainyo kc wala naman po talagang kwenta ung mga grades na yan kc sa mundong ito ang mahalaga kung paano mo inapply sa buhay mo ang mga natutunan mo.. kaya nakakainis nga po ung mga kalsmate ko na sobrang grade conscious.. napakayabang nila!! hai..

Anonymous said...

Sobrang binibigyang importansya ng mga estudyante ang grades dahil sa bulok na sistema ng edukasyon dito sa bansa. Kapag maghahanap ka ng trabaho, plus factor kung mataas yung grades, kung maganda yung school, lalo kung may honors. Pero di ko naman sinasabing pag mataas grades e di na matalino.

Para sa akin, sobrang focused ng mga studyante na tumaas yung grades eh nalilimutan na nila matuto sa ibang paraan, through experience, na hindi naman naituturo sa loob ng classroom. Pag pasok ko ng UP, sinumpa ko na di ako magpapakakulong sa ganung sistema. Hindi man ako honors student, sobrang dami kong alam at naexperience kaysa sa mga typical geek.

Sabi nga ng isang UP grad na 1.5years na extend, wag lang tayo maging magaling na estudyante, sama sama tayong maging magaling na Pilipino, magaling na tao. *cheers!*