October 16, 2004

Ang Tambayan ni Paeng...

Nagsenti ako sa pag-alis ni Ria kaya naisipan kong mag-relax at yayain ang aking kapatid na si Nanoy (aka Kamote) sa aking favorite "gimik" place - sa Conspiracy bar - na makikita sa Visayas Avenue sa Q.C. Sinama ko na rin ang aking mga "alagad" na estudyante na sina Ghia, Minda, Ermin at Iha (pronounced as Aya, as in Aya Medel). Pakiramdam ko kasi sila lang makakasakay sa trip ko.

Mga kabataan kasi ngayon, trip lang talaga mga sayawan sa disco. Mga "acoustic" music kuno (kelan pa ba naging isang music genre ang "acoustic"?) na Nyoy Volante at Paolo Santos na wala namang alam gawin kundi kumanta lang ng mga covers at madalas pa mga pa-tweetams na mga love songs. E di ko kasi ganung trip ang ganung klaseng entertainment kasi parang entertainment for entertainment's sake lang. Parang walang mas malalim na goal. Walang mensahe. Walang relevance.

Di naman sa kini-criticize ko ang mga mahilig sa ganung ka-tripan. Pero mas masaya siguro kung mas maraming nakikinig sa mga musikerong may laman talaga ang sinasabi. Yun nga lang, wala talaga. Mamamatay sila na walang nakarinig ng kanilang importanteng mensahe o advocacy. O kaya, parang sa kaso ni Noel Cabangon at yung kantang "Kanlungan", may makakarinig nga, pero wala namang makakaintindi. Tama ba namang gawing theme song ng "Kuya" ang "Kanlungan"?

Naalala ko tuloy ang ilang taon ko ring pagtugtog ng ethnic music. Pagtugtog na may mensahe sana. Na magmumulat sana sa mga makikinig na meron nang Pinoy music bago pa man dumating ang ating mga colonizers, at maaari pa rin natin itong ma-enjoy kahit sa kasalukuyang panahon. Pero ang hirap. Walang gustong makinig. May makikinig man, exotic at alternative pa rin ang tingin sa aming musika. Parang importante lang kami kapag 1) Independence Day at 2) Linggo ng Wika.

Heniweyz, ang saya ng gig ni Joey Ayala kanina. Ilang beses ko na siyang napanood, madalas kasama ang aking lalabs, pero naaaliw pa rin ako. Marahil ay dahil na rin sa kanyang showmanship na nakakaya niyang mag-adjust sa kanyang audience. At hindi talaga ako matigil sa pagtawa sa kanyang mga jokes!

Pero pinakanatuwa ako dahil sa nakita kong na-appreciate ng aking kapatid at ng mga isinama kong estudyante si Joey Ayala. Medyo may takot kasi ako na di sila maaaliw. May pag-asa pa pala na maaaring may mga bata pa na makakasakay sa tugtog nila. Na may makakakuha pa ng mensahe nila. Siguro dapat unti-untiin ko ang mga estudyante ko sa page-expose sa ganitong klaseng sining - art with a social purpose. Natatakot lang kasi siguro ako na hindi na makakayang ma-penetrate nina Mang Joey, Mang Gary at Mang Noel ang mainstream-trained na tenga ng mga kabataan.

Sabi ni Iha, maghanap naman kami ng gig ng Asin. Tama, masaya yun. Titingnan ko naman ang sked sa My Bro's Moustache kung saan madalas silang tumugtog.

Conspiracy sa Visayas Avenue. A paradise for people who would love to enjoy music beyond its latent entertainment value. Sana laging maraming pupunta kasi masaya dun!!! Next week, si Gary Granada daw tutugtog. Problema nga lang, may nakakakilala pa ba kay Gary Granada?

Isang pamamaalam na awit muna mula kay Mang Joey:

Dumaan Ako
Music by Joey Ayala
Lyrics by Maningning Miclat

Dumaan ako sa tahimik na ilog
Ang buong mundo ay parang natutulog
Kung may bunga mang sa tubig ay mahulog
parang ang puso ko itong nadudurog

Kung mag-isa ako ay huwag nang isipin
Sa dilim ay dapat pa akong hanapin
Habang may luha ay huwag pang ibigin
Sa pangarap ko ay huwag nang gisingin

Kaya kong maghintay sa mga tula mo
makinig sa awit mula sa kabilang dako
At sa paglalakad sa lilim ng mga puno
matutuklasan ang laman ng pusong malayo

At mapapanood ang sayaw ng mga tutubi
sabay sa indak at lipad ng ibong humuhuni
At hihinahon na itong hindi mapakali
at makakahimlay sa mapayapang gabi

Dumaan ako sa tahimik na ilog
Ang buong mundo ay parang natutulog
Kung may bunga mang sa tubig ay mahulog
parang ang puso ko nga itong nadudurog
Parang ang puso ko itong nadudurog

3 comments:

Anonymous said...

hi sir! syempre ndi lng ikw ang ng-enjoy, lalo n ako. sobrang kwnto nga gnawa k s bahay eh, nakuha k pang gumising ng 7 a.m. kahit n 1:00 a.m. n me n2log para lng mgkwnto. thank u tlaga at npili m kming isama s tambayan m. tayo ang " kosang dikit",harharhar!!!!!! tama bng gwing txt???? harharhar

Anonymous said...

aray!!! natamaan ako!!! ako b pinaringgan u sir? hehe, alala ko kc nun nagkausap tau at aya nyo ko, ang sagot ko yata un pinapanood ko na show eh NYOY VOLANTE and MANNOS saka PAOLO SANTOS eh...

di ko pa n try mapanood si joey ayala... sana ma try ko,yoko naman magreact nalang na mas ok ang tugtug nila nyoy and paolo samantalang di ko pa napapakinggan tugtug ni joey ayala...

ipagtatanggol ko lang un mga mahihilig k nyoy(kagaya ko) if mas gusto nila punta gigs ni nyoy and mannos(ako un)

oo nga and madalas cover songs and walang kamatayang love songs un tinutugtug nila..kc eh it's not all aboud the music naman pag punta k s gigs...

kagaya ko, i'm after nrin to meet new friends(un my something common sa amin, un k edad ko..un prehas kami ng hilig..para mas madali maging kaibigan)... and of course a chance to be friend with great musician like nyoy...

walang nga sigurong mensahe ang songs nila pero ang makakilala ka ng new friends eh ok na diba? masarap un feeling na makakilala k ng tao n kahit minsan mo lang nakasama parang tgal nyo na kilala isa't isa...

lalo na kung ang magiging friend mo eh si nyoy and mannos n cguro...

parehas nangayari skin yan eh...

i may sound defensive pro ok lang...

EVAN

Ðemster said...

sir pag nang-aya
kau count me in <-----(kapal muks)