August 24, 2004

The Art of Letting Go (Teacher Style)

Kahapon, "dinalaw" ko yung class na kinailangan kong bitawan dahil sa pagkaka-appoint sa akin bilang OIC ng BS Accountancy program. Ewan ko ba. Malungkot ako. Parang ganito rin ang nararamdaman ko tuwing may ga-graduate akong mga estudyante. Lagi akong nag-aalala na baka magkamali sila, baka mapabayaan sila o baka kung anong mangyari sa kanila...

Tapos naalala ko ang quote na ito:

"Ideal teachers are those who use themselves as bridges, over which they invite their students to cross; then having facilitated their crossing, joyfully collapse, encouraging them to create bridges of their own."

Oo nga. Bilang isang guro, dapat matuto akong magtiwala na kaya ng mga estudyante ko na magpatuloy kahit wala ako. Dahil yun naman ang dapat natutunan nila sa akin, di ba? Kung paano kumilos at mag-isip kahit na wala ako sa tabi nila?

Kaya sa mga nahiwalay kong estudyante, paalam na. :) Kayang kaya niyo yan. Wag niyo nang ikukumpara yung bago niyong prof sa akin. Magaling rin sila. Sa totoo lang, hindi naman gaano kaimportante ang prof. Kayo mismo ang importante, dahil ang sagot ay nasa inyong kamay. :)

3 comments:

Anonymous said...

kailangan mo silang pagkatiwalaan, dahil yun ang patunay kung nakatulong ka sa kanila...

"Wag niyo nang ikukumpara yung bago niyong prof sa akin. Magaling rin sila."

galing na sa iyo na magaling ka... magbuhat ba ng bangko... FEELING!

Anonymous said...

hi sir! you know im so proud to be one of your student i guess you really must have a burden in us. but dont worry everything you've shared will be inculcated in our minds. (for life!)and one thing more di naman kayo natuloy na umalis sa sec. namin di ba?

inah said...

sir kmi b un??? hehehe.... kakalungkot nga nung nkita nmin kayo eh, parang gusto k nun lumabas n lng and kausapin kayo kaya lng dami nman kumakausap sa inyo and nandun n ung prof nmin, tpos nung sumilip uli me eh wla n kayo.... nga pla makwento k lng, lam niyo b sir n we're hoping p rin nun n hindi kayo npalitan, tpos nung pumasok n kmi eh un iba n ung nsa harapan n nagsasalita....nalungkot n lng kmi, wala nman kmi magawa eh... pero sir miss n po nmin kayo, sayang nga lng talaga!!! gud luck n lng po!