August 13, 2004

Tsis-missed

Nakakaiinis pag nakakarinig ng tsismis. Well, let me qualify that. Nakakainis pag nakakarining ng maling tsismis. Alam ko na isa ako sa tinataguriang pinakatsismosong prof sa IABF, pero diyos mio, may mga bulung-bulungan talagang makakapagpapanting ng tenga.

Kahapon, may humarang sa aking estudyante. Nagpagawa ng assignment. Sige, ok lang, minsan lang naman. Tapos kwentuhan kami. Nabanggit ko na ako ang gagawa ng qualifying exam para sa BS Accountancy. Nangulit, nanghingi ng tip. Syempre di ako nagbigay. Sabi ko, hihirapan ko ang exam kasi ayaw kong may makalusot na hindi deserving.

Tapos biglang sinabi niya, "Sus, may B.S.A. naman diyan na hindi naman talaga pumasa, ipinasok lang."

HHHUUUWWWATTTT????!!!

Tapos nagkwento kwento na tungkol dun sa nakapasok na hindi naman daw pumasa. Sinira-siraan. Kung anu-anong paninira, naghanap pa ng kakampi. Kinampihan naman. Kesyo malakas daw kasi. Ginamit ang mga kakilala sa paglalakad. Grabe talaga yung mga paninira.

E alam kong hindi totoo.

Hindi kasi alam nung kausap ko na isa ako sa mga tinanungan kung yung apela nung pumasang estudyante na yun ay may merit. At oo, may merit. Sobrang may merit na limang faculty members ang tinanungan nun at sumang-ayon. Inapprove pa ng Dean. Inapprove pa nung mismong gumawa ng question.

Pinagtanggol ko nang konti (medyo diplomatic pa).

"Bakit, Sir? Kaibigan niyo? Sus, kaibigan niyo kasi!"

Hayup. Nagpanting na talaga ang tenga ko...

They say that there are two sides in every story. Actually, I disagree. There are many many sides to every story because we all perceive things in different ways and taint them with our different opinions and biases. That's all fine and dandy. But there's one side that you should never ever take...

Never be on the wrong side.

And you, my clueless rumor-mongering friend, are on the wrong side. What a tragedy...

13 comments:

Anonymous said...

bad!!!! bad!!!!!

Anonymous said...

grabe ha!! sir bkit ganun???? ano ba merit nung di pumasa pero pinasok sa bsa?? bkit ung ibang student na matatalino na bumagak sa dlawang quali di ipinasok sa bsa?? db unfair un sa iba??
>>>>>vErTiCaL<<<<<

Anonymous said...

hey sir...siyempre kilala k kng sino un tinitukoy dyan, but that person got her facts wrong...actually there were two who got admitted...one of them was me(I suppose kilala nyo na ko). Alam ko na un tungkol dyan sa rumor na kalat na kalat supposedly sa iabf (esp. sa fa's), but I never really given it much thought. now that I read this, it made me realize how big an issue this was for some...it pains me to hear that there are people who waste time thinking about nonsense such as this...sorry if i sound so angry but the victim of those malicious rumors is actually a dear friend, and I know all the troubles that she's gone to and endured bec. of this stupid issue. it is so unfair. the least they can do is to stay away from something that they're not privy(sp?) to. or if it really bothers them, at least try to consider all the facts first. kung sino man yang nagkalat (and I have an idea as to who it is) at sa lahat ng naniwala, may God bless you. darating din ang blessing para sa inyo, hintayin nyo lang. but please don't spoil the blessings of others.

Paeng said...

Sabi ni Vertical:

grabe ha!! sir bkit ganun???? ano ba merit nung di pumasa pero pinasok sa bsa?? bkit ung ibang student na matatalino na bumagak sa dlawang quali di ipinasok sa bsa?? db unfair un sa iba??
>>>>>vErTiCaL<<<<<

Sabi ko naman:

anong merit nung "di pumasa"? simple lang. tama yung corrections na inapela niya kaya technically, pumasa siya kasi umabot yung iskor once the corrections are counted.

ganun lang kasimple. ngayon kung di nag-apela yung iba, kasalanan pa ba nila yun?

pinapahirap kasi yung buhay. ang naiinis lang ako, pinapalabas na may palakasan sa BSA program. at ang sasabihin ko...WALA!!! gusto nga naming tumaas ang passing percentage sa Board Exam, bakit naman kami magpapasok ng taong kahit quali ay hindi maipasa?

Anonymous said...

sir, bka iniisp niyo na isa ako dun sa mga ngiisip na may plakasan sa BSA... (hndi po)... kya hindi umapela ang iba kc alam nila bawal "DAW" iparecheck ung papel.. so hindi po nila kslanan kung hindi cla umpaela about sa result ng quali.. and pano nmn nlaman nung di pumasa pero nkapasok sa BSA ung mali nya at pinrecheck pa niya un?
>>>>>vErTiCaL<<<<<

Paeng said...

hindi naman talaga "recheck" ang pinagawa. pag sinabi mo kasing recheck, ang pinapagawa mo ay pinapaulit mo lang yung pagche-check ng papel nagbabakasakali na baka may maling matching sa answer key at sa papel. bawal magpa-recheck kasi pag papayagan yun, e di lahat na lang ng papel ng bumagsak e irerecheck namin.

ang nangyari kasi ay may nakita siyang questionable answer sa tanong. vague kasi yung pagkakasulat na it can be interpreted in a different way. so in essence, hindi recheck ang hinain niya - correction. may ibang interpretation sa tanong kaya pwedeng iba yung maging sagot.

akala niyo ba hindi pwedeng maghain ng correction sa quali? pwede! baka hindi niyo rin alam na pwede niyong i-demand ang answer key. pwede! kailangan lang merong initiative para i-point out sa amin kung ano yung icha-challenge niyo na sagot namin.

siguro ang mali lang namin dati ay hindi namin ipinaalam na meron kayong ganitong karapatan. so ngayon pa lang sasabihin ko na. sa mga kukuha ng quali ngayon, pwede niyong i-challenge ang answer key. pag napatunayan na may merit, saka tayo magre-check.

siguraduhin niyo lang na valid ang argument niyo. baka naman maling-mali, iaapela niyo pa. :)

Paeng said...

hello. di naman kasi nagpa-recheck. ang nagpa-recheck, pinatitingnan lang kung mali yung pagkakabilang ng tama't maling sagot. at bawala talaga kung recheck lang kasi ilang beses namang dinadaanan yung papel para masiguro na walang mali sa pagchecheck ng papel niyo based sa answer key.

ang kaso dito, iba. chinallenge yung sagot na binigay namin sa tanong kasi medyo vague yung pagkakasulat ng tanong and it can be answered differently under a different interpretation. para bang sinabi sa amin na hindi dapat siya minalian dahil tama naman yung sinagot niya. and the appeal was found to have merit kaya kinorek yung kanyang sagot sa inapelang question.

i think our mistake then was that we have not informed everybody that the answers we put out can be challenged. it can be appealed. if you think na mali yung sagot namin sa isang tanong, challenge, basta kaya mong i-back up yung contention mo.

this person who appealed was also not informed about that right but the person did go on to challenge us anyway because the person believed strongly na tama siya. malakas lang talaga yung loob.

so ngayon pa lang sasabihin ko na kasi ako maglalabas ng quali ngayon. pwede niyong hingin yung answer key. pwede niyong busisiin at pwede niyo kaming i-challenge kung sa tingin niyo may mali sa sagot namin. pero hindi pwede magpare-check just for rechecking's sake. kailangan may ipapakita muna kayo na may mali sa answer key namin bago tayo magre-check...

Paeng said...

hahaha!!! tama ba namang dalawang beses ako mag-reply. hindi kasi lumabas una kong comment, akala ko nabura na. :p

i hope everything's clear na, vertical? just stop calling the person as "di pumasa pero nkapasok sa BSA" because it sounds very insulting.

Anonymous said...

sir, sorry sa pagsabi ko ng di pumasa pero nakapsok sa BSA.. nwei, everythings clear na po, and parang kilala ko ung cnasabi dun sa tsismis pero deserving nmn po tlga ung taong un.. good luck sir! hope na di kau magalit sa mga comments ko.. thanks po!
>>>>>vErTiCaL<<<<<

Anonymous said...

sir, sorry sa pagsabi ko ng di pumasa pero nakapsok sa BSA.. nwei, everythings clear na po, and parang kilala ko ung cnasabi dun sa tsismis pero deserving nmn po tlga ung taong un.. good luck sir! hope na di kau magalit sa mga comments ko.. thanks po!

Paeng said...

ok lang yun, vertical. :) madaldal lang talaga ako. hindi ako galit. grrrr....

JOKE!!!

nagawa ko na ang 25 questions sa quali. HAHAHAHAHA!!! 25 na lang. harharhar!!!

Anonymous said...

grabe hanggang ngayun pala di pa ren tapos yang tsimis na yan? hay... saya-saya naman *insert sarcasm here* parang nasa high school or elementary ulit tayu, whenever someone gets something better they always assume na may ginawang panglalakad o paghahatak yung taong yun, di man lang nila vineverify yung facts about what truly happened... ika nga walang benefit of the doubt!

tsk tsk... i pity the pathetic, petty and insecure people who spread such rumors... but i pity more the people who believe such rumors... ok babalik na ulit ako sa sulok ko *hugs her mint tea and sniffles*

retselane said...

sa totoo lng, i heard dat news many tyms especially with fa n never did i mind it, pero d ko alam na marami plang nagbi2gdeal jan...kung sabagay po sir d nmn po ntn maccc na matsismiss un considering hindi man lang napost ang name niya sa mga pumasa at dag2an mo pa ung mga comment ng hs schoolm8 niya...pero skn lng...wat with this person ba? honestly, i know exactly who this person is... cguro she/he really passed the quali eh pagka2alam ko kc wla nmng palakasan sa bsa... (i hope tama pagka2alam ko) besides f she/he didnt deserve to be a bsa maki2ta nmn natin sa performance niya...